Kabanata 3

2023 Words
OLIVIA "SAAN KA BA NANGGALING?" Ito ang mataas na tono at galit na tanong ni Inang Luna sa akin nang makarating na ako sa fitting area. "Nasiraan ang sinakyan ko Inang, kaya't late ako. Tapos nakasakay pa ako sa bwisit na sponsor na iyon," mahina ang aking huling pangungusap ngunit narinig pa rin niya. "Ano kamo, sponsor?" "Yes." "Bakla, dapat chinika mo. Oh tapos anong sabi?" Pasikreto niya akong dinala sa gilid. "Wala inang. Ang feeling lang ng mag-i-sponsor na iyon. Akala mo naman kung sino siya." "Inaway mo? Bakla ka! Hindi mo alam na mayroong say ang mga iyon sa pageant na ito?" "Naku Inang. Kung alam mo lang kung ano ang mga pinagsasabi. Ang manyak. Makita ko lang talaga siyang muli, talagang isusumbong ko siya kay Ninong Joshua." "Abah. Bakit hindi mo na lang sinakyan?" "Hindi ko maaatim na ganoon inang. And besides, sapatos lang naman ang sponsor niya. I have my own." "Baklaaaah! Ang haba ng hair mong sabihin iyan. Hindi mo ba nakikilala ang sponsor ng shoes niyo? Kilalang business man iyon! Bruha ka!" "And so? Kailangan ko bang ibaba ang sarili ko sa kanya?" "Bahala ka! Imbes na koronahan ka ng with diamonds ay baka tinik ang maiuwi mong korona. Huwag mo akong sisisihin!" "Inang, walang effect iyon okay? At saka obvious naman kung sakaling ipatalo nila ako ah." "Oh siya, magsukat ka na at kanina pa gustong magalit ang organizers. Kung hindi ka lang malapit kay mayor ay baka tinanggal ka na nila." "Takot lang talaga nila, Inang. Sige na!" Kapagkuwa'y nagtungo na ako sa grupo ng mga kababaihan. Ako na ang kumuha ng mga gagamitin ko at saka ako bumalik sa aming pwesto. "Sigurado ka ba sa sizes nito? Hindi kailangan ng repair?" tanong ni Inang Luna sabay kilatis ng mga swimsuit at mga pang-production numbers namin. "Oo inang. Kasyang kasya iyan." "Okay, so proceed ka na sa practice at baka hindi mo masundan ang steps. Huwag itotodo at baka makita nila ang technique." "Okay! Ako pa ba? Sanay na sanay na ako diyan inang. Besides, nakikita ko na kung sinong mga makakasama ko sa finals. Pumusta ka na." Sabay kindat ko sa aking handler. "Ang dami mong alam, sige na, umalis ka na sa harapan ko at baka hambalusin kita ng sapatos." "Bye!" Paalam ko. WHOLE DAY ang practice kaya't halos whole day rin akong naka-high heels. Medyo masakit sa paa pero sanayan lang talaga. Strict ang choreographer at hindi ito ang na-hire last year. I think better ito dahil alam niya ang ginagawa at sinasabi niya. And of course, gusto ko siya dahil inilagay niya ako sa harapan. More exposure, more chances of winning talaga. Kaya naman ngayon ay mas nadagdagan ang aking confidence. Nasa ibaba si Inang Luna habang nanonood. Alam ko ang ginagawa niyang pagkilatis sa mga kasamahan kong kandidata. Tinitingnan niya ang mayroong mga potensyal. Pero dahil handler ko siya, hindi lang ang mga mayroong potensyal ang kanyang tinitingnan kundi maging ang mga kandidatang tinik sa aking pagkamit sa korona. "Okay, last round. Walang magkakamali. Makikita kayo ng mga mata ko!" Striktong wika ng choreographer. Naglakad na kami pabalik sa backstage at kanya kanyang reklamo ang mga kasama ko dahil sa kapaguran at pagiging strikto ng aming choreographer. "Okay lang iyan. Para naman sa atin ito. Kaya't push lang natin guys," I stayed positive and made them think na kaya ko pa kahit papa-give up na ang paa ko. Tiis ganda lang talaga ang aking ginagawa sa ngayon. At sa mga oras na iyon ay natapos din ang kalbaryo naming lahat. Kanya kanyang pahinga ang mga kapwa ko kandidata sa stage. Nakaupo na sila at hinihimas ang kanilang mga paa. Ako naman ay walang sinasayang na oras. Kinakausap kasi ako ng isa sa mga organizers at isang oportunidad iyon para sa pagkamit ng korona. Panay ang ngiti sa akin ni Inang Luna dahil sa aking mga ginagawa. And aside from that, mukhang bet na bet nila ako. Plus points talaga ito. "So, galingan mo ha? Isa ka sa mga top 5 last year, baka naman ngayon ka pa maging kampante," wika ng isa sa mga organizers. "Yes po. I will," ang tangi kong naisagot. MABILIS lumipas ang araw. Ngayong gabi ay ang mismong pageant night at siyang makokoronahan ang mananalo bilang Miss Villa Santibañez. Ready na ang lahat ng mga gamit ko mula sa aking costume, swimsuit, gown and for production number. Habang lumilipas ang oras ay mas lalong nalalapit ang moment para sa pinaka-inaasam asam komg korona. Nanonood ang aking mga magulang at proud na proud sila sa akin. Maging ang aking ninong na ngayon ay nasa harapan bilang mayor. Nakuha ko ang best in swimsuit at best in long gown. Dalawa ito sa mga major awards kaya't siguradong pasok na ako sa top five finalists. Ngayong gabi ay naka-set ang aking focus sa pag-uwi ng korona. Bukod kasi sa mga premyo ay kapag nanalo ako, ako ang magiging representative ng aming syudad sa magaganap na Binibining San Joaquin sa susunod na buwan. Ito talaga ang goal ko kaya't kinakailangan kong manalo ngayon. Napakaraming nagche-cheer para sa akin ngayong gabi. Mayroong kaniya-kaniyang banners ng aking number, ng aking pangalan at litrato. Kaya't ngayon ay very confident akong lumakad at rumampa sa stage para sa kanila at para sa pangarap ko. Panglima akong tinawag sa top 10 kaya naman naghiyawan ang mga fans ko nang makasama ako sa semi finals. Nagpasiklaban kami sa swimsuit rounds at sa long gown competition. Naiuwi ko ang dalawang awards kung kaya't natitiyak kong pasok na pasok na ako sa top 5 finalists. At iyon na nga ang nangyari, ako ang pangalawang tinawag in random order. Sa last round ay ang question and answer portion. Habang naghihintay ako ng aking turn ay nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na amerikana at sa loob nito ay puting long sleeves. Mayroon siyang suot na bluetooth earphones at nakatiklop ang kaniyang mga kamay sa kaniyang dibdib. Seryoso siyang nakatitig sa akin at hindi niya iyon tinatanggal. Sa tingin ko ay interesado siya sa akin. Gwapo siya, matangkad at mukhang mayaman. Kaya naman na-tense ako bigla nang malamang ako ang tinitingnan niya. "Sis, ikaw yata ang trip niya." Kinalabit ako ng katabi kong ka-batch ko rin sa pageant last year. "Oo nga. Nakaka tense naman ang titig niya." Natatawa kong wika. "Gosh. Ang gwapo ng papa. Big fish na iyan sis," aniya. Hindi na ako nakasagot nang ako na ang tawagin ng host para sa aking katanungan. Hindi na ako masyadong kinakabahan ngayon dahil sanay na ako. "Hello Miss Viejo Sur." Bati sa akin ng male host. "Hello, good evening." "Your question comes from judge number four, Miss Leila Bautista, our vice governor." Nag-focus na ako sa tanong. "Hello. My question is, If you will win tonight, are you willing to give up the crown for the man you love? Why or why not? " Napangiti ako sa tanong niya at ngayon ay gusto kong magpakatotoo lang. Ayaw ko silang i-impress sa hindi makatotohanan na sagot. "Good evening. That's quite a tough question but I just want my answer to be real. If I will win tonight, a responsibility will be given to me as a model and a representative of our city. I believe that this requires time and effort to really embody a phenomenal woman that our city wants to have. But as regards to having a man in my life, I believe it's not really a problem. I can be responsible to my duties and I can also be a loving partner to my love one. That's being a phenomenal woman. Thank you." Pagkaabot ko pa lang ng microphone sa host ay nagsigawan na ang audience dahil sa sagot ko. Hindi ako masyadong kinabahan. Hindi ako masyadong nag-isip ng negatibong bagay kaya't nasagot ko iyon ng kung paano ko gustong sagutin ang tanong. Nakita ko naman na satisfied ang judges sa sagot ko kaya't natuwa ako. Habang nakatayo ay tumingin akong muli sa paligid. Nandoon pa rin ang lalaki at titig na titig sa akin. Nagsisimula na akong kabahan ngunit hindi ko gustong ipakita iyon kaya't umiwas ako ng tingin sa kaniya. Hanggang sa matapos na ang question and answer portion. Napakabilis lang ng pangyayari dahil sunud-sunod nang tinatawag ang mga runners up ng pageant. At laking gulat ko nang dalawa na lang talaga kaming naiiwan. Ganitong ganito ang eksena last year at masasabi kong mas kinakabahan ako noon kaysa ngayon. Malakas ang pakiramdam ko na mayroon akong tyansa kaya't nanatili akong confident. "And the new Miss Villa Santibañez is..." Hudyat ng host. Natuon sa aming pareho ang spotlight at mas lalong naging intense ang music. "She is Miss Viejo Sur!" PAKIRAMDAM ko ay ninakaw ang opportunity ko para makoronahan. Matapos kasing-i-announce ang aking pagkapanalo ay ang pinakanakakatakot na pangyayari sa aking buhay. Nakidnap ako! Wala na akong ibang chance kundi ang utuin ang lalaking ito na sa palagay ko ay kakilala ko. "Huwag mo akong saktan pakiusap, gagawin ko lahat ng gusto mo! Pakawalan mo lang ako pagkatapos." "Talaga? Gagawin mo lahat?" "Oo." Bigla niya akong dinala sa kama at pinaupo doon. Naupo siyang muli sa silya at tiningnan ako sa aking mga mata. Hindi ko kayang tingnan ang mga mata niya dahil natatakot ako. Pero mayroong kung ano mula doon ang nakikita kong kakaiba. "Gagawin mo lahat?" Tanong niya saka nagdekwatro. Tumango na lang ako sa kaniya. "Kung gagawin mo lahat, pwes simulan na natin. Tumayo ka at maghubad ka sa harapan ko!" utos niya. Gagawin ko ba? Kinakabahan ako dahil sa totoo lang ay tila ba wala rin akong ligtas sa kanya. Habang nakatitig lang ako sa kabuuan niya ay naalala ko kung saan ko siya nakita. Shocks. Siya iyong lalaki sa...sa van. Oo nga. Natitiyak ko iyon. Siya nga iyon. Paano ko ba ito malalagpasan? "Maghubad ka na!" Ma-autoridad niyang utos sa akin. Hindi ko akalain na sa ganitong kagwapuhan niya ay kidnapper pala siya. Hindi ba't isa siyang kilalang business man? Bakit niya ito gagawin? Sa anong dahilan bakit niya ako kinuha? "Huwag naman iyon. Hindi ko iyon makakaya," tanggi ko sa utos niya. "Pinagloloko mo yata ako! Hindi ba't sinabi mong gagawin mo ang lahat?" "Oo nga pero hindi sa puntong iyon." "Mukhang mag-uulam ako ng atay at balunbalunan ngayon." Dinilaan niya ang itaas na labi niya habang nakatitig sa akin. Mas lalo akong natakot sa kanyang inaasta. Aswang ba siya? Serial killer? "Pakawalan mo na lang kasi ako! Kailangan ako ng mga magulang ko!" Naiiyak na akong nakikiusap sa kanya. "Hindi mo na sila makikita pa. Hindi ka na nila makakasama pa, Olivia." At talagang alam niya ang pangalan ko. Mula sa kanyang mga sinabi ay mas lalo kong napagtanto na kailangan kong lumaban sa kanya. Hanggang sa makarinig ako ng katok mula sa pintuan. Kapwa kami napalingon at dahil doon ay nakakuha ako ng oportunidad para sumigaw. Ibubuka ko palang ang bibig ko nang itutok niya sa akin ang isang baril. "Don't ever open your mouth. Sasabog ang bungo mo!" Banta niya sa akin saka ako hinila palapit sa pintuan. "Don Adan! Si Maliksi ito. Pinatatawag ka ni Lord Derick!" Boses ng lalaki ang nasa labas at ngayon ay nakatalikod lang ako sa pintuan habang nakatitig sa kanya. Nalatutok din kasi sa akin ang baril niya. Umiiyak ako ngunit mahina lang. "Susunod na ako! May ginagawa lang ako!" Sagot niya sa lalaki. "Dala mo raw ba ang babae?" "Hindi pa!" Sagot niya. Sigurado akong ako ang tinutukoy ng lalaki sa labas ngunit bakit sinabi niyang hindi? "Ikaw na lang ang bahalang makipag-usap sa lolo mo!" Sabi pa ng lalaki. Maya maya ay nakarinig ako ng yabag ng paa na papaalis. Ilang saglit pa ay gusto ko nang sumigaw. At iyon ang ginawa ko. "Heeelll....pppp! Mmm!" Hindi ko nalakasan ang pagsigaw ko sapagkat ngayon ay natakpan na ng labi niya ang bibig ko. Hinahalikan na niya ako at sa mga halik na iyon ko natagpuan ang aking sarili na sobrang satisfied sa pakiramdam na hatid ng kanyang kapusukan. Bakit ko nagugustuhan? Bakit ko nilalasahan? At bakit ako nakahawak sa kanyang mga pisngi? Masama ito. Pagtatapos ng ikatlong kabanata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD