Sa mga oras na iyon ay ang daming gumugulo sa kanyang isipan. Habang nag-iisip si Liza ay bigla siyang napatingin sa kanyang pamilya. Napokus ang kanyang tingin sa kapatid na katabi lang ng kanyang ina. At tila nag-uusap ang kanilang mga mata nang magkatitigan ang mga ito. Naulinigan naman ng kapatid kung ano ang nais nitong ipahiwatig. Kaya pagkatapos ng titigan na iyon ay tumayo si Jeff at nagtungo sa kinaroroonan ng kanyang Ate Liza. Paglapit nito sa kapatid ay binulungan niya ito. "Ate, punta muna tayo sa duyan mo sa may bukid. Doon tayo mag-usap," wika ni Jeff saka nito tinapik ang balikat ng kapatid. Tumango naman si Liza sa sinabi ni Jeff. Nagpaalam muna ang dalawang magkapatid sa kanilang mga magulang at sabay na nagtungo sa bukid. Tahimik lang ang magkapatid na nagtungo sa bu

