Sa sobrang saya nilang dalawa ay nalimutan na nila ang oras. Pinagbihis ni Sophia si Zoe at pilit na pinapasama sa bahay nila para maka kwentuhan naman niya si Manang Linda. Tiyak na marami rin itong gustong ikwento sa kanya. Sabik din kasi iyon sa kausap. Habang nagbibihis si Zoe ay nakatanggap siya ng text message galing kay Leo. Tinatanong nito kung kailan makakabalik si Liza sa dorm. Habang nagbibihis si Zoe ay nakita niyang abala si Sophia sa pagsagot sa text. "Sino iyan?" inosenteng tanong nito sabay hablot sa cellphone ni Sophia. Salubong ang mga kilay na sigaw niya. "Uy! Ano ba?" Kumunot ang noo nito ng mahulog ang cellphone. "Sorry naman! Importante ba?" tanong ni Zoe sa kanya na may bahid ng pag-aalala ng mahulog ang cellphone ni Sophia. "Medyo!" Tumawa siya nang bahagya at t

