"Makatawa wagas! Diyan ka naman magaling, ang mang-asar. Pero kapag siya naman ang inasar mo mapipikon kaagad." Kulitan ng dalawang magkaibigan. "Hindi kaya! O, gabi na po. Umuwi ka na! Baka mag-aalala na naman si Manang Linda," aniya sabay tulak sa kanya papalabas ng pinto. "Bakit ba parang pinapalayas mo na kaagad ako? May gusto pa akong sabihin sa iyo." Saka lihim na napangiti ito. "O, ano iyon? Dali na! Mahalagang-mahalaga ba iyan?" Halata sa boses ni Zoe ang excitement. "Oo. Kaya nga kinausap na kita ulit kasi may narealize ako." Sabay kamot ng ulo. "Talaga? Na e-excite naman ako." May dalang kiliti ang boses nito. "Magugulat ka sa sasabihin ko! Be ready, my dear," seryosong sabi nito. Nagduda na si Zoe sa sasabihin niya kaya kinutuban na ito at inunahan na siya. "Hay, naku! S

