Pagkatapos makapagpaalam ni Leo kay Cindy ay umuwi na ito ng condo. Pagsakay nito ng kotse ang una nitong tiningnan ay ang kanyang cellphone na naiwan niyang naka charge sa kotse. Pagtanggal nito sa charger ay bumungad kaagad sa kanya ang isang katutak na text messages at call ni Liza. Napahimas ito ng batok ng mabasa nito ang mga mensahe sa kanya ng nobya. Naisip nito na tawagan na lang si Liza pagdating sa condo. Kaya dali-dali na itong nagpaandar ng kotse para madali itong makarating ng condo. Nakikinita-nita nito na galit na naman sa kanya ang nobya. Sa halip kasi na dalhin nito ang cellphone ay sinadya niyang iwanan ito na naka charge sa kotse. Halos paliparin na nito ang kotse para makarating lang ng maaga sa condo, dahil malamang ay iniisip na ni Liza na wala pa rin ito sa condo dah

