Habang pinupugpog naman siya ng halik ni Leo ay tawa naman ito nang tawa na animo ay kinikiliti ito ni Leo. "Tama na nga iyan, love. Let's eat! Baka lumamig na naman itong ininit ko. Maupo ka na diyan." Pagkaupo ni Leo ay muli niyang hinila si Liza sa braso para paupuin naman ito sa kanyang hita. Para namang bata na umupo ito saka nito sinubuan si Leo. Enjoy na enjoy nila ang isa't isa na para bang wala silang pinoproblema. "Love, hindi ka ba nabibigatan sa akin?" tanong ni Liza habang nakakandong ito sa hita ni Leo. "Hindi naman. Sakto lang. Bakit?" tugon nito saka niya niyakap si Liza nang mahigpit. Takang-taka naman si Liza kung bakit ganoon na lang ang higpit ng yakap ng binata sa kanya. "Sabihin mo lang kung nabibigatan ka na, ha?" wika nito sabay himas sa pisngi ni Leo. "Oo," a

