Sa tansya ng ina ay hindi na kakasya ang mga natirang itlog sa tray. Kaya naisipan niyang magpabili kay Sophia. "Hija, pwede ka bang bumili ng itlog?" Utos nito sa anak na busy sa pag text. "Sophia!" Sigaw niya na hindi pa rin siya naririnig dahil hawak-hawak nito ang cellphone at hindi mabitawan. Sa sobrang subsob sa cellphone ay nilapitan na siya ng ina at inagaw ang cellphone nito. "Mom!" aniya. "Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako naririnig. Bumili ka muna kako ng itlog para makagawa ako ng inuutos mo." Sermon ng ina sa kanya saka lang tumayo si Sophia sa sofa. "Ay, sorry po. Sige po. Ilan po ba?" sagot nito na halatang wala naman sa sarili. "Sigurado ka bang naiintindihan mo ako? Panay ka lang text baka naman pagdating sa tindahan ay hindi mo alam ang bibilhin mo! Kunin mo iton

