"Hija, tara dito sa labas." Tawag ng ginang na mas excited pa sa anak. "Dali!" dagdag pa nito. Kahit masama pa ang pakiramdam ni Sophia ay pinilit nitong tumayo sa kama para mapagbigyan ang kagustuhan ng ina. Habang papalabas siya ng kwarto ay may kung anong saya siyang nararamdaman. Halatang excited siya sa kung ano mang sorpresa ang makikita niya sa labas. Dahan-dahan siyang lumakad papuntang pintuan at napapapikit sa excitement na nararamdaman. Nakita siya ni Manang Linda kaya sinamahan siya nitong bumaba ng hagdan. Sa pakiwari niya ay alam na ng matanda ang sorpresa ng ina dahil napapangiti na ito sa kanya habang tinitingnan siya nito. "Manang Linda, alam niyo na po ba kung ano ang sorpresa ni mommy sa akin?" bulong nito sa matanda saka nito inakbayan ang nanay-nanayan. "Hindi pa ng

