Inirapan niya muna ang guard na nakatingin sa kanya saka siya pumara ng taxi na sasakyan niya. Hindi siya sanay mag commute kaya panay ang dasal nito habang nasa loob siya ng taxi. Kung si Elsie ay takot na takot sa pag commute samantalang si Sophia naman ay kumportableng nakasakay sa hiniram nitong kotse. Huminto muna ito sa isang gasolinahan para ipacheck at ipa full tank ang sasakyan. Habang hinihintay nito ang kotse ay naisipan niyang tawagan muna ang ina. "Hi, Mom! Nakahiram na po ako ng kotse kay Elsie. Nandito po ako ngayon sa gasolinahan. Magpapa gaas at papacheck ko po kotse para safe ang lakad namin bukas. Mom, may tumawag po ba sa akin?" tanong nito sa ina na umaasang tinawagan na siya ni Zoe. "Wala pang tumatawag. May inaasahan ka ba na tatawag sayo ngayon?" aniya saka ito

