Pagkatapos nito masagutan ang form ay natulog na ito. Pero hirap siyang makatulog parang may kung ano o sinong umiisip sa kanya at hindi siya makatulog. Pilit niyang pinipikit ang kanyang mga mata. Ngunit, hindi talaga siya dalawin ng antok. Pero kanina lang ay gusto na niyang matulog pero biglang nawala ang kanyang antok. Tumayo muli ito sa kanyang pagkakahiga at umupo sa may upuan katabi ng kanyang kama. Kinuha niya ang cellphone at nagbasa ito ng mga messages sa inbox. Pero wala man lang nagbago o nadagdag na message sa kanyang cellphone. Nang balikan niya ang message sa kanya ni Liza ay nabasa nito na ito ang huling araw ng exam ng kaibigan. At dahil ito na ang huling araw ng pagsusulit ng kaibigan ay pwede na niya itong istorbohin sa dorm. Sinubukan niyang tawagan ito, pero ng makita

