Habang nagdadabog si Liza papasok ng silid niya ay nakaramdam naman ito ng hiya sa kanyang mga kasamahan. Marahil ay hindi naman niya talaga iyon gawain. Masama lang talaga ang loob nito sa kasintahan niyang si Leo. Gustong-gusto na niyang magwala dahil sa sama ng loob, pero hindi nito magawa dahil maaaring marinig siya ng kanyang mga ka-doormmate o maging ng may-ari ng dormitory. Kaya hangga't maaari ay pinipigilan nito ang kanyang sarili na magwala sa loob ng kanyang silid. Kung alam lang ni Liza na pareho sila ng nararamdaman ngayon ng kanyang matalik na kaibigan na si Sophia ay malamang pareho silang magwala ngayon sa kani-kanilang kwarto. Pero si Sophia ay wala ng panahon para magwala pa sa ngayon dahil mas gugustuhin na lang nito ang magpahinga at matulog maghapon dahil sa pagod sa k

