Matapos makainom ng tubig ni Sophia ay hinanda na niya ang kanyang sarili sa kung ano man ang magiging reaksyon ni Zoe sa sasabihin niya. Habang busy si Zoe sa paglipat ng mga bulaklak sa vase. Si Sophia naman ay abala sa pagtitig sa katawan nito. "Uy, anong ginagawa mo?" tanong ni Zoe sabay ngisi sa kaibigan. "Sus, Sophia, sinungaling mo talaga? Bakit mo ako tinitignan? Naseseksihan ka siguro sa suot ko, ano?" "A-ah, wala lang!" Sabay tawa. "Hinihintay lang kita matapos sa ginagawa mo," dugtong pa nito. Ilang saglit pa ay natapos na si Zoe sa pag salansan ng mga bulaklak. Dumiretso naman ito sa kusina para makapaghanda nang makakain nila ni Sophia. "Sophia, let's eat!" Pag-aaya nito habang hila-hila niya si Sophia sa braso papuntang dining table. "Ikaw ang nagluto?" tanong niya sabay

