"Ano ba kasi talaga ang gusto mong malaman, Zoe? Hindi ba't nasabi naman na sayo ng mga kasamahan ko na naka leave nga ako sa trabaho," aniya. "Ano nga ang dahilan kung bakit ka nag leave? Sabi mo sakin noon kailangan mo ng trabaho para makaipon ka tapos ngayon trip mo lang mag leave? Napakasimple ng tanong ko pero bakit parang hirap na hirap kang sabihin ang rason?" tanong ni Zoe sabay irap. "Kung alam mo lang Zoe. Kung alam mo lang talaga!" sabi nito sa sarili habang nagkakamot ng ulo. "Pwede ba some other time na lang. Hindi pa kasi ako handang sabihin," seryosong sagot nito. "Okay." Napailing na lang si Zoe bago kaagad na tumayo sa lamesa at bumalik na ito sa sala para ayusin ang mga gamit nito pabalik ng hotel. Balak na niyang bumalik sa hotel kung saan siya naka stay ngayon. "May

