Habang gigil na gigil ang bunsong kapatid ni Liza kay Leo, napapaisip naman ang ina nito. Nagtataka ito kung bakit ganoon na lang kainit ang dugo ng bunsong anak sa nobyo ng kapatid nito. Marahil ay ayaw na lang nito maulit ang panloloko na nangyari sa nakaraang nobyo ng ate nito. Halos masira kasi ang buhay ni Liza ng mabigo ito sa una nitong naging nobyo. Kaya ganoon na lang ang pag-aalala niya ngayon sa kanyang kapatid. Ayaw na rin niyang makita pa na umiiyak ulit ito dahil lang sa isang lalaki. Habang nag-uusap ang tatlo, si Liza naman ay nagising sa pagkakaidlip nito sa ilalim ng puno. Tumayo ito at sinilip si Leo sa duyan. Napangiti ito ng makita niyang himbing na himbing pa rin ito sa pagkakatulog. Nilapitan niya ito sa duyan at hinalikan ang nobyo sa noo nito. Nang bahagyang gumal

