Chapter 113

2094 Words

Pagkatapos makapag-impake ni Liza ng kanyang mga damit ay nagpahinga na ito. Maaga kasi siyang susunduin ni Leo kaya kailangan ay maaga pa lang ay nakapaghanda na siya para hindi na maghintay ng matagal si Leo sa labas ng gate. Samantala, habang natutulog na si Liza, si Sophia naman ay nag-uumpisa pa lang ang araw nito sa bar. Maagang pumasok si Sophia sa trabaho, marahil ay gusto nitong makausap si Edgar tungkol sa ikinuwento nito kung paano siya naging regular sa trabaho. Maging siya kasi ay naguguluhan at takang-taka sa biglaang pagpaparegular sa kanya ni Mr. Cortez sa trabaho. Hindi rin kasi siya makapaniwala dahil kung tutuusin ay may mas marami pa ang deserving na maging regular employee kaysa sa kanya na under probation pa noong mga panahon na iyon. Lalo siyang naguluhan nang mala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD