Isang nagwawalang Alia ang nadatnan ni Nadia nang dumating siya sa pinaglilingkurang bahay kinabukasan. “You didn’t tell me that your master is a s*x maniac, a pervert,” sigaw ni Alia sa bagong dating na caretaker. Nagtatakang napakamot ng ulo si Nadia. “Ano iyon? Paki-tagalog nga para mas magkaintindihan tayo. Hindi kasi ako masyadong marunong mag-Ingles,” mahinahong sabi nito habang ipinapatong sa isang upuan ang dalang basket ng mga gulay at prutas. “Ang sabi ko, bakit hindi mo sinabing manyak pala ang amo mo. Kagabi ay nahuli ko na sinisilipan niya ako gamit ang cctv camera na nakakabit sa aking silid. Malay ko ba kung ilang araw o ilang gabi na niyang ginagawa sa akin iyon?” Nagkandautal sa pagpapaliwanag si Nadia, halatang ang unan

