KREIAH'S POV: (AT THE MEETING ROOM) "Okay, dahil kompleto na ang lahat. Magsisimula na ang ating meeting ngayon." Panimula ng leader namin saka siya tumayo sa kaniyang pagkakaupo. He's wearing his serious face infront of us. May hawak din siyang stick bago ilapat ito nang mabilis sa board na maraming nakadikit na mga newspaper. Halatang luma na ang iba at ang iba naman ay bago pa lang. Prente lang ako na nakaupo sa may unahan. Nakalagay sa aking kamay ang aking cellphone to make sure about the safety of my children. May mga tracker ang bawat isa sa kanila. At malalaman ko kung na'san ang isa kapag gumagalaw ang pulang dots sa may mapa. Napalingon naman ako sa ibang mga kasamahan namin. Lahat na ito ay puro lalaki, ako lang talaga ang babae sa grupo. Nakasuot sila ng usual uniform

