KREIAH'S POV:
Later in the middle of the night. All the people inside the mansion was peacefully sleeping. Meanwhile, I'm here thinking carefully.
Hindi ko talaga maalis sa isipan ko ang pag-aalala. Alam ko sa sarili ko na hindi pa ako handa na bumalik, umuwi sa bansa na marami akong memories na hindi maganda.
But, what can I do? I shouldn't run away anymore. I need to do this for my sons. They were my world, my precious persons that needed to protect.
I'll do everything to make sure that the smile on their faces never faded away. However, there's a question lingering through my mind.
Matagal na itong hindi nasasagutan dahil iniiwasan ko rin naman.
Kaya ko pa ba?
Hindi ko alam. All I know, this is the best.
*Cring²*
Habang nag-iisip ako nang mabuti, narinig ko naman ang pagtunog ng cellphone ko, maging ang pagliwanag ng screen. Kaya kitang-kita ko kung sino ang tumatawag.
"Yes, hello. What's up, kuya?" I asked yhe the other person.
It's no other than my brother, Jack. Minsan lang ito kung tumawag, may isang beses pa nga na kailangan ko pa itong pilitin para lang makausap ko siya o ni Papa.
Hindi mahilig sa ganito ang kuya ko, ang gusto niya ay harap-harapan. Kaso nga lang wala siyang magagawa nasa ibang bansa kami e'.
Hindi rin naman siya makaalis sa Pilipinas sa kadahilanan na may inaasikaso rin siya na importante.
Kahit na gustuhin man niya na pumunta sa kinaroroonan namin, hindi niya magawa.
"Aele told me he's coming to see me. Are you sure you're ready?" Tanong nito sa akin.
Halata sa boses nito ang pag-aalala pero alam ko na blangko ang pagmumukha nito kapag nagsasalita.
"I'm ready. Saka hindi ko rin dapat pinapatagal pa ang oras. Alam kong ito na ang panahon para bumalik." Nakangiti ko namang sabi rito.
Narinig ko ang mumunting paghinga ni Kuya Jack. Alam ko na nag-aalinlangan pa siya sa desisyon ko. Simula ng magkabati kaming dalawa nagsimula na naman ang pagiging overprotective niya sa akin.
Wala rin naman akong magagawa.
Kaming dalawa na lang ang natitira. I mean, sa magkakapatid. Simula ng mawala ang panganay naming kapatid na siyang tumatayong kuya namin, si Jack na ang pumalit.
"Okay, if that's what you want. But be careful. And I hope you resolve this mess with no problem." Iyon na lang kaniyang sinabi.
Kaya napangiti naman ako dahil hindi na rin siya nakipagtutol pa.
"Yes, I will. How about you?"
"I'm fine, don't worry about me. I don't have kids that needed to take care of. You should think about yourself and your kids. Wait, when will you return?"
"Tomorrow's our flight."
"Okay, then. Goodnight for you, you should sleep now."
"Yes, goodnight for me. Are you still in your current house..." Tanong ko ulit.
Naalala ko na minsan ay may pagka-ewan si Kuya Jack. Lumilipat na lang siya sa ibang bahay kapag ayaw niyang manatili sa bahay na iyon.
Minsan ay ginagawa niya iyon kapag hindi niya makayanan ang bibig ni Froyd.
"Umm..." Tanging narinig ko na lang dito.
Kaya napatawa na lang ako nang mahina at nagpaalam na rin sa kaniya nang wala na kaming mapag-uusapan pa.
"Mom," tawag ng kung sino.
Kaya napalingon ako sa aking likuran kung na'san ang pintuan ng kwarto ko. Nakita ko na nakatayo ro'n sina Aeze at Aele, may hawak-hawak na teddy bear si Aeze sa kaniyang kaliwang kamay samantalang sa kanan naman niyang kamay ay magkahawak silang magkapatid.
Kinukusot-kusot pa ni Aele ang kaniyang mata gamit ang kaliwa nitong kamay. Tanging siya lamang ang walang hawak na kung ano. Pero siya ang tumawag sa akin.
"Come here. Let's sleep."
Hindi na ako nagtanong kung bakit at ano. Dahil alam ko naman na kung ano ang pakay nila rito. Madalas nila itong ginagawa.
Alam ko rin na maya-maya, nandito na rin si Zicko.
"Mom," tawag nito sa akin.
Sakto na nakahiga na sa gitna ang dalawa nang dumating ito. Napansin ko ang nahihiya niyang pagmumukha dahil na rin sa pamumula.
"Come here, Zicko. Let's sleep." Nasabi ko na lang at hindi tumawa.
Nagdali-dali naman siyang pumanhik at pumaroon sa tabi ni Aele. Nasa tabi ko si Aeze. Malawak at malaki ang higaan, sinadya ko talaga na lakihan ito dahil na rin may araw talaga na ganito ang tatlo kapag hindi sila nakakatulog.
Pinagmasdan ko muna ang tatlo na natutulog sa tabi ko bago ako makuntento at ipinikit ang aking mga mata na may ngiti sa aking labi.
***
"Slippers?" Tanong ko sa mga anak ko habang naglalakad kami papasok sa airport.
Kailangan kong makasigurado na nandito na ang mga kakailanganin namin. Lalong-lalo na kay Aeze hindi siya dapat mawalan ng kahit anong bagay na nakakapagtulong sa kaniya.
I'm wearing a sunglasses right now. Marami na talagang nagbago sa akin. Bumabalik na naman ako sa dating ako na mas inuuna muna ang sarili bago iba.
I'm becoming the best version of me. And thanks to my sons.
"Check, mom."
"Headphones?" Naalala ko na hindi sila nakakapag-concentrate kung wala silang headphones sa tenga.
"We already have, mom. Look!" Napalingon ako sa direksyon ni Aele, nakaturo ang kaniyang kaliwang hintuturo sa may leeg niya. Nandoon na nga ang headphone na tinutukoy ko.
Napasulyap din ako sa iba pa. At katulad niya, nasa leeg din nila ang kanilang headphone. Napatango-tango naman ako at muling nag-isip.
Pinagbuksan pa kami ng guard sa may pintuan. Kaya napayuko kami at tinuon muli ang sarili sa paglalakad sa loob. Marami ang nagpaparoo't parito, may nakakasalubong pa kami na mga Pilipino, Amerikano at maging taga-ibang bansa na tao.
Pati sa dadaanan namin papunta sa may eroplano ay may nakakasalubong pa kami. Ngunit hindi ko na lang iyon pinansin pa. Hawak-hawak ko ngayon ang kamay nina Aele at Aeze. Baka mapalayo pa sila sa akin, hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"How about your medicines, Aeze? Zicko nalabit mo ba 'yung meds ni Aeze?" Tanong ko sa panganay kong anak para makasigurado rin.
Siya ang nagliligpit minsan sa mga gamit ng dalawa.
"Yes, mom. I already put it in my luggage." Sagot naman nito kaya hindi na ako nag-abala pa na balingan siya sa likuran.
"I hate dr*gs." Walang emosyon naman na sambit ni Aeze mula sa kanang bahagi ko. Kaya napailing na lang ako sa naging salungat niya.
Pinisil ko pa iyon nang marahan. "It's not dr*gs, son."
"Yeah, whatever." Nabuntong-hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa.
Sanay na ako sa ugali nito.
"Mom?" Tawag sa akin ni Zicko matapos naming makalabas sa airport at makita ang mga eroplano. At ang eroplano na sasakayan namin. Nandoon na rin at pumapasok ang mga pasahero.
Malakas din ang bugso ng hangin kaya napupunta sa aking mukha ang ilang hibla ng aking buhok.
"Yes?" Tanong ko naman sa anak ko nang maka-recover na ako sa paghangin. Inayos ko pa ang buhok ko para hindi haggard sa byahe.
"You forgot something,"
"Huh? What did I forget? Tell me?" Nagtataka ko namang tanong. Sa pagkakaalam ko wala na akong nakalimutan pa.
Siguro ganito lang talaga ang isang tao kapag thirty-four years old na. Malapit na sa pagkatanda at pagkalimot.
'Ano naman kaya iyon?'