Chapter 9: Tourists

4781 Words
Air’s POV  Maaga nanaman akong nagising ngayong araw kaya nagdecide na magluto ng mac and cheese para maiba naman. Balak ko din magfry ng eggs and bacon, magbe-bake din sana ako ng garlic bread hindi ko nga lang sure kung aabot pa sa breakfast. I was humming my favorite song nang lumabas si Isla wearing her sweater and pajamas along with her bed hair. Mukhang hindi pa talaga sya masyadong sanay sa time difference pakiramdam nya siguro anong oras palang at epekto nanaman yun ng paminsan-minsang pagsulpot ng insomnia nya.  “What’s for breakfast?” tanong nya saka humikab at yumakap sa bewang ko,  “Mac and cheese balita ko kasi meron daw may paborito non dito eh sino kaya yun?” sabi ko saka kunwaring nag-isip kahit kita ko na ang pagkislap ng mga mata nya.  “Oh sakto may pancake mix pa pala dito tapos may leftover rice din from our dinner last night, magtoast pa kaya ako ng tinapay or nah?” tanong nya sakin,  “Go mo na yan bes para sure may sausage pa yata dyan sa fridge lutuin mo na din” sagot ko sakanya na kaagad naman nyang sinang-ayunan. Nag-brew din sya ng kape para sa aming lahat. “So anong feeling?” tanong ko sakanya, “Feeling ng ano?” sagot naman nya, “Maging alam mo na, queen of the mermaids? Syempre malaking adjustment ang gagawin mo dito may panibago ka nang responsibility sa mga merfolks” sabi ko naman sakanya. “Well, it isn’t really hard but it feels surreal kasi diba I have always been fascinated with mermaids. Hindi ako talaga naniniwala that mermaids actually exist until I became one of them. Kaya pala noon pa pakiramdam ko na tahanan ko din ang dagat akala ko dahil masyado lang akong nawiwili sa pagda-dive and surfing pero yun pala the ocean’s my second home” sabi nya sakin habang nagsa-sangag. “Does Amethyst knows?” tanong ko ulit sakanya,  “Di ko alam kung nasabi na sakanya ni Blue eh pero si Amethyst naman yun” pagkikibit-balikat nyang sagot. “Ay wait, maiba ako. Nakwento ko na ba sayo yung bago kong crush?” tanong nya sakin, napakunot ang noo ko nang balingan ko sya ng tingin dahil nakangiti sya habang nag-fiflip ng pancakes nako delikado ka na Isla Celestine, “Well, I guess I’m surprised? Kasi matagal na nung nag-entertain ka ng manliligaw or nagka-flings you never actually liked someone. This is new. Now tell me about this guy” sabi ko sakanya saka naupo sa isang stool sa counter kung saan sya nagluluto saka pumangalumbaba doon habang hinihintay syang magsalita. “Una ko syang nakita sa coffee shop dun malapit sa university. Hindi ko naman sya napansin kaagad kaso nga lang dalawa lang kasi kami nun sa 2nd floor wala kasi si Blue yun yung after ng championship nila. Gwapo at disente sya, mukhang mabait pero mukha ding masungit. Ay hindi before pala nun nakita ko sya sa ano yung dun sa basketball court ng university nanonood kasi ako ng practice game ni Blue non tapos andon sila sa tapat na bleachers with his friends and some students from the same university. Wala tumitig lang sya sakin tapos nung birthday ni dad dun ko na sya nakilala talaga kasi as it turns out anak pala sya nung isang kaibigan ni Dad na si Tito Fred. Tapos huli kaming nagkita nung graduation ball namin, isinayaw nya pa nga ako eh” pagku-kwento nya sakin at magtatanong na sana ako nang may biglang sumingit. “Umagang kay Frazzer Sky!” sabi ni asul na kakagising lang ngayon at katabi si Amethyst, “Epal ka talaga may panis na laway ka pa oh!” sabi sakanya ni Isla, “May picture kayo nung guy? Ano nga name nya?” tanong ko kay Isla, “Frazzer Sky nga!” singit ulit ni Blue kaya sinamaan sya ng tingin ni Isla at sinaway ni Amethyst, “Wala kaming picture eh” sabi nya naman saka bumuntong-hininga, “Frazzer Sky Dawson, Electrical Engineer” sagot sakin ni Isla pagkatapos ay iniaabot sakin ni Blue ang phone nya na parang may ipinapakita, “Pinicturan mo kami? Kainis ka talaga!” bulyaw ni Isla kay Blue na nagtago sa likod ng tawa ng tawa na si Amethyst, “Bat ganon.. Parang magkamukha kayo? No joke! Parang may gantong picture si Tito George at Tita Ae nakita ko sa bahay nung last uwi ko kasi pinakita sakin ni Tatay” sabi ko kay Isla na nakakunot padin ang noo kay Blue.  Nagtulungan na kami sa paghahain sakto at nagising na sina Tita at Tito. Pagkatapos ng agahan namin ay nagdecide kami na maglibot na muna. Sa Alberta nakatira sina Tita Esther at Tito Levin kaya hindi kami magkikita.  Isla’s POV  Una sana naming balak puntahan ang Polo Park kaso sabi nila Tita saka nalang daw dun kasama kasi namin sila mas trip nilang literal na maglibot dahil may time naman daw para sa shopping. Ang panganay na kapatid nila Mommy na si Tito Edward ay hindi ko pa nameet ever since at hindi ko rin alam kung nasaan sila ng pamilya nya ngayon. Si Daddy naman ay isang electrical engineer tapos may sarili syang kumpanya yung Greene’s Electrical Corp., tapos si Tatay East na tatay ni Air ay isang mechanical engineer may mga auto repair shop si Tatay don sa Cavite balak nya pa mag-expand around Metro Manila pero hindi ko pa alam kung kailan matutuloy yun habang si Nanay Tine naman or Clandestine ay ang nanay ni Air, sikat na beautician naman sya si Ate Eastine ay sumusunod din sa yapak ni nanay habang si Kuya Eagle na syang panganay nila ang kasama ni tatay sa pamamahala ng repair shop. Ang sumunod naman kay Tatay East na si Tito Estefan ay isang doctor ayon kay Lola pero kagaya ni Tito Edward ay hindi din namin alam kung saan ito naninirahan ngayon. Si Tita Esther ay isang professor sa isang university sa Alberta habang si Tito Levin naman ang nagma-manage ng mga dalawang grocery store nila. Si Tito Aldus ay pinasok ang industriya ng farming at may mga palaisdaan din sila sa Bicol, may mga koprahan din sila doon at kilala na din ang mga produkto nila sa market kaya bigtime yun si Tito habang ang asawa naman nya na si Tita Eve ay isang public accountant papirma-pirma nalang sya ng mga financial report kapalit ng milyon-milyong salapi. Maganda naman talaga ang accountancy kaso pag hindi kayo masyadong friends ng mga numbers kagaya ko aba ayusin nyo mga desisyon nyo sa buhay! Si Tito Evan ay kapitan ng barko habang si Tita Eda naman ay may baking business balak na din nya magpatayo ng sariling shop pero hindi ko pa alam kung kelan nila balak ituloy yun.  As for me naman, hindi muna ako magta-trabaho sa company ni dad. Doon ako magtatrabaho sa Art Shop na pagmamay-ari ng professor ko. Ang alam ko sa admin works ako i-aassign tapos pwede din akong magsideline sa pagsali sa mga painting class ino-offer nga nya sakin na ako ang i-aassign nya na maging head painter pero sabi ko sakanya marami pa akong kailangan matutunan kaya saka nalang ang para don na naiintindihan din naman nya. Si Blue syempre doon sa engineering company nila sa mga pipes naman sila kaya hindi nagkaka-bangga si Dad at Tito Sven habang si Tita Erithia naman ay may restaurant sa UAE doon kasi sya nakatira noon nang magkakilala sila ni Tito Sven. Ang mga magulang naman ni Amethyst na sina Tita Amelie at Tito Greg ay parehong doctor. Anyway, saan nga ba kami pupunta?  First stop, Canadian Museum for Human Rights.  “The Canadian Museum for Human Rights is a Canadian Crown corporation and national museum located in Winnipeg, Manitoba, adjacent to The Forks. The purpose of the museum is to "explore the subject of human rights with a special but not exclusive reference to Canada, to enhance the public's understanding of human rights, to promote respect for others and to encourage reflection and dialogue." Established in 2008 through the enactment of Bill C-42, an amendment of The Museums Act of Canada, the CMHR is the first new national museum created in Canada since 1967, and it is Canada's first national museum ever to be located outside the National Capital Region. The Museum held its opening ceremonies on 19 September 2014. The Friends of the Canadian Museum for Human Rights is the charitable organization responsible for attracting and maintaining all forms of philanthropic contributions to the Museum.” iyon ang nabasa ko kay pareng Google. Kaya naman naglibot na kami nang makapasok sa loob. Magkaka-sabay sa paglalakad sina Tita Erithia, Tita Amelie, Tita Eve, Tita Eda at Nanay Tine, kasunod ang kanya-kanya nilang mga asawa habang sa unahan namin ay yung kambal na sina Adam at Jahseh. Pagkatapos ay si Blue at Amethyst ay magkahawak ang kamay sa mga gantong panahon talagang mapapa sana all ka nalang. Magkatabi kami ni Air bale napapagitnaan namin sya ni Rhythm. Hindi naman masyadong awkward ang pagiging single kapag kasama namin sina Amethyst kahit pa mukha kaming 3rd, 4th at 5th wheel na magpipinsan.  Fast forward. Nang makatapos na kami sa paglilibot sa Museum at natapos ang sangkatutak na picturan ay bumalik na kami sa sasakyan. Bale ang gagawin namin salit-salitan kung kaninong phone ang gagamitin para sa picture-taking depende sa storage at battery percentage.  Next stop. Assiniboine Park kung saan nandoon ang mga kalahi ni Blue aynako lugi pa mga unggoy kay Blue hay.  “Assiniboine Park is a park in Winnipeg, Manitoba, Canada, located along the Assiniboine River. The Winnipeg Public Parks Board was formed in 1893, and purchased the initial land for the park in 1904. Although in use before then, the park officially opened in 1909. It is named for the Assiniboine people. The park covers 1,100 acres, of which 400 acres are designed in the English landscape style. The park includes the 700-acre Assiniboine Forest, Assiniboine Park Zoo, Assiniboine Park Conservatory, the historic Assiniboine Park Pavilion, formal and informal gardens, a sculpture garden, a miniature railway, an outdoor theatre for performing arts, and numerous other attractions.” sabi ulit ni pareng Google.  Kahit yata ilang patong na ng coat ang suot ko ay talagang nilalamig padin ako. Eh paano naman kasi medyo mahaba ang lalakarin papunta doon sa polar bear. Pero sulit din naman kasi talaga ang cucute nila kahit na lahat sila ay tulog. Sa lugar ng mga polar bear ay may maliit na coffee shop. Mamaya ay pupunta naman kami don sa mga marine creatures. “Sana Ate sa susunod na punta natin dito may mga boyfriend na kayo noh tapos ako may girlfriend nadin” biglang sabi ni Rhythm,  “Ay okay lang ako kaya nyo na yan” sabi ni Air na mas mapait pa ang timpla nya sa pag-ibig kaysa sa kapeng barako, ayaw nya talaga magka-lovelife matapos nung kay Jax. Jaxon is not my story to tell. Pagkatapos naming gumamit ng powder room at ubusin ang hot choco naglakad na kami ulit kasama ang dalawang staff ng Park para isama kami dun sa lugar ng mga marine creatures.    Fast forward.   One eternity later…   Nang makarating kami doon ay nakakita kami ng iba’t ibang uri ng isda. Meron pang mga sharks at madami pang iba at lahat sila..lahat ng mga isda at sea creatures ay nakausap ko. Oo, nakausap ko. At ang sabi nila sa akin in Canadian accent, “Welcome to Assiniboine Park, Queen Isla Celestine!” na sinagot ko sa pamamagitan ng alanganing ngiti saka bahagyang yumuko. Hindi kami tumuloy sa Tinkertown Amusement Park dahil kahit gaano namin kamahal ang mga rides ay hindi padin kami uubra sa nyebe.    Winnipeg Art Gallery. For sure makakakuha nanaman ako ng inspirasyon dito kaya mabuti nalang ay bitbit ko ang instax ko pati na extra battery at extra films. Tahimik kong pinagmasdan ang buong lugar, hinayaan naman ako ng mga kasama ko na mag-ikot mag-isa. Habang pinagmamasdan ko ang sari-saring paintings at sculpture ay nagawi ang mga mata ko sa bandang kanan ko akala ko mga obra na ni Vincent Van Gogh ang pinaka magandang nakita ko pero hindi pala, here I am standing infront the most beautiful masterpiece I’ve ever seen and his name is Frazzer Sky Dawson who’s peacefully seating at a bench here at the gallery. Madaming tao ang dumaan sa harap namin kaya nang muli kong tignan ang kinaroroonan nya ay wala na sya dun. What the hell was that? Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon saka nagpatuloy sa pag-iikot dahil iniisip kong parte lang yun ng imahinasyon ko. Kumain muna kami sa isang restaurant malapit dito sa gallery saka sunod na tumulak papunta sa Gardens at the Leaf.     Rhythm’s POV Gardens at The Leaf. Perfect para sa mga plantita at sa mga trip ng magchill-chill. Kami ni Ate Air ang photographer ng lahat si Ate Isla naman ay kumukuha din ng mga larawan gamit ang instax nya para siguro sa mood board nya or para sa panibagong obra na gagawin nya. Hindi ako masyadong fan ng arts kasi music at basketball talaga ang forte ko. Si Ate Air ay writer ng mga libro ganun din si Ate Isla pero painting at poetry talaga ang forte nya. Si Kuya Blue hmm ano nga ba? Bukod sa magaling sya sa pagba-basketball kahit papaano ay magaling din syang mag-drawing kaso depende din sa mood nya saka kung si Ate Isla ay hindi masyadong kasundo ang mga numbers iyon naman ang paborito ni Kuya Blue. Si Ate Amethyst naman ay may talent sa pagbe-bake.  Masasabi kong peaceful ang lugar na napuntahan namin kahit pa may iilang nagbabike at nagja-jogging yung iba pa nga ay binabati kami lalo kapag nalaman na PInoy kami. Sina Mommy naman ay panay ang tanungan kung pwede ba daw mamitas ng bulaklak para itatanim nila sa bahay kaso strictly no picking of flowers ang policy nila dito kaya nakuntento nalang sila sa pagkuha ng picture ng mga ito. Kasama ang pangalan ng mga bulaklak dahil pag-uwi daw nila sa Pilipinas ay maghahanap sila ng ganon at itatanim sa kanya-kanyang bahay habang mga sina Dad naman ay pinag-uusapan ang design ng mismong building. Si Kuya Blue naman ay abala sa pambobola kay Ate Amethyst, “Alam mo ba love, mas maganda ka pa sa mga bulaklak dito..” narinig ko pang sabi ni Kuya Blue na inilingan naman ni Ate Air habang si Ate Isla ay napaface palm nalang. Gabi na nang makalabas kami sa Garden bukas naman ay kaming lima ang gagala dahil mas trip ng mga Titos at Titas na magpahinga muna dahil umaangal na ang mga Tito na nananakit ang mga balakang dahil sa sobrang lamig kaya tinawag sila ng mga asawa nila na weak.  Fast forward. Next day... Amethyst’s POV Good morning! Dr. Amethyst Grace Vasquez-Adkins, practice lang! Bagay naman diba? Paalis na kami ng bahay ngayon dala namin ang isang sasakyan na nirentahan yata ni Tito Evan para may magagamit kami habang nandito kami sa Canada. Bale may dalawang SUV tapos isang malaking van pa na ni-rent umangal kasi sina Tita nang malaman na dapat bus ang kukunin nito pangit daw kasi tigna dahil hindi naman daw kami magfi-fieldtrip.  Una naming pupuntahan ang The Forks National Historic Site.  Sila Isla ay tulog pa sa backseat maaga pa naman kasi eh saka medyo nakaka-adjust na sila sa timezone dito sa Canada. Ang cute nilang tignan dahil nakasandal si Air sa may bintana habang si Isla ay nakasandal sa balikat ni Air tapos si Rhythm ay nakasandal naman sa balikat ni Isla. Nag-drive thru kami ni Blue sa isang coffee shop para daw pagkagising ng tatlo ay may makakain sila.  “Alam mo love, ang saya pala ng ganto noh. I mean yung paminsan-minsan nagbabakasyon tayo sa ibang bansa tapos kasama buong family. I hope we can do this again kapag may free time ulit tayo, my heart is happy because you are with me. Thank you love ha? For always choosing me without a doubt” sabi sa akin ni Blue saka kinuha ang kaliwang kamay ko at pinagsalikop ang mga kamay namin saka inilagay sa kanang hita nya at doon nya marahang hinaplos ang mga knuckles ko. Umangat ako ng bahagya mula sa kinauupuan ko para bigyan sya ng halik sa pisnge. Nang lingunin ko ang mga kasama namin ay mga gising na pala sila pero magkaka-sandal padin habang tahimik kaming pinapanood kaya nahiya akong ngumiti. “Ayos lang yan sismars, kami lang to. Basta wag lang kayong magla-lampungan dahil R18 yun at 16 palang si Rhythm hahaha” natatawang sabi ni Isla habang naka-finger heart pa. Inabot ko sa kanila ang sandwich at kape na binili namin para sa kanila kanina habang natutulog pa sila, maya-maya ay nagbeep ang phone ni Blue nagsend pala ng stolen shot namin si Rhythm sakto nang halikan ko si Blue sa pisnge kaya kaagad naman akong pinamulahan kaya nang makita iyon ni Blue ay sinabihan nya ako na ako na mismo ang magpost sa IG nya. Pinost ko ito saka nilagyan ng caption na ‘sweeter than maple syrup’ na agad namang umani ng madaming comments at likes.  “Alam nyo kaya ayaw kong pumupunta sa mga gantong lugar eh sa mga historical place kagaya nito. Kasi may mga parte ng nakaraan na hindi na dapat binabalikan dapat binabaon nalang sa limot lalo na kung hindi naman maganda yung alaala na iniwan nito. Kung ang pinapa-alala nito ay yung mga panahon na dapang-dapa ka at halos hindi na maka-usad kasi bawat lakad mo parang ang isang paa mo ay nasa hukay na” biglang sabi ni Air habang naglilibot kami, nagkatinginan si Rhythm at Isla pero nanatiling tahimik habang ang boyfriend ko naman ay hindi napigilan ang kanyang bibig, “The Forks pa ba pinag-uusapan natin o iba na? Itong pasyalan pa ba o sya nanaman?” tanong nya na may himig ng pang-aasar, “Hindi lahat tungkol sakanya, Blue” sagot naman ni Air saka sya inirapan habang sya naman ay napanguso nalang na para bang isang batang napagalitan.  Hindi na kami nagtagal sa lugar na yon dahil marami pa kaming gustong puntahan.  Flying Squirrel Trampoline Park Winnipeg. Di ko din sure kung anong trip namin dahil pwede naman kaming mag-hiking at mountain climbing pag uwi sa Pinas pero heto kami ngayon at parang mga 7 years old na magta-trampoline. Malaki ang trampoline nila dito halos masakop na ang buong lugar tapos may safety net sa paligid nito karamihan sa mga naglalaro ay mga bata mayroon din naman mga teenagers pero walang kasing edad namin pero dahil nasa Canada kami ay hindi naman mapang-husga ang mga tao dito mayroong grupo ng mga halos ka-edad namin ang sumabay sa amin sa pagsampa sa trampoline. Nang magsawa sila sa trampoline ay sinubukan naman ni Isla, Blue at Rhythm ang wall climbing habang kami ni Air ay nakahiga dito sa parang pool of foams I don’t actually know kung tama yung term ko but whatever. Nang matapos na ang tatlo sa pagwa-wall climbing ay nagkayayaan kaming kumain sa parang canteen dito, pumili lang kami ng light snacks saka syempre hindi mawawala ang hot chocolate at kape.  Sunod naming pinuntahan ang Manitoba Sports as per request ng mga boys.  Pa-hapon na pero ibang klase ang energy ng mga kasama ko. Partida hindi pa kami kumakain ng kanin ah! “The Manitoba Sports Hall of Fame and Museum is a museum in Winnipeg, Manitoba, Canada, dedicated to the history of sports in Manitoba and honouring the best in sports. The organization began in 1980 and in 1993, a museum was opened in The Forks. After five years, the museum moved to The Bay store on Portage Avenue. However, the museum has moved to the Sport Manitoba building, and had a grand opening on October 27, 2012. Exhibits of Manitoba's sports teams and honoured athletes are displayed in the museum.” yan ang nabasa ko sa paboritong website ng mga estudyante hahahaha. Nasa kalagitnaan na kami nang pag-iikot at ganon nalang ang ningning sa mga mata ni Rhythm at Blue talagang mahilig ang dalawang to sa sports. Pero ang alam ko, ice hockey ata yung national game dito sa Canada hindi ako sigurado.  “Alam nyo bang dati akong fan ng sports?” biglang tanong sa amin ni Air, napakunot kami ng noo sakanya dahil kahit na kelan ay hindi namin sya kinakitaan ng interes sa mga sports, tahimik kaming nakikinig sakanya “Pero dati yun. Kasi yung isang taong naghikayat sa akin na manood ng sports tumakbo palayo sakin eh. Hindi naman ako bola pero nang mai-shoot nya ang direksyon patungo sa puso ko tumakbo lang sya paalis. Hindi naman sya soccer player pero akala nya yata goal ako dahil nang masipa na nya ako diretso sa net ay hinayaan nalang nya akong malublob sa putikan ni hindi manlang sinubukang lingunin at sagipin. Hindi ko masasabing player sya dahil..dahil hindi ko naman din alam kung anong nangyare sa amin eh kung bakit isang araw bigla nalang syang naglaho na parang bula. Kung bakit kasabay ng pagkurap ko ay nawala na din sya. Sinubukan ko naman syang hanapin, sinubukan kong manghingi ng sagot sakanya pero wala naman akong tanggap na kahit na ano. Gusto ko sanang marinig yung paliwanag nya, kung bakit kasabay ng pag-alis nya ay tinangay na din nya ang puso ko. Pero naisip ko din na baka hindi ko kayang tanggapin yung posibleng sagot nya sa mga tanong ko kaya hinayaan ko nalang na ihipin ng hangin yung mga tanong ko. Na-realize ko na baka talagang hindi para sa lahat ang pag-ibig.” sabi nya saka biglang lumakad palayo sa amin at nagpunta sa ibang direksyon kaya nagkatinginan kaming tatlo at nanahimik nalang.  Nagyaya si Blue na kumain kami sa Famous Dave’s Restaurant.  Sinamahan kami ng receptionist sa isang mesa na sakto para sa amin saka kami inabutan ng tag-iisang menu. Si Blue na ang umorder para sa aming lahat, umorder sya ng award-winning ribs, famous feasts, hindi ko alam kung ano ang mga kasama nung mga yon pero bahala na sya. Kumuha din sila ng ilang bote ng alak mabuti nalang at international license ang hawak ni Isla kaya kapag nagka-sarapan ng inom sina Air at Blue ay may magda-drive. Sinubukan ko magmaneho noon pero driving isn’t really for me, marunong magdrive si Air pero si  Blue at Isla lang kasi ang may international license. Isla’s POV Mabuti nalang at hindi masyadong uminom sina Air at Blue pero ako padin ang nagmaneho dahil medyo makulit na si Blue. Nang makarating kami sa bahay ay walang tao sa sala baka nasa kani-kanila nang kwarto ang mga Tito at Tita kaya naman tumawag ako saglit kay Dad umaga na don sa Pilipinas. “Hello nak, kamusta bakasyon nyo dyan?” bungad sa akin ni daddy na sa palagay ko ay nasa opisina nya, “Ayos naman po kami dito Dad, sayang po kasi di kayo nakasama. Kayo po dad kamusta naman po kayo dyan?” balik kong tanong sakanya, “Okay naman ako dito anak miss lang kita kaya lang alam mo naman ang sitwasyon natin. Oh pano nak, tatawag nalang ako sa ibang araw ha may meeting pa kasi ako. Mag-iingat kayo dyan ha? Ikamusta mo nalang ako sa lahat, I love you anak!” sabi sa akin ni dad na sinagot ko naman ng, “I love you too dad, miss ko na din po kayo!” at doon na natapos ang tawag. Hindi kasal si dad at Ursula live-in partners sila mabuti na nga lang din at hindi nya tuluyang nalason ang isip ng tatay ko at hindi sya pinakasalan. Hindi basta-basta nakakasama sakin si dad kapag gantong pumupunta ako sa ibang bansa kasi syempre hindi naman nya basta-basta pwedeng iwanan yung kumpanya namin lalo na at alam nyang wala syang mapapag-katiwalaan doon kaya nga hindi ko din maintindihan kung bakit hindi nya padin iniiwan si Ursula eh hindi nya naman mahal yun.    Wala pa kaming balak matulog kaya tumambay muna kami sa sala doon malapit sa fireplace dahil medyo malamig padin dito sa loob kahit pa may heater naman. Bumubuhos nanaman kasi ang mga snow kaya ganun. Nagbanaw ng hot choco at kape si Rhythm para sa aming lahat actually meron naman kaming coffee maker dito pero mas trip nung dalawang nakainom ng black coffee. “I have a question. Bakit kahit ilang beses na kayong binigo ng pag-ibig naniniwala padin kayo dun? I mean hindi ba kayo napapagod?” tanong ni Air na nakatitig sa fireplace habang humihigop ng kape. “Hindi naman talaga palagi masaya sa pag-ibig Ate eh parang sa buhay talagang minsan may mga times na malulungkot ka kasi ganun talaga eh hindi mo naman pwedeng i-skip yung page ng buhay mo na yun eh kailangan mo talagang pagdaanan sa ayaw at sa gusto mo. Nasa sayo na kung paano mo tatahakin. Hanggang kaya pa ipaglaban mo lang kasi hirap pag may regrets eh” sagot ni Rhythm saka nagkibit-balikat. “Wala din sa tagal yan eh 7 years na kami ni Amethyst pero hindi rin namin namalayan na ang tagal na pala naming parte ng buhay ng isat-isa. Hindi rin naman kami perpekto, I mean wala namang perpektong tao eh. Pero ako kasi I date to marry eh. Niligawan ko si Amethyst dahil balang-araw pakakasalan ko sya ganun naman talaga dapat eh hindi yung papasok ka sa isang relasyon dahil trip mo lang panget yung ganun. Ginulo mo yung buhay nung babae eh nananahimik lang naman sya tapos pag nagsawa ka sasabihin mo pasensya ka na tinry ko naman pero talagang hindi tayo nagwork sana mahanap mo yung taong para sayo talaga tapos iiwan mo. Gawaing gago yung ganun eh. May mga times na tinanong na din namin yung mga sarili namin kung gusto pa naming ituloy yung relasyon namin pero binabalikan namin yung mga unang araw na nagsimula naming mahalin ang isat-isa. Hanggang ngayon sa tinagal na naming magboyfriend and girlfriend di ko padin masagot yung tanong kung bakit mahal ko sya basta ang alam ko lang mahal ko sya, mahal na mahal. Saka may nakapag-sabi na din sakin dati na matagal na kami at tanggap na namin ang isat-isa kaya bakit namin susukuan yung taong pinagdasal namin diba? Na yung pag-ibig na nararamdaman namin eh hindi naman nararanasan, we are blessed because the Lord led us to each other” sagot naman ni Blue na nakasandal sa nakangiting si Amethyst. “Hmm..natatakot din naman ako pero.. Ayokong mamuhay sa takot eh I mean naniniwala kasi ako na hindi naman pare-parehas ang lahat ng tao and besides I have never been in love nor liked someone kaya hindi ko padin alam kung anong pakiramdam non. Hindi naman kasi pwedeng dito lang tayo eh walang mangyayare sa buhay natin eh hindi tayo uusad kung hindi tayo kikilos. Kelangan natin laging subukan kasi nga diba pano natin malalaman?” sabi ko naman at doon na natapos ang gabi namin.  Kinabukasan ay nagstay nalang kami sa bahay at ang mga Tito at Tita naman ang umalis. May indoor pool naman at yung indoor cinema ay nandon din sa pool area kaya doon nalang kami manonood ng Netflix series. Sa palagay ko ay hindi pa alam ni Amethyst ang tungkol sa pagkatao ko kaya naman sa tingin ko ay ito na ang tamang oras para malaman nya. Nag-aayos sya ng pagkain sa isang lamesa malapit sa pool nang lapitan ko sya, “May kailangan kang malaman tungkol sakin hindi ko alam kung mag-iiba ang tingin mo sakin pero matalino kang tao kilala kita” sabi ko sakanya saka hinawakan ang dalawa nyang kamay sakto naman nang bitawan ko ang kamay nya ay dumating na din yung tatlo. Kaya naman nagpunta na ako sa pool area tinanong pa ako ni Blue kung sigurado ako sa gagawin ko kaya ibinaling ko ang tingin ko kay Amethyst na halatang naguguluhan. Marahan kong ikinumpas ang kanang kamay ko sa tubig saka nagliwanag ang singsing pati ang marka at kasunod niyon ay nakita ko nanaman ang asul kong buhok pati ang makulay kong buntot, kaagad kong nilingon si Amethyst na nakakunot na ngayon ang noo at bahagya pang nakanganga, “You’re..you’re a mermaid?” gulat nyang tanong saka tinakpan gamit ng dalawang kamay ang kanyang bibig, bumilang ako ng sampung segundo sa utak ko sa pag-aakalang matatakot si Amethyst at tatakbo pero nagulat ako nang lumakad sya at bumaba dito sa pool saka lumapit sakin para itanong kung pwede nya bang hawakan ang buntot ko kaya napakurap-kurap kaming apat.  Ibig sabihin lang non tanggap din ako ni Amethyst. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD