Chapter 8: Mermaid

2241 Words
Blue’s POV Bataan White Coral Beach Resort here we gooooo!!! Pagkatapos ng mini celebration namin sa bahay ay nag-impake na ako ng mga gamit para sa 4 days and 3 nights naming getaway. Summer na kasi kaya baka magyaya din sina Dad or sina TIta na magbakasyon sa ibang lugar. Yung Villa type ng room ang kinuha namin kasi apat lang naman kami at sanay naman kami magsama-sama sa isang bahay nagpaalam din ako kay Amethyst kasi syempre importanteng komportable sya. Ang mga amenities dito ay ang Conference Hall, Fresh Water Pool, Salt Water Pool or yung beach,meron din silang fitness center, sauna, basketball court, beach volleyball tapos playground para sa mga bata at isip-bata saka team building facilities may bilyaran at dart din, may restaurant saka souvenir shop. Water activities naman ay available ang jetski at banana boat ride. May kusina na dito sakto at may dala naman na kaming mga frozen goods at bigas yung iba naming kakailanganin mabibili naman namin sa convenience store nitong resort. Bukas ng umaga bibili kami ng mga pang-mukbang na seafood sa palengke malapit dito.  Nang maiayos na namin ang mga gamit namin ay hindi na ako nagtaka nang hindi ko makita si Isla sa paligid dahil alam na namin kung nasaan sya, nasa dagat na naman siguro pero baka hindi pa lumalangoy gutom na din yun eh hahahaha. Yung bestfriend ko na yun papunta na sa pagiging talangka dahil masyado nyang mahal na mahal ang dagat. Inaya ko na sila na mananghalian na sa Fernando’s Restaurant dahil hindi pa kami makakapagluto.  Fast forward. Sa dami ng inorder namin ay hindi na kami halos makatayo. Akalain nyong ang kuripot na si Air ang nagbayad ng kinain namin akala ko nga kanina namamalik-mata lang ako at eto pa card pa ang ginamit sa pagbabayad mukhang may bagong sweldo ah. Nang makatayo na kami ay pinaunalakan namin ang libreng ferry ride na parang graduation blowout na samin nang malaman ng mga staff na gumraduate kami ni Isla with flying colors.  Isla’s POV Nagpahinga muna kami bago nag-swimming. Suot ko yung black na two-piece swimsuit na regalo sa akin ni Amethyst nung birthday ko, may wave prints kaya talagang nagustuhan ko saktong alam din nya ang size ko kaya nagmukha tuloy na ipina-sadya ito para sakin. Sinabayan ako ni Blue na maligo sa dagat wala naman masyadong restrictions kahit gabi na besides professional diver naman kami parehas ni Blue hindi nga lang masyadong marunong lumangoy sina Air at Rhythm. Nang nasa medyo malalim na parte na ako ng dagat ay lumangoy na ako dama ko ang mga pinong buhangin sa mga paa ko at ang katamtamang lamig ng tubig na yumayakap saakin kasabay ng paglangoy ko. Hindi ko alam kung hanggang anong oras kami nanatili sa dagat siguro hanggang mga 10pm ay nandon pa kami sayang nga lang at hindi namin nadala ang diving gear namin. May sakit ako sa puso dati kaya nakahiligan ko na ang paglangoy hindi rin kasi ako allowed na sumali sa ibang sports kahit na matagal na akong naoperahan sa puso.  Lumipat muna kami sa pampang saglit daglit nakalatag doon ang isang tela kung nasaan ang mga bote ng alak at iba pang mga inumin at snacks. Makalipas ang higit isang oras ay lasing na lasing na si Blue kaso ay bumalik na ako sa paglangoy mabuti nalang at nasalo ko sya nang madulas sya at kamuntikan pang lumubog sa dagat, saktong pagkakuha ko sakanya ay biglang nagliwanag ang balat ko at nakita ko ang parang kaliskis na blue at may pagka-pink din medyo makinang din ito. Nasa kanang bahagi ito ng braso ko malapit sa palapulsuhan ko saka ito nagform na parang isang wave tattoo. Nahihiwagaan ako sa pangyayare pero ipinagkibit-balikat ko nalang iyon at inakay na si Blue pabalik sa villa namin.  Buong gabi akong hindi nakatulog dahil sa nasaksihan ko baka eto na ang epekto sakin ng pagbabasa ng kung ano-ano tungkol sa mga sirena. Kinabukasan… Air’s POV Kagigising ko lang at ramdam ko na ang pagbiyak ng ulo ko hindi ko na din maalala kung ilang bote ang napatumba namin ni Blue kagabi at hindi ko na din maalala kung paano kami nakabalik sa villa pero mas kailangan ko ng aspirin ngayon. I mean di kami masyadong friends ng mga gamot but I could really use one now.  Di ko nga lang sure kung nakapagbitbit si Isla hindi sya umiinom pero nagdadala talaga sya ng ganon kapag may out-of-town kami.  Kasalukuyan kong binabanaw ang kape ko nang marinig ko ang pagrereklamo ni Blue, “Isla my bestfriend, baka naman may aspirin ka dyan para sa kaibigan  mong gwapo pero hindi perfect. Yari nanaman ako kay Amethyst nito!” sabi nya saka muling ininda ang sakit ng ulo. Inabot samin ni Isla ang isang bote ng aspirin at dalawang bowls ng hangover soup, kanina ko pa napapansin ang pananahimik ni Isla pero hinahayaan ko lang sya though I feel like there’s something really off about her. Nagpaalam sya na pupunta na muna sya sa dagat sumama naman si Rhythm sakanya kaya naiwan kami ni Blue dito sa villa. “Anong nangyare kay Isla? May ginawa ba tayong kahihiyan kagabi? Jusko pano nalang ang career at mga fans ko nito?” madamdaming sabi ni Blue, “Hoy wala ka pang career kaka-graduate mo lang saka wala ka ding fans at mas lalong hindi mo na kailangan ng electric fan dahil ikaw mismo mahangin na. Hindi ko rin alam kung anong nangyare kay Isla eh kaya dalian mo dyan tapos puntahan natin don!” sagot ko sakanya, “Concern ka pala sakin?” pang-aasar nya, “Ay hindi!Concern ako sa mga pagkaing maiiwan dito dahil baka ibubulsa mo pa!” bulyaw ko sakanya, “Ah talaga, Aerithea ako ba talaga yung nambubulsa eh ikaw nga nagpapadala ka pa ng ziplock kay Rhythm kapag may handaan eh kala mo ah!” pang-aasar nya uli sakin na inirapan ko nalang saka sya uli pinagmadali. Rhythm’s POV “Ate, oks ka lang ba? May nangyare ba? Kwento ka sakin makikinig ako” sabi ko sakanya saka tumabi sa kanya sa buhanginan. Itinaas nya ang sleeve ng rashguard na suot nya sa may bandang right side at doon ay nakita ko ang isang simpleng wave tattoo pero kapag tinitigan mo ay para syang hindi basta lang tattoo para bang pinasadya iyon para lang sa balat nya. “Oh, kelan ka pa nagpa-tats?” tanong ko sakanya kahit pa alam kong hindi naman tattoo yun. Saglit syang nanahimik nang maramdamang papalapit na sa amin sina Ate Air at Kuya Blue, si Kuya ay tumabi sakanya habang si Ate Air naman ay katabi ko, nakita din ng mga kasama namin ang animo tattoo na nasa malapit sa palapulsuhan ni Ate Isla, “Kagabi hindi ko namalayan na nakaalis na pala sa pampang si Blue at sa sobrang kalasingan ay nadulas sya pero mabuti nalang at maagap ako kaya nasalo ko sya kaagad bago pa sya tuluyang lumubog sa ilalim. Nang paalis na ako sa kinaroroonan ko biglang nagliwanag ang balat ko tapos nakakita ako ng makinang na kaliskis na pinaghalong blue at pink and the next thing I knew I already have this thing on my arm” sabi ni Ate Isla saka bumuntong-hininga at tumayo saka lumakad papunta sa tubig saglit nyang tinignan ang paligid. The next thing I knew is that Ate Isla is screaming in pain pero hindi naman namin alam ang pinagmumulan nito, lalapit na sana si Kuya Blue sa kanya nang bigla nalang syang balutin ng nakakasilaw na liwanag. At ang sumunod naming nakita ay ang hindi namin kailanman inasahan. Mayroon nang buntot si Ate Isla with a mixture of white, pink and blue tapos may mga parang shell na nakatakip sa dibdib nya at ang brown nyang buhok ay parang unti-unti nang nagiging midnight blue na may highlights na white. Si Kuya Blue ang unang nakabawi sa gulat kaya kaagad nyang nilangoy ang distansya palapit kay Ate Isla. Nang makalapit sya kay Ate ay agad itong naiyak pero ang mga luha nya ay mistulang naging perlas? “Blue wag kang lalapit! Hindi ka ba natatakot sakin? Umalis na kayo!” pagtataboy nya sa amin habang patuloy sa pag-iyak habang yakap ang sarili. Naawa naman kami ni Ate Air sakanya, “Isla bestfriend mo ako, okay? Kahit sino ka pa at kahit ano ka pa tanggap kita. Hindi ako natatakot sayo dahil kilala kita, oo maaring sa mga oras na to ay nabigla ako pero mahahanap din natin ang mga sagot na bumbagabag sa mga utak natin hmm? Hindi mo kailangang matakot dahil kahit anong mangyare nandito kami para sayo, tahan na” sabi ni Kuya Blue saka marahamg hinaplos ang pisnge ni Ate saka pinaalis ang mga luha nito. Nang tumahan na si Ate ay sinabihan kami ni Kuya Blue na tignan muna ang paligid dahil baka may makakita kay Ate Isla kapag binuhat nya ito papunta sa buhanginan, nang makita naming wala namang ibang tao ay binuhat na ni Kuya Blue si Ate Isla into a bridal style saka marahan itong nilapag sa pampang mabuti na nga lang din at dala ko ang jacket ko kaya noong mag-transform ulit si Ate Isla ay nabalutan namin kaagad sya. Isla’s POV Nanghihinayang ako dahil may mga natitirang araw pa kami para magstay sa resort pero kailangan ko ng mga sagot sa tanong ko. Kanina pa nila ako kinakausap at inaalok ng pagkain pero nanatili akong tahimik, tinanggap ko lang ang kapeng binili ni Blue para sakin. Hindi ako makapag-isip ng tama dahil maging ako ay hindi padin makapaniwala sa mga nangyare sa akin ngayong araw. Iniisip ko kung ito ba ang sikretong hindi masabi sa akin nila Tita Eve pero kagaya nga ng sabi ko noon ay kung ano man ang dahilan nila kung bakit nila kinailangang itago ito sa akin ay tatanggapin ko.  Fast forward. Nang makarating kami sa bahay ay kaagad kaming sinalubong ng nag-aalalang mukha ni Tita Eve nagmano kaming lahat at nang pumasok kami sa loob ng bahay ay nandoon din pala sina Dad at sina Tita Eda, wala ang mga bata marahil ay nasa pool area pa, si Lola naman ay tahimik lang na nakaupo sa sofa.Tumabi sa akin si Blue at hinayaan akong magsalita, sina Air naman ay lumapit kay Lola. dahan-dahan kong itinaas ang manggas ng sweater na suot ko at base sa pagsinghap nila ay mukhang alam na nila ang ibig kong sabihin. “Kailangan ko po ng maayos na paliwanag lalo na at palagay ko po ay may kinalaman ito sa pagkatao ko kaya sana po ibigay nyo po sakin ang karapatan kong malaman ang katotohanan” seryosong sabi ko sa kanila, “Hayaan mo sana kaming ipaliwanag sayo ang lahat…” panimula ni Dad, “Sa kagustuhan naming mailayo ka sa panganib ay inilihim namin sayo ang tungkol sa pagkatao mo. Hindi ako sigurado kung maniniwala ka pero ikaw ang huling sirena na tagapag-mana ng inyong kaharian. Ang iyong inang si Aethiopia ang reyna ng mga sirena noon, sya ang reyna ng Oceana. Ang iba mong pinsan ay may taglay din na kakaibang kapangyarihan. Full moon kagabi kaya nakahanap ng pagkakataon ang karagatan para ipaalala sayo ang iyong obligasyon sa Oceana kaya lumabas ang marka na iyan malapit sa iyong palapulsuhan nasa edad ka na para harapin ang iyong responsibilidad sa Oceana anak pero nasa sa iyo parin yon kung susunod ka sa yapak ng iyong ina. Sa oras na tuluyan mong tanggapin ang iyong posisyon ay tuluyang magiging bughaw ang iyong buhok. Mag-iiba ang kulay ng buhok mo kasabay ng pagsulpot ng buntot mo.” pagpapaliwanag kay Dad na dahan-dahan namang tinatanggap ng utak ko. “Narito ang singsing na pamana sayo ng iyong ina, binilinan nya ako na sa oras na malaman mo ang tungkol sa Oceana at sa pagiging sirena mo ay ibigay ko ito sa iyo. Sa pamamagitan ng singsing na iyan ay mag-aanyong tao at sirena ka kung kailan mo naisin. Hindi maaaring gamitin ng iba yan dahil magiging kasumpa-sumpa ang buhay nila kapag nagkataon” sabi ni Dad saka iniabot sa akin ang isang singsing na may maliit na pearl sa gitnang bahagi na nagiging blue paminsan-minsan at mayroon din itong tag-isang diamond sa magkabilang gilid.  “Tatanggapin ko ang posisyon ko sa Oceana, dad. Kagaya dito ay talaga palang tahanan ko rin ang karagatan” determinadong sabi ko kay Dad.  Matapos ang tagpong iyon ay nagdesisyon ang buong pamilya namin na magbakasyon muna sa Canada kasama din namin si Blue pero pinauna na nya kami dahil ilang araw nalang din ay darating na si Amethyst mula sa Australia kapag dumating na sya ay susunod na sila sa amin sa Canada kasama ang mga pamilya. Kung ganto ka-solid ang support system nyo guys, laban lang ng laban!  Dito kami mamamalagi sa Manitoba, Winnipeg dahil may 3-storey kaming bahay dito na sapat na para sa aming lahat ang laki. Sa pagkakaalam ko ay pinundar ni Mommy ang bahay na to dahil balak na nyang mag-migrate sa Canada noon kasama kami kaya lang hindi natuloy dahil sa aksidenteng kinasangkutan nya. Napakaganda dito, may indoor pool pa. Bago kami umalis ay nakoronahan na ako bilang reyna ng Oceana. Matapos ang tatlong araw ay sumunod na din dito sa amin ang pamilya nila Blue at Amethyst. Malawak pa ang espasyo ng bahay kaya imbes na maghotel ay napili nilang dito nalang din manatili hanggang sa makauwi kami ulit sa Pilipinas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD