Blue’s POV
Sabado ngayon at dito ako matutulog kina Tita Eve. Sa kwarto ako ni Rhythm natutulog kahit pa may guest room naman sila okay naman na kasi ako dun sa kwarto nila hindi naman kasi ako bisita eh family member ako since day one. Nung nagpaulan si Lord ng confidence nandon ako sa gitna at nagsasa-sayaw pa!
Maaga kaming nagising ni Rhythm kaya naglaro muna kami ng basketball habang hinihintay naming magising si Isla.
Fast forward.
Pagkabalik namin ni Rhythm galing sa court ay sinabihan ako ni Tita Eve na gisingin na si Isla dahil may gagawin daw ito sa school ngayon pero bakit di ko alam? Ah baka nalimutan nya itext sakin kahapon masyado nanamang nalibang sa mga materials nya hahahaha. Isla actually sleeps a lot, hindi sya sanay gumising ng maaga dahil sa kakapuyat sa pagbabasa, panonood ng series at pagkakape. Naka-dalawang katok ako sa pinto nya bago nya ito binuksan, her room is painted with a light blue color may mga obra din sya na nakadisplay sa wall , katamtaman lang ang laki ng kama, may walk-in closet din sya, may mga fairylights with pictures na galing sa instax nya I really love the smell of her room, amoy vanilla. My bestfriend is a 5”7 morena, with long chestnut brown hair since kaka-pakulay nya lang her hair naturally black, chubby cheeks, sexy naman sya balak pa nga nyang magpa-abs eh pero sabi nga nya ‘Goals lang naman eh bat sinabe ko bang tutuparin ko?’.
“Wait lang magtu-toothbrush muna ako, dyan ka lang ayoko na lumapit sa kama ko aakitin nanaman ako nyan na humiga tapos mapapa-pikit ako tapos..tapos makakatulog nanaman ako!” sabi nya sakin saka nag-sad face na para bang akala mo hindi na sya makakatulog ulit. Natawa nalang ako at napailing habang nakaupo sa kama nya nang pumasok sya sa banyo nya. Nang makalabas sya ng banyo ay pupungas-pungas padin sya, “May gagawin ka sa school ngayon?” tanong ko sakanya, “Hmm..oo.. Magpe-paint kami eh yung ibebenta sa gallery. Gusto mo sumama?Ay sabagay kahit di kita ayain sasama ka naman talaga, teka di ka na pilay?” humihikab nya pang tanong sakin, “Hoy anong pilay ka dyan! Hindi ako pilay noh normal lang yon na pinagdadaanan ng mga magaling na players na kagaya ko…” sagot ko sakanya at bago ko pa matuloy ang sinasabi ko ay hinatak na nya ako palabas ng kwarto nya para saluhan sina Tita Eve sa pag-aagahan.
Fast forward.
Nang matapos ang almusal namin ay saglit na nagpahinga si Isla saka naligo ako naman ay kanina pa nakaligo bago ko sya gisingin kaya tumambay nalang muna ako dito sa sala habang hinihintay sya. Naisakay ko na din ang mga materials nya sa kotse bago sya pumasok sa banyo kanina. Tahimik akong nakikipag-chat kay Amethyst nang tabihan ako ni Rhythm, “Kuya, please always take good care of Ate Isla ha? You know her story and alam ko din naman sabihin ay alam kong aalagaan mo sya. I trust you Kuya, you have been bestfriends with my Ate for as long as I can remember. Kapatid na din ang tingin ko sayo kagaya ng kay Ate Isla. Take care, Kuya. Tagaytay tayo minsan!” sabi ni Rhythm sa akin na hindi ko na nasagot dahil umalis na sya at pupuntahan yata yung mga ka-banda nya.
Isla is sporting a white shirt underneath a maong jumper, her hair is tied into a messy bun, paired with a white designer sneakers and her black small Gucci backpack along with her alon necklace. Habang ako naman ay nakasuot ng black Gucci shirt, Levis maong pants, navy blue bomber jacket from Uniqlo and a pair of black Nike shoes. “Ano daan muna tayo sa coffee shop? Antok na antok pa padin badi eh!” sabi ko kay Isla nang makasakay kami sa sasakyan ko, “Oks lang ba sayo? Bait mo talaga buti nalang kahit di ka masyadong gwapo mabait ka, swerte ko talaga badi!” sagot naman nya sakin habang humuhikab, “Tss! Di ka ba napapagod mag-sinungaling, Isla? Tagal-tagal na nating magkaibigan hanggang ngayon sinungaling ka padin. Come on, gwapo at mabait ang bestfriend mo talagang swerte ka sakin!” maktol ko sakanya nang lingunin ko sya ay tulog na pala kahit kelan talaga tong isa to kapag sinasabihan mo ng katotohanan tutulugan ka!
Isla’s POV
Pagkagising ko ay nasa parking lot na kami ng university at may dalawang container na din ng hot coffee sa lagayan ng drinks dito sa kotse ni
Blue na nakatingin na pala sakin habang nakataas ang isang kilay at magka-krus ang mga braso, “Oh ano? Tulog kasi ng tulog eh!” sabi nya sakin saka ako inirapan, “Grabe naman tong napaka-gwapo kong bestfriend nagtatampo agad ikaw naman di ka na mabiro!” sabi ko sakanya saka hinila ang kanan nyang braso saka sumandal sa balikat nya kaya natawa na din sya.
Fast forward.
Nandito na ako sa loob ng painting room, anim kaming magpe-paint ngayon wala kaming kasamag professor dahil hindi naman na daw kami kailangan pang i-supervise which is tama naman hindi rin kasi kami makapag-paint freely kapag nandyan sila syempre nakaka-pressure kaya! Wala naman kaming specific theme basta ang sabi lang ipinta namin yung lugar o bagay na nagbibigay sa amin ng peace. Si Blue naman ay manonood daw pero nasa labas pa sya at may kausap pang isang member ng varsity. Inilabas ko na ang mga painting materials ko habang nakikipag-usap sa mga club members ko, “Uy te! May crush daw sayo yung Julius Dela Vega, yung Archi student. Papable yun ah!” chismis sa akin ng isa kong ka-club member, “Ha? Sinong Julius? Di ako familiar sakanya eh sorry” pagkikibit-balikat kong sabi sa kanila, “Ay oo, pati yung med student na nag-iintern don sa hospital na pinagttrabahuhan ng Ate ko tapos may isa pa eh teka sino nga ba yun? Ah! Yung ano yung isang engineering student! Lahat sila gwapo te, lahat din sila may gusto sayo bat di mo bigyan ng chance nang magka-lovelife ka na para maging makulay na ang iyong buhay!” pang-aasar ng isa pa naming kasama tinatawanan ko lang sila at sinasabing kanila nalang ang mga lalakeng nabanggit nila.
Nandito na din sa loob si Blue at tahimik na nakikinig sa usapan namin paminsan-minsan ay nag-uusisa sya tungkol sa mga lalakeng nabanggit ng mga nakasama ko. “Blue, wag ka magagalit ah pero type mo ba si Isla?” tanong ng isa naming kasama na kaagad kong kinunutan ng noo, “Sinasabe mo naman dyan? Bestfriend ko si Isla natural lang na maging protective ako ano ba naman kayo syempre ayoko naman yung lolokohin lang yan at nako talagang tatanggalan ko yon ng karapatang mabuhay!” sabi ni Blue kaya nagtawanan ang mga kasama ko at nagsabing, ‘Sana all may bestfriend na walang malisya’ hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy nalang ako sa pagpipinta. I painted the ocean, well specifically the waves just like how I pictured it in my mind.
After 30 minutes ay natapos na din ako at naglalagay nalang ngayon ng mga finishing touches saka inilagay ang pirma ko sa ibabang bahagi ng painting at ang date ngayon. May dalawang painting pa akong gagawin pero next week pa ang schedule namin dahil may naka-schedule na magpepaint kasunod namin kaya naman nang makapag-ligpit ako ay nagkayayaan kami ni Blue na pumunta sa coffee shop.
Nandito na kami sa counter ng coffee shop at kasalukuyang nag-iisip ng kung anong oorderin. “ Good morning, Sir Blue and Ma’am Isla! Ay Mam, nandyan si pogi sa taas!” sabi ni Amarah habang nag-niningning pa ang mga mata. “Huh, sinong pogi eh nandito na nga ako sa harap nyo!” nalilitong sabi ni Blue habang si Amarah naman ay napangiwi nalang, “Sino ba yun Isla?” pang-uusisa ulit ni Blue, “Narinig mo sinabi ni Amarah diba? Oh, akyatin mo don sa taas tapos tanungin mo sakanya kung sino sya tapos balitaan mo nalang ako ha? Sige na una na ako sa bahay.” dire-diretso kong sabi kay Blue, “Sabi ko sayo Amarah hindi naman sya mahalaga eh tara na uwi na tayo!” sabi ni Blue kay Amarah kaya natawa nalang kami.
Blue’s POV
Sa huli ay nag-decide din kami na tumambay na muna sa coffee shop, nang mailapag ko ang tray na naglalaman ng order namin ay napansin ko ang isang lalake na may disenteng pananamit at postura. Gwapo naman sya mas gwapo nga lang ako. Sya yata yung sinasabi ni Amarah kanina sa baba, nilingon ko si Isla na tahimik lang na nagbabasa ng libro sa harap ko. Habang abala kami ni Isla sa pagka-kape at pagku-kwentuhan ay napansin ko ang paninitig ng lalake kay Isla na hindi naman napapansin ng kaibigan ko dahil daldal lang sya ng daldal, pinaningkitan ko ng tingin ang lalake na ngayon ay abala na sa pagtipa sa kanyang laptop.
Fast forward.
We are heading home nang tumawag si Amethyst sa videocall. Mukhang kagigising lang nya dahil day off nya ngayon. Napakaganda ng girlfriend ko.
"Hi Isla, kamusta?" nakangiting bati nya kay Isla, "Hi mars, eto ka kagaling lang namin sa school kasi may painting event pasensya ka na ah hinatak ko tong si Blue" she smiled apologetically, "Ano ka ba mars okay lang yon! Kesa kung saan pumunta yan. I am glad na welcome sya sa bahay nyo anytime alam mo naman yan malakas kumain" natatawang sabi nya, "Oo nga eh, alam mo ba nung isang araw sa kawali na sya kumain. Hahahaha" natatawa ding sabi ni Isla na napahawak na sa tyan sa katatawa, "HOY! Ipapaalala ko lang sainyo na nandito ako, at talaga ba love ikaw pa ang nanguna? Dibale nang matakaw, gwapo naman!" nagtatampo kong sabat, "SAAN BANDA?" sabay na tanong ni Isla at Amethyst napailing nalang ako at pare-parehas kaming natawa, lugi talaga ako kapag magkausap tong dalawa. "Drive safely, love. Tatawag ako ulit mamaya pagdating nyo kina Isla" sabi ni Amethyst.
"Isla, alam kong nasabi ko na sayo kung ano yung stand ko kapag nagkaron ka ng manliligaw. May napansin ako kanina dun sa lalake sa coffee shop yung binanggit sayo ni Amarah, alam kong hindi ka magtatanong kay Amarah kung hindi ka nawiweirdohan sakanya. No joke Isla pero ilang beses ko sya nakikitang tumitingin sayo at bahagya pa syang napapangiti. Lalake ako Isla, at alam ko kung ano ang ibig sabihin ng titig na yon. Can't blame him though, maganda ka. Just be careful sa pagpili ng taong pagbibigyan mo ng puso mo hmm?" seryoso kong tanong sakanya, "I'm busy reading books kaya hindi ko na napapansin yung mga ganon. Whatever makes you sleep at night, Blue" nagkibit-balikat lang si Isla.
Nang makarating kami sa kanila ay nadatnan namin sila na magkakasamang nanonood ng horror movie sa sala, talaga itong pamilyang to kundi ko lang sila mahal eh. Hindi na nakatawag si Amethyst dahil niyaya daw syang magshopping ng tita nya, kaya naman sumalampak na kami ni Isla dito sa sahig para makinood ng movie nagshare nalang kami sa iisang blanket si Isla naman imbes matakot ay tawa pa ng tawa kanina pa nga ako inaasar. Gwapo lang ako, di perfect