Chapter 11: Falling

1422 Words
Air’s POV Medyo tanghali na ako nagising ngayon kasi nagka-lasingan kagabi since nasa bahay lang naman kami okay lang uminom hindi naman masisira ang reputasyon yun nga lang baka may mga pictures at videos na itnago yung tatlo. Inaantok pa ako pero mas lamang yung gutom ko kaya nilabanan ko yung natitirang antok sa sistema ko dahil kumukulo na ang sikmura ko. Hindi ako natatae, gutom lang. Pagkatapos kong magmumog at mag-toothbrush ay bumaba na ako. Ang mga Tita ngayon ang in-charge sa kusina actually hindi naman kami nag-aassign talaga kumbaga kung sinong sipagin sya ang magluluto. Habang sina Blue, Amethyst at Rhythm ay magkakatabi sa sofa. Nakasandal pa nga si Blue kay Rhythm uso na yata talaga ang bromance ngayon, lumapit ako sa kanila para hanapin si Isla at ininguso naman nila si Isla na palakad-lakad sa hallway habang may kausap sa phone. Tahimik lang silang nag-uusap pero paminsan-minsan ay kinakagat ni Isla ang pang-ibabang labi nya para siguro pigilin ang tawa. “Sino bang kausap non at parang uod na inasinan?” tanong ko na si Rhythm ang sumagot, “Si Kuya Sky yata, Ate” napakunot ang noo ko nang marinig yon pero hinayaan ko nalang dahil sa oras na to mas importante ang gutom ko kaysa sa chismis. Fast forward. Pagkatapos naming mag-agahan at maligo ay tumulak na kami papunta sa Garden City Shopping Centre. Naghiwa-hiwalay kami sa pagsha-shopping hindi na sumama ang mga Titos pati si Tatay dahil sasamahan nalang daw nila si Lola Espher don sa bahay. Hinatid kami dito ni Tito Evan I mean yung mga Titas of Manila tapos doon naman sa SUV na dala namin si Isla ang nag-maneho. Fast forward. One eternity later…. Eto yung summary ng mga napamili namin: CASSIOPEIA’S Tita Eve = Blue Custom Printed Summer Cardigan & Wildflower ¾ Open Sleeve Open Front Jacket (white) Tita Amelie = Plain Lacy Cardigan (white), Black Leaf Printed Long Sleeve Cover-Up Tita Eda = Blue Printed Kimono Cardigan (navy blue) Tita Erithia = Grey Animal Printed Kimono Cardigan and Navy Printed Kimono Cardigan Nanay = Royal Blue Tie-Dye Beach Cardigan CLAIRE’S Air = Silver Astronaut Stud Earrings, Silver Snowflake Stud Earrings & Silver Halloween Ghost Stud Earrings Isla = Silver Paw Print Stud Earrings and Gold Lotus Flower Stud Earrings Amethyst = Silver Cubic Zirconia Stud Earrings and Sterling Silver Daisy Charm Hoop Earrings FOOT LOCKER Air = Adidas Superstar 20 (black & white), Puma RS X (black) and Champion Reverse Weave Pullover Hoodie (gray) Isla = Adidas Originals NMD RI, Puma Sportie Sandal (black) and Fila Graphic Shirt (white) and Champion Pullover Crew Sweatshirt (black) Amethyst = Adidas Originals Superstar (white & iridium), Puma Cruise Rider (black & rose gold) and Champion Graphic T-Shirt (black) Blue = Adidas Originals Superstar (black & red) and Champion Logo Jogger (gray) Rhythm = Adidas Night Jogger (black), Vans Riley Hooded Jacket (black) and Fila Todd Hoodie (black) Adam = Puma RS Dreamer and Champion Graphic Shirt (blue) Jahseh = Puma Court Rider X Rugrats and Champion Graphic Shirt (white) TIMBERLAND Aldus = Timberland FLUME (black) Evan = Timberland 6” Premium Waterproof Boots (brown) Sven = Timberland Fold Down Boots (black) Greg = Timberland 6” Big Logo Sherpa Boots (black) East = Timberland 6” Premium Waterproof Boots (black) George = Timberland 6” Waterproof Premium Boots (black) After a few days ay umuwi na din kami ng Pilipinas. Isla’s POV Kinabukasan nang makauwi na kami dito sa Pilipinas ay nagpasya ako na dumalaw sa opisina ni Dad. Oo nga at pwede namang sa mansyon nalang namin pero hindi nakaka-good vibes ang mga tao don. Sumama sakin si Blue dahil madami daw akong dala saka miss na din daw nya si Daddy. Sabado ngayon at sa Lunes ay ang unang araw ko sa trabaho. Fast forward. Pagdating namin ni Blue sa building ng Greene’s ay nakita ko ang secretary ni Ursula na si Penelope na nakikipag-chismisan sa receptionist. Tinaasan kaagad ako ng kilay ni Penelope nang makita ako, “Ano naman ang ginagawa nang suwail na anak ni Sir George? Alam mo Cass, naaawa talaga ako kay Sir minsan na nga lang mamalasin sobra sobra pa ang nakuha!” iiling-iling pa kunwari nyang sabi na halata namang ako ang pinaparinggan dahil wala namang ibang anak si daddy. Nag-igting ang panga ni Blue na sa palagay ko ay nagpipigil ng inis, “Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang ipaliwanag ang sarili ko sa kagaya mong pinagkaitan ng utak. Wala akong kailangan patunayan sayo, sino ka ba? Kahit anong sabihin mo.. kaya pa din kitang patalsikin dito sa isang pitik at kahit gaano pa ako kamalas sa paningin mo ako padin ang anak ng amo mo, ako lang Penelope! And Cassandra? If you really love your job make sure na nagta-trabaho ka talaga hindi yung..nakikinig ka sa mga chismis nang mga taong mukhang ugat!” sabi ko sa kanila na hindi inaalis ang matamis na ngiti sa labi ko. Nang makarating kami sa opisina ni Dad ay ganon nalang ang gulat ko na nandon din pala si Sky. Dumiretso ako kaagad kay Daddy para bigyan sya ng beso at yakap kasunod ko naman si Blue na yumakap din kay Dad. “I didn’t know na maaga kayong makakauwi pasensya na anak at hindi kita napasundo abala ako dito sa opisina eh” sabi ni dad sa akin, “It’s dine Dad. Ay may mga pasalubong po pala ako para sainyo” sabi ko kay dad saka iniabot sakanya ang mga paperbag na naglalaman ng mga binili ko para sakanya, pagkatapos ay iniabot ko ang isang malaking paperbag kay Sky nandoon naman sa loob ang mga pasalubong ko para sa kanila ng pamilya nya narinig ko pa ang pagpapa-salamat nya bago muling bumaling kay Dad. “I’ve heard from the receptionist na nagka-sagutan daw kayo ni Penelope, are you alright hija? Pasensya ka na sa isang yon though she’s an effective secretary atleast that’s what Ursual told me.” sabi ni dad, “It’s alright kaya ko naman pong ipaglaban ang sarili ko so you don’t have to worry about me” After a few months… Mahigit dalawang buwan na akong nagta-trabaho dito sa Serena Art Shop na pagmamay-ari ng professor ko. Masaya naman ako dito nakakatuwa dahil madami akong natututunan kapag may oras ako ay nag-aassist ako sa mga nagpe-painting hindi naman kasi talaga ako magaling doon pero mahal ko kasi ang pagpipinta kaya kahit papaano ay naibabahagi ko din sa kanila ang mga nalalaman ko. Nagba-bike lang ako papasok dahil medyo malapit naman to sa bahay may sasakyan ako pero mas pinipili koyung bike para dagdag exercise na din. Okay din naman ang trabaho ni Blue medyo mas busy nga lang sya ngayon kasi tini-train sya nang maigi ni Tito Sven pero kagaya ng dati ay natutulog padin sya sa bahay minsan may mga times pa nga na kasama nya si Amethyst na kasama nyang nag-oovernight kasama namin pero dahil graduating na si Amethyst ngayong taon ay halos hindi na rin namin sya makausap. Nag-aassist ako sa isang client nang bumukas ang pinto ng shop hindi ko na sana papansin pero nagulat ako nang si Sky ang pumasok. Hindi sya saakin nakatingin pero mukhang may hinahanap sya kaya ibinalik ko na ang tingin ko sa client, nang makaalis na yung client ay sya namang lapit sa akin ni Sky napag-alaman ko sakanya na may nagrefer daw sakanya nitong Art Shop at sa amin nya daw balak magpagawa ng painting na ireregalo nya sa mga magulang nya nakiusap pa nga sya sa akin na ako na mismo ang magpinta pumayag naman ako dahil nahihiya din naman ako kina Tito at Tita. Inaya ko sya sa isang maliit na streetfood store dito na namin kakainin since meryenda break naman. Kapag kaharap ko talaga si Sky pakiramdam ko binabasa nya ang buong pagkatao ko sa paraan ng pagkakatitig nya, na para bang kinakabisado nya ang bawat parte ng pagkaka-kilanlan ko. Hindi pamilyar sa akin ang nararamdaman kong to, ito na nga ba ang sinasabi nilang pagka-hulog? Nahuhulog na ba ako sakanya? Ito na ba ang pag-ibig na kung tawagin? Hindi ko alam, hindi ko din sigurado kung nais ko pang malaman at kung paano ko malalaman. Paano mo nga ba malalaman kung nahuhulog ka na sa taong hindi mo naman palaging nakakasama? Nakakatakot maging sigurado dahil baka isa itong patibong na maglulublob sayo sa kumunoy at bago mo pa malamang ikaw ay nasa kalagitnaan ng pagkalubog at pagkahulog ay huli na ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD