Chapter 12: Quezon

2300 Words
Sky’s POV Bisperas na ng Pahiyas Festival sa amin sa Quezon at paalis na kami ngayon sa bahay kasama ang buong pamilya. Napansin kong kanina pa naglalabas-masok si Tatay dito sa bahay kaya nilapitan ko na sya para magtanong, “Tay, ayos ka lang?” tanong ko sakanya, “Oo anak, hinihintay ko lang sina Tito George mo at kasama natin sila sa pag-uwi natin sa Lucban” sagot sa akin ni Tatay napakurap nalang ako at hindi na muli pang nagtanong. Maya-maya ay may narinig na kaming bumusina sa labas ng bahay kaya lumabas na si Tatay para salubungin sila si Ate Maliyah at Ate Malvina ay nagsumiksik sa gilid ko na para bang may artistang dumating. Bumukas ang pinto ng bahay namin at pumasok si Tatay kasunod si Tito George, Blue, Air, Rhythm at panghuli ay si Isla na suot ang hoodie na kulay itim at maong shorts at vans sneakers. Marahan nyang inalis sa pagkaka-tali ang buhok saka bahagyang inayos ang buhok na ngayon ay buhaghag na. “Good morning po! Pasensya na po at medyo na-late po kami ng dating medyo traffic po kasi doon ssa dinaanan namin kasi may aksidente po eh” pagpapaliwanag ni Isla kina Nanay at Tatay pagkatapos magmano sa kanila. “Ahh mga kapatid ko.. Si Ate Malvina panganay namin tapos si Ate Maliyah pangalawa bale bunso ako hehe” pagpapakilala ko sa mga kapatid ko na ramdam kong gusto nang mang-asar. “Ay hello po! Good morning po! Uhm Isla po.. Si Blue po pala bestfriend ko tapos si Air at Rhythm mga pinsan ko po” pagpapakilala nya sa sarili at sa mga kasama nya na bumati din kina Ate. Nang handa na ang lahat ay tumulak na kami papuntang Quezon, dito sa amin sumakay si Tito George dahil namiss daw nila ni Tatay ang isa’t-isa. May mga asawa na ang mga kapatid ko si Kuya Calvin at Kuya Albert. Financial Advisor si Kuya Calvin at nurse naman si Ate Iyah samantalang si Ate Vina naman ay isang guro ganon din si Kuya Albert. “Pare, wag mong mamasamain yung itatanong ko ha?” biglang sabi ni Tatay kay Tito George na tinanguan lang sya, “Napansin ko kasing palaging magkasama si Isla at iyong kaibigan nya na si Blue wala namang masama don pero wala bang namamagitan sa kanilang dalawa?” tanong ni Tatay na ikinagulat ko pero nang tignan ko si Tito ay nakangiti sya kay Tatay saka bahagya akong nilingon para siguro masigurado na maririnig ko ang isasagot nya, “Bata palang ang dalawang yon ay halos hindi na namin mapag-hiwalay. Simula noon ay palagi nang pino-protektahan si Isla, habang lumalaki sila ay nakita ko kung paano nila suportahan ang isat-isa at hindi naman lingid sa kaalaman ko na nagkagusto si Blue kay Isla kita ko sa mga tingin nya sa anak ko at kung paano nya ito alagaan pero hindi iyon nakikita ni Isla marahil ay parang kapatid na ang turing ni Isla kay Blue. Hanggang sa makilala ni Blue si Amethyst saksi ako sa pagmamahalan nilang dalawa kaya masasabi kong nakamove-on na si Blue kay Isla. Pero..madaming nagkakagusto doon sa anak ko hindi naman sa pagmamayabang ha? Pero halos araw-araw kung bumaha ng mga bulaklak at regalo doon sa bahay nila pwede nang magtayo ng flower shop ang Lola nya pero ewan ko ba doon sa anak ko hindi ko din naman sya pinipilit kung hindi pa sya handa sa ganoong bagay.” pagkukwento ni Tito George. Pagkatapos ng usapan na yun ay natahimik na kaming lahat. Meanwhile… Blue’s POV “Alam mo minsan di ko alam kung gusto ba tayong isama ni Tito George o inilalapit ka lang talaga nya sa manok nya eh!” sabi ko kay Isla na nakakunot ang noo saakin, “Manok? Wala namang alagang manok si Dadddy ah si Tatay East meron diba Air?” sabi ni Isla saka nilingon ang pinsan na napapailing nalang. Napakamot ako sa batok saka nagsalita ulit “Hindi kasi ganon Isla naman eh! Ang sinasabi ko kasi boto si Tito George don kay Sky kaya pinaglalapit kayo!”, “Eh teka kumportable ka ba sa ganito? Kasi mahirap yang ganyan baka nagpipilitan kayo. I don’t want you to get hurt” sabi ko kay Isla na nakatingin sa labas ng bintana, “Blue, alam kong nag-aalala ka pero ayos lang naman ako. Naiintindihan ko naman kung bakit ginagawa to ni Dad pero syempre ayoko naman ng sapilitan hindi naman maganda yung ganon at kung sakaling tuluyan akong lumubog marunong naman akong lumangoy. Quit worrying for now hmm? Mag-enjoy nalang tayo sa Quezon!” sabi nya naman kaya napag-usapan na namin ang tungkol sa Pahiyas Festival. Sa kabila ng mga tawa at ngiti ni Isla ay nagtatago ang mga pangamba, mga tanong na hindi matapos-tapos. Mga matang naghahanap ng katiyakan. Maibibigay kaya iyon sa kanya ng unang lalakeng napili nyang mahalin? Naputol ang pagmumuni-muni ko nang magstop-over kami sa isang malaking gasoline station along the expressway. Napag-usapan naming kumain nalang sa Pancake House, medyo awkward nga lang dahil katapat ng bestfriend ko si Sky nang lingunin ko si Isla ay mukhang wala naman syang pakialam dahil abala sa pagkain. “Wait lang order akong kape, the usual sayo Isla?” tanong ko sakanya, “Huy ako din libre mo naaaa!” sabi naman ni Aerithea sumama naman sakin si Rhythm, “Kilalang-kilala mo talaga si Isla ah? Nakakatuwa talaga kayo!” sabi samin ni Tito George na nginitian ko nalang. “Kuya, bakit ganon pakiramdam ko.. Pakiramdam ko mag-isang nahuhulog si Ate Isla?” tanong nya sakin habang magka-krus ang mga braso, kadalasan kasi tumatama ang mga sinasabi ni Rhythm and for whatever reason ay hindi ko alam. Hindi ko na nasagot ang tanong nya dahil tumawag si Amethyst. Nang makabalik kami sa lamesa namin ay nag-uusap na si Isla at Sky habang ako ay iniisip padin ang tanong ni Rhythm si Air naman ay tahimik na nagba-browse sa phone nya pero paminsan-minsan ay tinitignan nya sina Isla. Fast forward. Isla’s POV Ngayon lang ako nakapunta sa fiesta ng ibang probinsya dahil kadalasan ay sa Batangas kami nakiki-fiesta. Suki na nga kaming magpipinsan ng mga sagala dahil halos every year ay iniimbitahan kaming lumahok kaya halos kilala na kami ng mga tao sa lugar namin kahit pa low-profile ang mga Coleman doon. Pati si Blue ay nakakasama din minsan kaya sanay na sya na halos every December ay nandoon kami. Ang Pahiyas Festival daw ay isa sa mga pinaka-makulay na pista na pinagdiriwang sa Pilipinas, tungkol ito sa successful harvest ng mga magsasaka, parang ito yung paraan ng mga tao dito sa Quezon para magpa-salamat sa kanila. Huminto ang sasakyan nila Tito Fred sa isang malaking bungalow type na bahay na may pinag-halong beige at light brown ang kulay. Nang bumaba na si Tito Fred ay naglapitan ang ilang tao sakanya kumunot ang noo ko nang sa pagbaba ng sasakyan ni Sky ay may isang babaeng palagay ko ay ka-edad namin ang inilingkis ang braso sakanya para yumakap. Nang makababa kami ng sasakyan ay nilapitan kaagad ako ni Blue para akbayan. Maya-maya ay niyaya na kami ni Tito Fred na pumasok sa loob ng bahay. Nang maipakilala nya kami sa mga taong tingin ko ay kamag-anak nila ay ganon nalang ang tingin sakin ng babaeng kanina pa katabi ni Sky. Kailangan nating tanggapin na minsan may mga tao o bagay talaga na hindi para sa atin kagaya ng katotohanang inilatag sa akin ng pagkakataon. Hindi naman nya kasalanan dahil ako mismo..ako mismo ang nahulog sa patibong na kung tawagin ay pag-ibig. Seeing him with someone else is a painful sight to see. Sinamahan kami ni Tito Fred sa isang kwarto na may dalawang double deck beds habang sa isang kwarto na katapat nito ay doon naman pansamantalang manunuluyan si Dad since we’ll be staying here over the weekends. Nang mai-ayos na namin ang mga gamit namin ay tinawag na kami ni Tito Fred dahil nagsisimula na daw ang Pahiyas Festival Dance, I quickly changed into a white shirt from the Ideologie Studio that says ‘Sun-kissed since 199X’ tucked in my high-waist maong short, black adidas shoes along with my white tote bag also from the Ideologie Studio and a black bucket hat. Hindi ko din sure kung may pupuntahan ba kami at nagdala pa ko ng bag pero bahala na. Naglalakihan at nag-gagandahan ang mga floats na dumaraan sa harap namin panay din ang picture ng mga taong kagaya namin ay nanonood din sa parada. Pero bakit ganon sa dami ng kulay na nakikita ko ngayon at sa dami ng kulay na naipinta ko bakit parang may ibang kulay pang dala ang pagdating nya sa buhay ko? Inalis ko ang palaisipan ko tungkol doon at bumalik sa panonood ng parada. But when my gaze turned on the other side of the read, I met his eyes directly looking at me. Fast forward. Nang matapos ang parada ay bumalik kami sa bahay nila Tito Fred para kumain pagkatapos ay niyaya kami nila Ate Malvina na pumunta sa Pahiyas Museum and Art Center. Bale kaming apt tapos silang lima kasama ang mga asawa nila Ate saka si Sky, nahuhuli si Blue sa paglalakad dahil kausap nya si Amethyst habang magkasabay naman si Rhythm at Air ganoon din ang mga mag-aasawa. Maya-maya pa ay lumapit sa akin si Sky, “Sana na-eenjoy ninyo ang lugar namin. Pasensya na kayo kay Tatay ha? Minsan talaga biglaan nalang yun nagyayaya.” sabi sa akin ni Sky na direktang nakatingin sa mga mata ko saka nagpamulsa, “Ahh oo na-eenjoy naman namin. Ngayon lang din kasi kami ulit naki-fiesta sa ibang probinsya eh madalas kasi sa Batangas lang kami nakiki-fiesta. Uhm ayos lang naman, ngayon lang din kami ulit nakapag out-of-town kasi busy na sa work” sagot ko sakanya saka tipid na ngumiti. “Bukas ng umaga dadalhin namin kayo sa groto. I mean alam mo ba yung Kamay ni Hesus?” tanong nya sa akin, “Uhh nakikita ko sa net. Dito pala yun haha hindi ko kasi masyadong natitignan eh” sabi ko naman sakanya saka sya marahang tumango. Fast forward. Mahigit 30 minutes ang inilaan namin sa pag-iikot sa museum dahil pagabi na din. Pagkauwi namin ay nag-iinuman sina Dad, Tito Fred at iba pang mga kalalakihan sina Blue at Sky ay parehong hindi nakaligtas kaya nagpaalam muna sila na magpapalit ng mas kumportableng damit saka babalik para sumama sa inuman. Kami naman nina Rhythm at Air ay sumama kina Ate Vina papasok sa sala manonood daw kami ng movie. Pagkapasok namin sa sala ay nandoon ang isang pinsan nila pati yung babaeng may gusto yata kay Sky, naghahagikgikan sila habang inaayos nung babae ang suot nya na spaghetti strap na sando tapos sobrang iksi na maong short “Sigurado akong maglalaway si Sky sayo Maricris walang-wala sa ganda mo ang taga-Maynila na yun sige ibaba mo pa ng kaunti yung sando mo” sabi ng pinsan nila. “Maricris, gabi na mabuti pa siguro ay umuwi ka na baka worried na sayo ang parents mo. And also, hindi mo kailangang magpakita ng balat para magustuhan at matawag na maganda kahit hindi ng kapatid ko. Maganda kang bata Maricris, pero sana namay ay magkaroon ka ng respeto sa sarili mo at sa pamamahay namin pati na din sa mga taong pinapatuloy namin dito” seryosong sabi ni Ate Vina habang nakatingin kay Maricris na ngayon ay namumula na sa hiya. Nilingon naman kami ng magkakapatid saka ako inakbayan ni Ate Vina palapit sa sofa nila saka kami nanood ng movie. Rhythm’s POV Magkasunod kaming nagising ni Kuya Blue at naghintay pa kami ng 30 minutes saka ginising sina Ate Air at Ate Isla. Sa palagay ko ay tulog pa si Tito George pati sina Tito Fred. nakaligo at nakapagbihis na din kami, I am sporting a red Chicago Bulls Jersey Short and a white hoodie from Hollister along with an adidas slide and small crossbody bag from Herschel. Kuya Blue is sporting a black Adidas Sweatshirt and its sweatpants, adidas slides. Ate Air is wearing a plain white shirt along with a black adidas board shorts and a black adidas shoe, she also brought her Futura Mini 365 Backpack from Adidas. Habang si Ate Isla naman na inaantok pa ay nakasuot ng Nike longsleeve shirt na kulay black along with her white Adidas short and Black Puma Sportie Sandal. Si Ate Air lang ang sinipag na magdala ng bag. Paglabas namin ng kwarto ay naghihintay na pala sa amin sila Kuya Sky, nagpalitan muna kami ng good morning saka lumakad papunta sa Kamay ni Hesus. Magkasabay sa paglalakad sina Ate Isla at Kuya Blue, habang sinabayan naman nina Ate Vina at Ate Iyah si Ate Air, magkausap naman ang mga asawa nila habang ako naman ay nilapitan ni Kuya Sky. “Maayos ba kayong nakakatulog sa guest room?” tanong nya sa akin, “Ah opo okay naman kami don kumportable naman kami dun. May gusto ka ba kay Ate Isla?” ayan ang ayokong ugali ko dahil tahimik ako pero kapag nagsalita ako ay para akong granada, hindi kaagad sya nakasagot marahil ay nabigla sya “Ang totoo ay yan din ang tanong ko sa sarili ko. Wala pa sa isip ko ang ganyang mga bagay dahil hindi naman yan minamadali. Masaya akong nakikita sya at nakakasama pero hindi yun sapat para masabi kong may nararamdaman ako sakanya” sagot nya saka bumuntong-hininga, “Wag ka sanang mao-offend pero bilang lalake na katulad mo at bilang pinsan ni Ate Isla, masasabi kong duwag ka” sabi ko sakanya saka lumakad palapit kina Ate Isla at Kuya Blue. Hindi na nasundan pang muli ang pag-uusap na yon dahil umuwi na din kami kinabukasan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD