Isla’s POV
Makalipas ang ilang buwan naming pagpa-plano ni Blue ay napag-desisyunan na naming sabihin sa pamilya namin ito para syempre maisakatuparan na din namin ang plano. Magtatayo kami ng coffee shop dito sa Paranaque at papangalanan naming ‘Cofeeko’, alam nyo kung sinong nakaisip? Itago nalang natin sa pangalang Rozend dahil nung college pa kami bukod sa coffee shop malapit sa university ay go-to coffee namin ang ready-to-drink na Kopiko products lalo na yung 78C bumibili din naman kami ng Nescafe products pero ewan ko ba. Susunduin daw ako ni Blue at Amethyst sa trabaho kaya hindi ko na dinala ang bike ko, mang-gagaling si Blue sa opisina nila at susunduin naman nya si Amethyst sa katunayan ay naka-graduate na sya noong pagkagaling namin sa Quezon tapos by next month ay magsisimula na syang mag-aral para sa licensure exam. Accelerated sya kaya kahit sya ang pinaka-bata sa aming lima bukod kay Rhythm ay nakatapos na sya ng collge, hindi na kami nagulat nang malaman naming Summa c*m Laude sya dahil consistent dean’s lister sya every year.
After an hour ay narinig ko na ang pamilyar na busina ng sasakyan ni Blue kaya lumabas na ako pagkatapos kong mag-out at magpaalam sa mga katrabaho ko.
Fast forward.
Nang makarating kami sa bahay nila Tita Eve ay saktong nandon din ang mga Tito pati si dad mukhang naghahanda na para sa kanilang Friday Night Inuman Session. Sinabihan namin sila na kakausapin namin sila tungkol sa isang bagay, hawak ni Blue ang isang blueprint na pirmado ng isang tanyag na Architect na nakilala namin noong college. Naupo muna kami sa silya katapat nila habang si Amethyst naman ay tumabi kina Rhythm at Air hindi padin yata nasasabi sakanya ni Blue ang tungkol dito pero alam kong alam nya na dati pa kami nangangarap na magpatayo ng sarili naming coffee shop. “Matagal na po naming balak ni Isla na magpatayo ng sarili naming coffee shop pero syempre kailangan pa po naming mag-ipon para don dahil malaki-laki din ang gagastusin. Yung kalahati po ng graduation gift na ibinigay nyo sa amin ay parte ng pera na inilaan namin para dito. Habang nagta-trabaho po si Isla ay tumatanggap po sya ng mga nagpapa-customize ng painting saka kumikita din po sya ng extra kapag gina-guide nya yung mga clients nila na gustong matutong magpaint. Pati po ang mga sobra sa allowance na binibigay nyo po sa amin dati ay inipon din namin. Habang ako naman ay paminsan-minsan ay nagtututor ng mga elementary student sa math subject at kahit papaano ay kumikita sa pagmo-model ko para sa mga clothing brand na nagsisimula palang. Kaya po nabili namin yung isang lote dito sa Paranaque para hindi na poproblemahin ang renta. May sapat pa po kaming ipon para sa mga construction materials at para din sa mga manggagawa na ihahire namin.” sabi ni Blue saka tumingin sakin, “Kaya lang naman po namin sinasabi ang lahat ng ito sa ngayon kasi baka po may ma-advice po kayo sa amin since baguhan palang din po kami sa business industry” sabi ko sa kanila habang tinatantya ang reaction nila.
“Oh sige ganto nalang ha? Mukhang napag-planuhan nyo naman na ng maigi. I am offering you the Greene’s Electrical Services. Ako na din ang magbabayad ng mga electrical appliances nyo pati mga ilaw” nakangiting sabi sa amin ni daddy kaya napangiti din kami ni Blue, “Oh eh syempre ako din. Nakakahiya naman dito sa anak ko dahil baka hindi maka-ipon ng pampakasal kay Amethyst at maiwang sawi, luhaan at hindi mapakinabangan. Yung mga kakailanganin nyong construction materials ay doon nyo na bilhin sa Adkins’ 50% discount sa grand total tapos kung may mga karagdagan pa kayong kakailanganin ay magsabi lang kayo” sabi naman ni Tito Sven, hindi tuloy alam ni Blue kung matutuwa sya o mabubwisit sa pang-aasar ni Tito, “May nakausap na ba kayong Coffee Farm? Kung wala pa, mayroon akong kilalang nagmamay-ari ng Coffee Farm sa Bicol at Batangas pwede ko syang i-refer sainyo kung gusto nyo” singit naman ni Tito Aldus, “May nakausap na kayong Architect diba? Sige ako na bahala sa pagme-maintain ng mga machines for free” singit naman ni Tatay East. Ang mga Tita naman ay nagtinginan “Sige na, sige na ako na ang supplier nyo ng mga pastry goods. Tapos kami na bahala sa mga hala-halaman nyo para sa coffee shop and sasamahan na namin kayong mamili ng mga furnitures at iba pang kakailanganin nyo don” sabi naman ni Tita Eda.
Fast forward.
Pagkatapos ng usapan na yun ay nagsi-puntahan na kami sa kanya-kanyang kwarto. Si Amethyst ay sumama sakin samantalang si Blue ay sumama kay Rhythm habang si Air naman ay matutulog na daw dahil maaga pa ang pasok nya bukas.
Ngunit ganoon nalang ang gulat ni Amethyst nang makita ang kwarto ko, “Hala Mars, baka mali tayo ng kwartong pinasukan.” nalilitong sabi ko sakanya ngunit bago pa sya makasagot ay nagsi-labasan na din sina Rhythm, Air at Blue na nagtataka din ang mga itsura.
Alam nyo kung bakit?
Ang kwartong napasukan namin ni Amethyst ay mayroong gold, black & white theme samantalang ang kwarto ko ay pinaghalong blue at white. Ang kama na nasa harap namin ngayon ay isang white queen size fur bed. Kapag bumaling ka naman sa bintana na noon ay may maliit na puting cabinet na pwede mong upuan. May ilang buttons malapit sa isang painting na sa palagay ko ay para sa bookshelf at coffee maker, kung titignan mo kasi ang pader ay plain ito at mukahang wala lang pero dahil sa mga electrical buttons ay biglang bumubukas ang pader kung nasaan ang coffee maker at bookshelf. Magkatabi na ngayon ang walk-in closet at banyo mayroon lang glass partition sa gitna nito. Pagpasok sa banyo ay para kang nasa ilalim ng karagatan sa tingin ko ay ipinasadya ang bathtub para sakin dahil mas malaki ito kumpara sa usual tubs. May led light pa na nakalagay sa itaas ng vanity mirror sa banyo na ang nakasulat ay ‘Isla’ in cursive. Nakalimutan ko meron nga palang space doon sa labas kung nasaan ang dalawang shell-shaped stool na kulay blue saka lamesa na kapares nito. Mayroon ding aquarium na nagtatago sa kabilang bahagi ng pader yung tipong sapat ang laki para may malanggoyan ko.
Sunod naman naming pinuntahan ang kwarto ni Air na animo’y nasa Hogwarts ka. “You’re a wizard?” manghang tanong ni Amethyst na sinagot ni Air sa pamamagitan ng pag-kindat, “Naku sinasabi ko na eh mangkukulam ka talagang bruha ka!” singit ni Blue na sinamaan naman ng tingin ni Air. Napanganga pa ako nang makita ko ang kama ko na kagaya ng kay Isla yun nga lang kulay itim ang fur bed ko pero yung mga unan ay Harry Potter themed , pati ang mga kulay itim na kurtina ay may nakalagay ding Hogwarts.mayroon ding working table sa tapat mismo ng bintana na sa gilid ay may painting na may pinaghalong gray, black, white and gold na may nakalagay na ‘Don’t let the muggles get you down’ written in calligraphy. Ang magkabilang bedside table ko naman ay imbes na lamesa ay pinagpatong-patong na lumang attache case na hindi nakasalansan ng maayos. Mayroon ding banner na nakadikit sa pader malapit sa headboard ng kama ko na may hogwarts design. Ang mga cabinet naman sa walk-in closet ay mukhang luma pero kapag pinatay mo ang ilaw ay glow in the dark pala ito may isang wand na kapansin-pansin dahil nakalutang sa ere at nang hawakan ito ni Air it revealed a secret room. Kagaya nung button para sa aquarium ko ay tanging fingerprint lang din ni Air ang tatanggapin ng wand. Ang secret room ay parang maliit na kwarto ng isang wizard mayroon pang podium at cloak na kagaya noong kay Harry Potter mayroon ding coffee maker sa loob. Yung banyo naman nya ay pinaghalong gold & black.
Taray pwede na kami gumawa ng YouTube channel hahahah. What’s up guys welcome to the family of supernaturals!
Puntahan naman natin ang kwarto ni Rhythm Jace.
Ang kwarto nya naman ay may pagka-bunk bed ang style yun nga lang yung ilalim na part imbes na kama ay may predator gaming PC at gaming chair na kulay blue sa bandang gilid sa may right side ay nandoon ang acoustic guitar at electric guitar nya sa kabilang side naman sa may left ay ang hagdanan papunta sa taas kung nasaan ang kama at may 56” pang flatscreen TV para siguro kapag nanonood sya ng Netflix may Xbox din sya. May lugar din sa kwarto nya na pwede kang tambayan para tanaw ang buong siyudad at kita ang langit. Mayroon akong nakapa sa ilalim ng kama ko ito ay isang guitar shaped na bakal at nang i-strum ko ang strings nito ay bumaliktad ang kaninang malaking mat sa sahig and then it revealed an underground music room! Pagkapasok sa kwarto nya ay may kulay itim na sofa bed na may kulay blue na throw pillow para siguro kay Blue. may cupboard din kung nasaan ang mga milo at kape.
Fast forward.
After one year.
A month before the grand opening.
Nandito kami sa kwarto ko para sa mag-finalize para sa mga kakailanganin namin para sa grand opening ng Coffeeko next month. May na ngayon at next month ay June sakto sa pasukan ng mga estudyante eh malapit ang cafe sa ibat-ibang school.
Akala ko kapag inabala ko ang sarili ko sa maraming bagay ay hindi ko na sya maiisip pero nagkamali ako. Dahil sa lahat ng ginagawa ko ay sya ang naiisip ko. Teka ano ba to, bakit naging ganto? Paano ako umabot dito?