Blue’s POV
Ngayong araw ang grand opening ng Coffeko at talagang excited ako kasi syempre pangarap namin to ng bestfriend ko eh. Sabay-sabay kaming pupunta sa venue yun nga lang doon ako sa sarili kong kotse kasama sina Amethyst tapos dala naman ni Isla ang sasakyan nya at doon sasakay si Air at Rhythm kasama sina Adam at Jahseh. Susunod nalang daw ang mga Tita at Tito kasama si Lola Espher.
Fast forward.
Nandito na kami sa Coffeeko at masyado yatang napaaga ang dating namin pero nandito naman na ang mga newly-hired staff namin.
Hindi ko alam kung weird ba talaga kami ni Isla kaya ganon din kaweird at ka-unique ang pangalan ng mga na-hire namin.
Cashier Staffs: Szhalt and Feppher (Salt & Pepper)
Kitchen Staffs:
Girls - Sparkle, Shimmer and Shine (Spark, Shimmie & Shine-y)
Boys - Stone, Skippy and Scythe
Waitress/Waitresses:
Locket and Keysha (Lock & Key)
Star and Constellation (Star & Constello/ Cons)
May 2nd floor ang Coffeeko pero dito muna tayo sa 1st floor.
Napili namin ni Isla na paghaluin ang wood and white theme para sa coffee shop since parehas naman kaming minimilast. Pagkapasok mo sa entrance ay may dalawang long white table na nakadikit sa glass wall ng shop may tag-tatlong white stools ang magkabilang side bale nasa gitnang part ang main door. Tapos sa may bandang left side ay mayroong neon blue na led signage na nakalagay ay ‘Coffeeko’ tapos sa likod ng signage ay may fake plant design pa na ang mga Tita ang may gawa. Sa baba ng signage ay mayroong pabilog na parang empty bookshelf na pwedeng upuan para magpa-picture. Nasa kaliwang side din ang cashier kung saan doon nakadisplay ang baked goodies ni Tita Eda, may nakalagay pa doong guide kung anong magandang size ang dapat mong orderin depende sa oras ng tulog mo (small: slept 7-10hrs, medium: slept 4-6hrs and large: 0-3hrs) sinong nakaisip nyan? Syempre ang bestfriend kong tulog-mantika hahahaha!
Dito sa baba ay pinaghalo namin ang mga upuan na pang-dalawahan, pag-isahan, pang-apatan at meron ding pang third wheel dahil sabi nga ni Isla naiintindihan daw nya ang mga kapwa nya third wheel. Meron ding dalawang sets ng upuan na kasya ang lima hanggang walong katao nasa pagitan iyon ng hagdan papunta sa 2nd floor sa likod ng mga sofa ay may mga wooden bookshelves din. Syempre may banyo din sa tabi ng mga bookshelves. Dito naman sa 2nd floor sa may bandang kanan ay meron doong isang area na pwedeng gamitin ng mga magmi-meeting kasi may sliding door doon na pwede nilang isara. May apat na lamesa na may tag-aanim na stools. Mayroong mga lamesa at upuan na nakadikit sa pader, sa may bandang left side naman ay nandun naman ang opisina namin ni Isla na may pagkasummer vibes, may dalawang mac laptops, at filing cabinet na lalabas lang kapag kami ni Blue ang magbubukas nasa pader din kasi sya i mean nagtatago sya sa pader. May mini pantry din kami dun para hindi na kami baba ng baba para kumuha ng pagkain, syempre present din ang coffee maker namin. Basta summer minimalist vibes may mga fur mat pa kami dito at maliit na sofa bed. May dalawang restroom din dito sa taas tapos sa balcony naman kapag trip mong magsight seeing pwede sya dun. Nasa baba din ang staff room malapit sa counter. Sinigurado namin na sa bawat parte ng coffee shop ay may personal touch kami ni Isla.
Available din naman ang rooftop kasi pinalagyan namin ni Isla ng glass roof para kakaiba hindi rin tumatagos doon ang init kasi makapal ang layer ng salamin na gamit kaya pwede lagyan ng floor mounted aircon.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang pumanhik na din dito sa rooftop si Isla. My bestfriend is sporting an off shoulder light blue maxi dress with slit along with her white gladiator square head clip-on strappy high heels along with her white crossbody Gucci bag. Nakapusod ang buhok nya pero nakalabas yung bangs nya yung curtain bangss ba yun. Habang ako naman ay nakasuot ng white long sleeve from Lacoste & a belt also from Lacoste tucked in gray fitted slacks paired in a white Gucci shoes, along with my golden chain and a gold Rolex watch. Inakbayan ko si Isla, “Grabe dati nakikitambay lang tayo dun sa coffee shop malapit sa university ngayon meron na tayong sarili natin. Hindi padin ako makapaniwala hahaha. Sobrang blessed natin badi, thank You Lord kasi may maangas akong bestfriend!” sabi ko kay Isla saka pinahid ang ilang luha na tumulo mula sa mga mata ko.
Maya-maya naman ay may tumikhim sa likod namin nandoon pala sina Air, Rhythm at Amethyst. Nag-group hug kaming lima saka kami nagyakapan ni Amethyst. “Oh tara na baba na tayo 3rd, 4th and 5th wheel a tayo guys hayaan na natin silang langgamin hahaha!” sabi ni Air sa mga pinsan saka inangklahan sila parehas natawa naman kami ng mahal kong girlfriend saka bumaba na dahil nandyan na daw ang pamilya namin pati ilang customers at ang magbabasbas ng buong shop.
Air’s POV
“Welcome to Coffeeko’s!!” sabay na sabi ng mag-bestfriend na after how many years ay nagkasabay din sa pagsasalita nang hindi tumatawa. Hindi ako reporter on duty ngayon supportive pinsan lang basta pahinging kape hahahaha, palitan kami ni Rhythm sa pagvivideo at pagpi-picture hindi na sila naghire ng professional photographer dahil kaya naman na daw namin ni Rhythm hindi daw sila kuripot praktikal lang daw. Si Blue ang humawak ng ribbon habang si Isla naman ang gumupit pagpasok namin ay nagsimula na ding magdasal at magbasbas si Fr.
Nang matapos ang pagbabasbas ni Fr., ay nagkainan na kami at nagpapasok na ng mga customer soft opening ngayon kaya talagang madaming tao. Nag-offer naman yung mga staff na sila na ang bahala at magkape nalang daw kami at magpicture-picture hindi naman kami tumanggi dahil kahit yung mga owners ay hindi parin nakakatikim ng sarili nilang product. Umorder kami ng mga specials nila at doon sa taas natripan tumambay, ang masasabi ko lang ay instagrammable ang buong lugar syempre parehong artistic ang may-ari.
Pagkaupo namin ay tahimik na pinagmamasdan ni Isla ang kabuuan ng lugar “Mas masaya sana kung nandito ka” bulong ni Isla saka malungkot na ngumiti, “Ano yon Isla, may sinasabe ka?” pang-uusisa ni Blue na nakataas pa ang kilay inirapan naman sya ni Isla. Nang dumating ang mga orders namin ay naging seryoso na ang usapan, “Ano nang plano mo Isla?” tanong ni Blue, “Last month ko na sa Serena’s end of contract na ako sa susunod na buwan kaya napag-desisyunan ko na dito na magtrabaho. Okay lang ba yon sayo Blue?” nakangiting sabi ni Isla, “Oo naman! Bakit mo pa tinatanong yan syempre atin to eh kesa sa iba ka pa magwork dito ka na satin para hindi ka na din mahirapan” sagot naman ni Blue kay Isla. “Eh doon sa isa anong plano mo?” tanong ulit ni Blue, “Huh? Anong isa? Sinasabe mo dyan?” naguguluhang tanong ni Isla, “Kay Engineer Dawson” sagot naman sakanya ni Blue, “Ah kelangan bang may plano dun? Hindi naman diba? Wala dito lang ako piliin man nya o hindi, mahal ko na eh. Lately ko lang din na-realize hindi ko din alam kung paano nangyare biglaan nalang din” sagot ni Isla saka malungkot na ngumiti.
Ayan ang sinasabi ko eh kaya naging allergic ako dyan sa pag-ibig na yan eh tss nakakasira ng ulo, nakakawasak pa ng puso. Hindi siguro talaga para sa lahat ang pag-ibig.
Paano nga ba malulusaw ang mga pangamba kung ang dala ng pagkakataon ay mga panibagong tanong dahil...
Talagang pinatunayan ng tadhana kung gaano ito ka mapag-laro dahil narito sa harap namin si Sky na may dalang bouquet of roses para kay Isla.