Chapter 15: Heartbreak

3443 Words
Isla’s POV Pagkatapos ng tagpong iyon kung saan hindi ko na nabilang kung ilang beses akong napakurap at nangunot ang noo. Nawala ang pala-isipan ko nang makita ko sa harapan ko si Daddy but the thing is, his smile isn’t genuine like the smile he used to give me. I gave him a tight hug saka iginiya sya sa isang lamesa kung nasaan sila Tito Sven. “May problema si Dad, teka lang ha kakausapin ko muna sya” sabi ko sa kanila dahil talagang hindi na ako mapakali, nang makalapit ako sa lamesa nila ay niyaya ko si Dad tumambay sa may balcony. “I’m so proud of you hija, my little girl is now a coffee shop owner” sabi sa akin ni dad with the same smile I saw earlier. Lumaki ako na talagang close kay daddy iyong tipo na kaya kong sabihin sakanya ang tungkol sa nararamdaman ko without batting an eyelash pero sya naman ay madalas manahimik lalo na kapag may problema sya kaya alam ko na kaagad kapag may mali. “Dad, I have to tell you something..” panimula ko kaya nakuha noon ang atensyon nya, “I met someone recently at kadalasan wala naman akong pakialam dahil hindi ko naman priority ang mga ganoong bagay but this one is new I’ve never felt this before and I felt it for someone unexpected I guess?..” patanong ko pang sabi kay Dad na nakikinig sa akin, “I..I think..I think I’m falling for Sky..” nahihiya ko pang sabi, “Ah! Akala ko naman kung ano na.. I know anak, I know” nakangiting sabi ni daddy, “You knew since when?” takang tanong ko, “From the very beginning, anak. Palagi kang maingat sa mga kilos mo kapag alam mong nasa paligid sya which is very unlike you kasi kagaya nga ng sinabi mo madalas ay wala kang pakialam sa iisipin ng ibang tao. You always eat like a construction worker but when Sky is around you only eat a small amount of food. Doon ko na-realize na tama ang hinala ko” sabi sa akin ni Dad, “Natatakot ako dad. Paano kung ako lang pala mag-isa? Mag-isang nakakaramdam nito?” kinakabahang tanong ko sakanya, “The Art of Confession..” makahulugang sabi ni dad. “How are you dad?” biglang tanong ko naman sakanya, “Gwapo padin naman ako anak” biro nya, “Dad seryoso kasi ako. May problema ka eh, what is it? Wag kang madaya kabi mo give and take diba?” sabi ko sakanya, “Hayyy wala talaga akong takas sayo noh? Anak nga talaga kita hahaha! Wala naman nak pagod lang.” sabi nya at akala naman nya ay naniniwala ako, “Dad, the last time I checked magkaiba ang pagod lang sa may pinagdadaanan. Sabihin mo na sa akin ngayon dad because if you won’t I have my own ways to find out” sabi ko sakanya saka sumimsim ng kape, he sighed before answering “Well. I just found out recently that..that Ursula is cheating on me with several men. Nung una nya itong ginawa ay kinausap ko sya tungkol dito ay sinabi nyang magsimula daw kami ulit pumayag naman ako dahil mahal ko ang kaso ay inulit pa nya ng inulit kaya ngayon ay pakiramdam ko paulit-ulit din akong ginagago ng mundo. Sa tingin ko naman ay ginawa ko ang lahat para sakanya at sa pamilya nya na naging dahilan pa para umalis ka sa bahay natin, ginawa ko naman pero hindi padin sapat! Am I really not worthy to be loved?” sabi ni Dad saka itinakip ang dalawang kamay sa mukha at nang magsimula nang umalog ang balikat nya ay lumapit na ako sakanya saka isinandal ang ulo nya sa balikat ko saka sya hinayaang umiyak doon. “Daddy, no one deserves to be cheated hmm? It wasn’t your fault okay? Kahit gawin mo pa ang lahat dad kung lolokohin ka lolokohin ka. At ako dad hindi ako mawawala sayo nandito lang ako palagi alam mo yan. Madami kaming nagmamahal sayo dad so please don’t think less of yourself and your worth as a person. My heart aches for you dad. Hindi ko alam kung may plano ka na ba ngayon but I would always be here for you. I love you so much Daddy!” sabi ko sakanya saka pinalis ang mga luha na naglandasan sa mga pisnge ko paglingon ko sa loob ng shop ay nandoon ang mga Tito pati si Blue na mukhang alam na ang tungkol sa nangyare. If my dad took a huge step for love siguro iyon nalang din ang gagawin ko. It’s now or never. Pumunta sina Dad sa bahay nila Tita Eve dahil doon daw nila itutuloy ang pag-uusap nila na may kasamang bote ng alak, sumama na din sa kanila si Air at Rhythm habang si Amethyst ay umuwi muna saglit dahil doon nya daw titignan sa bahay nila ang results ng licensure exam kami ni Blue ang naiwan dito sa shop tahimik lang kami dito sa office habang nagche-check ng kanya-kanyang email. Kinausap ko muna si Blue bago gawin ang matagal ko nang dapat ginawa. “May sasabihin ako sayo..” sabi ko sakanya saka sya napalingon sakin at iminuwestra ang sofa bed para doon kami mag-usap, “May nagugustuhan na ako ngayon and I think it is more than admiration, I am falling real hard at doon pa sa taong hindi ko inaasahan. Hindi ko na-realize kaagad nang mapagtanto ko ay ganto na kalawak yung nararamdaman ko sakanya. Minsan ko na nga lang to naramdaman pero pakiramdam ko talo ako eh kaso wala naman akong magagawa dahil sangkap iyon ng pagmamahal. I can only love him from afar, Blue” malungkot na sabi ko sakanya, “Bago mo pa sabihin ay alam ko naman na, hinihintay ko lang na aminin mo para ma-confirm ko ang hinala ko and I was right. Sabi ko naman kasi sayo madalas ay mas kilala pa kita kaysa sa sarili mo” sabi nya sa akin saka tipid na ngumiti. Tahimik kaming nakaupo ni Blue nang magdecide ako na magtipa ng mensahe para kay Sky gamit ang phone ko. “Hi Sky! I am sorry because what I am about to say is too sudden. I have to get this off my chest, so here it goes.. Hindi ko alam kung kelan at kung paano nagsimula ang lahat this is cliche pero totoong isang araw na-realize ko nalang na gusto na pala kita and that habang mas nakikila kita ay nahuhulog na ang loob ko. Oo, alam kong wala ka namang sinasabi at ginagawa hindi ko din maintindihan ang sarili ko noong una kasi hindi ako makahanap ng dahilan kung bakit ako nagkakaganto until one day napagod nalang ako sa kakatanong at hinayaan ko nalang na mas lumago pa ang nararamdaman ko as time pass by. Sa totoo lang natatakot din ako para sa sarili ko but I have to do it anyway. I can’t risk you, but I also can't miss the chance to tell you how I feel about you. Gusto ko ding malaman mo na walang kinalaman ang mga magulang natin sa confession ko na to ngayon. Kung ano ang magiging desisyon mo pag nabasa mo to ay ire-respeto ko” yan ang text ko kay Sky. pinabasa ko din kay Blue ang text ko kay Sky at tahimik lang din syang naghintay sa tabi ko. After 20 minutes ay mukhang nabasa na nya ang mensahe ko kaya lalong lumala ang pag-ugong ng kaba sa sistema sa buong katawan ko pero wala na akong magagawa dahil nasabi ko na. Fast forward. He finally replied after an hour... “Hi Isla, I have to admit that I am surprised by your sudden confession. You’re a wonderful person but I am not into those things, I have priorities to put first. I am sorry but I don’t feel the same way simula noong una ay family friend lang ang tingin ko sayo” yan ang reply ni Sky yung magical 3 words ay nabura sa isang iglap ay nabura ng 3 sentences. Binasa ko kay Blue yung text as long as ma-receive ko nang lingunin ko sya ay mukhang nalilito sya pero nanatili syang tahimik at hinihintay akong magsalita, “Medyo ine-expect ko na din na ganon ang isasagot nya pero mali ba na maghope ng kahit konti? Ang sakit pala magconfess, isang beses lang akong nagkagusto at nagkalakas ng loob umamin tapos..tapos.. Sabagay hindi naman nya kasalanan. Malay ko bang talagang mabait lang sya at gentleman kaya ganun sya sakin ewan ko hahaha basta ang masasabi ko lang nasasaktan talaga ko. Ang sakit-sakit..” sabi ko kay Blue saka hinayaan na tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan habang tahimik akong umiiyak ay hinahagod naman ni Blue ang likod ko, maya-maya pa ay umusog sya para mas makalapit sa akin isasandal nya sana ang ulo ko sa balikat nya kaya parang magkaharap ang mga mukha namin kahit na nakatagilid ang ulo ko, hindi na nya naisandal ang ulo ko sa balikat nya dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Amethyst na sasalubungin sana ni Blue pero bago pa makatayo ang katabi ko ay nakatikim na ako nang malutong na sampal galing sakanya. “Sinasabi ko na nga ba eh! Dapat talaga nakinig ako doon sa mga kaibigan ko eh, I trusted you Isla how could you? Kelan nyo pa ako tinatarantadong dalawa ha? Ang kakapal ng mukha nyo, akala ko pa naman kaibigan kita pero ahas ka din pala at isa ka sa mga naghahangad kay Blue! Alam mo kung bakit hindi ka nagustuhan ni Sky? Kasi hindi karapat-dapat ang isang malanding gaya mo sa isang respetadong tao! I can’t believe that I befriended a slut!” bulyaw nya sa akin, pagkatapos noon ay umalis na sya sa opisina at sinundan naman sya ni Blue kaagad. Habang ako ay naiwan dito sa opisina habang pino-proseso pa ang mga nangyare. I’ve been called names before dahil umalis ako sa puder ni Daddy pero ngayon lang ako naapektuhan nang ganito because Amethyst wasn’t just a friend for me she was my sister at matagal ko nang nilinaw sakanya na wala akong nararamdaman kay Blue dahil kapatid lang din ang turing ko sa bestfriend ko! Hindi ko alam kung anong mas sasakit eh kung mas masakit ba yung hindi ka pinili ng taong palagi mong pinipili o yung pinag-hinalaan ka ng isang taong akala mo kilalang-kilala ka na at itinuring mo nang bahagi ng pamilya mo? Siguro nga ay tama sya baka hindi nga ako deserve ni Sky. hindi na ako makaiyak dahil nabibiyak na ang puso ko habang nagtitipa ng resignation letter. I’ve decided to leave the country hindi naman ako pwedeng umalis nang hindi ipinapaalam sa kahit sino sa pamilya ko kung saan ako pupunta kaya saka ko nalang sila sasabihan kapag nasa ibang bansa na ako. Medyo late na din ako nakauwi sakto at tulog na ang lahat wala si Air at Rhythm marahil ay parehong umuwi sa Cavite. Nakapag-book na ako ng flight kanina pa bago ko iwanan ang pirmado kong resignation letter sa lamesa ni Blue. After packing my important documents at ilang mga gamit na inilagay ko sa isang maliit na maleta ay binitbit ko din ang isang maliit na bag para sa hand carry pagkatapos non ay nagcommute nalang ako papunta sa NAIA dahil ngayong gabi na din ang flight ko. May sariling eroplano si Dad pero hassle pa kung dadalhin ko yun at isa pa I want to leave the country immediately. Fast forward. After more than 19 hours, probably after 1 whole day, it is a whole new world. Touchdown Calgary City, Alberta, Canada. Esther’s POV Ako ang isa sa mga Coleman. The 5th sibling. I am living here in Canada simula nang ikasal kami ng asawa kong si Levin. Kung ang dalawa kong kapatid na babae ay nakakalipad at nakakapag-bloom ng mga halaman at nakaka-gamot ako naman ay nagtataglay ng kakaibang speed at invisibility. Syempre si Ate Aethiopia ay ang reyna noon ng mga sirena bago sya pumanaw. Kaninang umaga lang dumating dito ang pamangkin kong si Isla nagulat pa nga ako dahil wala akong kaalam-alam sa mga nangyayare at kung bakit biglaan ang pagsulpot nya dito eh mukhang wala pa syang balak sabihin sakin kung anong dahilan kaya minabuti kong tawagan ang mga kapatid ko dahil sigurado akong alalang-alala na ang mga iyon pati si Nanay. Pinatulog ko muna si Isla sa isang extra room namin dito sa bahay saka ako tumawag sa mga kapatid ko alam na din ni Levin na nandito si Isla hindi naman naging problema iyon sakanya dahil kagaya ko ay anak na din ang turing nya kay Isla. Nang masiguro kong tulog na si Isla ay tumawag na ako kay Eve dahil nandon din daw sa bahay nila si Eda, “Anak, kamusta naman yung pamangkin mo dyan? Maayos ba ang lagay nya? Kailan sya dumating dyan?” sunod-sunod na tanong ni Nanay, saglit kong ipinakita ang natutulog na si Isla saka sinagot ang mga tanong nya. “Kaninang umaga lang ho sya dumating Nay, ayos naman sya dito yun nga lang ay hindi sya nagsasalita kung hindi mo kakausapin hindi rin naman sya umiiyak pero palaging nakatulala at parang may malalim na iniisip” malungkot na sabi ko habang napabuntong-hininga nalang si Nanay nang mapanatag sya na ayos ang lagay ni Isla ay nagpahatid na sya kay Rhythm pabalik sa kwarto nya. “Ano ba kasing nangyare? May hindi ba magandang nangyare dyan?” tanong ko sa kanila pero si Air at Rhythm ang lumapit para sumagot sa akin, “Ehh..broken hearted po kasi yan si Isla eh alam nyo naman po hindi naman talaga sya nagkakagusto tapos ngayon namang nagkagusto sya eh para syang nabasted dahil ang nangyare eh parang sya po ang umasa kahit pa alam namin na pinaasa din naman sya nung lalake. Eh alam nyo naman po syempre hindi naman normal ang puso nya kaya hindi nya siguro kinaya yung sakit kaya nagdecide sya nang biglaan na pumunta dyan” malungkot na sabi ni Air, nang mapaiyak si Air ay napaiyak na din ang mga kapatid ko. Sunod namang nagsalita si Rhythm, “Tapos diba kilala nyo po si Kuya Blue? Soft opening po kasi ng coffee shop nila ni Ate Isla nung araw na nangyare po lahat eh magkasama po sila nun ni Kuya sa office nila dun sa shop nung nag-confess si Ate kay Kuya Sky kaya nasaksihan nya po kung paano nagbreakdown si Ate aaluin nya po sana si Ate kaso bigla pong dumating si Amethyst at agad na sinampal si Ate Isla at pinagsalitaan ng kung ano-ano nang hindi manlang nagtatanong ng kung anuman. Pagkatapos po nun ay umalis na sina Ate Amethyst at Kuya Blue at naiwan si Ate Isla sa office nila tapos bumalik pa po yata sa opisina nila si Kuya Blue para sana kausapin si Ate Isla kaso yung resignation letter nalang po ni Ate ang naabutan nya dun at huli na din po nung nalaman nya na umalis na ng bansa si Ate Isla” pagkukwento ni Rhythm. “Oh sige ganito ha? Hindi ko padin kasi alam kung anong plano ni Isla ngayong nandito sya sa Alberta dahil hindi ko pa sya nakakausap ng matino simula nang dumating sya. Pero pagkagising nya ay pipilitin kong tawagan nya ang daddy nya” sabi ko sa kanila saka natapos ang tawag. Fast forward. Tanghali na nang maging si Isla kaagad naman nya akong pinuntahan sa living room para bigyan ng mahigpit na yakap at base sa higpit ng yakap nya ay ramdam kong hindi talaga sya okay kaya hinatak ko nalang sya papunta sa dining area kung nasaan si Levin na sa palagay ko ay nagluluto ng pagkain para kay Isla. habang kumakain si Isla ay pinaalalahanan ko syang tumawag sa Daddy nya dahil paniguradong nag-alala na iyon. “Tito, tita pasensya na po kayo at bigla nalang po akong dumating dito nang walang pasabi. Masyado na po akong nasasaktan dun sa Pilipinas eh baka po maubos na ako, wag po kayong mag-alala maghahanap po ako kaagad ng trabaho dito dala ko naman po yung mga documents ko eh para din po hindi ako maging pabigat sainyo” sabi sa amin ni Isla saka malungkot na ngumiti, sinabi naman namin sakanya na ituring na nyang sarili nyang pamamahay ang bahay namin at hindi naman sya pabigat kaya hindi nya kailangang mag-alala. Nagpaalam syang babalik sa kwarto para tumawag sa kanyang daddy, medyo may siwang ang pinto kaya khit papaano ay dinig ko ang usapan nila “Dad, sorry po kasi biglaan nalang po akong umalis nang hindi iniisip na may pinagdadaanan din po kayo at mas kailangan nyo po ako sa tabi nyo ngayon. Nagkasabay-sabay po kasi lahat Dad at konti nalang po ay hindi ko na mararamdaman yung t***k ng puso ko sana po maintindihan nyo po ako kung hindi pa po muna ako makakauwi dyan sa ngayon. Kung may libre po kayong panahon pwede naman po kayong bumisita dito kina Tita Esther. I’m really sorry daddy, I love you so much po!” sabi ni Isla saka muling humagulgol kaya kaagad ko naman syang dinaluhan. Air’s POV Simula noong gabi na umalis si Isla ay halos dito na tumira si Blue sa bahay namin kahit pa tanging sina Tito Aldus, Tita Eve at Lola Espher lang ang kumakausap sakanya habang si Amethyst naman ay hindi pa nagpapakita dito sa bahay siguro ay tinablan sya ng hiya kahit papaano. Ang taas pa naman ng tingin ko sakanya yun pala maski sarili nyang boyfriend ay hindi nya kilala. Iniiwasan ko si Blue dahil ayoko na din na mas gumulo pa ang sitwasyon habang si Rhythm naman ay nakikipag-usap din kay Blue paminsan-minsan. Hindi ko naman din masisisi si Isla kung bakit sya humantong sa desisyon nyang mangibang-bansa sa ginawa nyang yon ay napatunayan kong mas kalmado pa sya kaysa sakin dahil baka kung ako ang nasa posisyon nya nang sampalin at pagsalitaan sya ng ganon ni Amethyst ay nabali ko ang bawat parte ng katawan ng babaeng yon at hindi na sya binigyan pa ng pagkakataong makapag-salita kailanman kahit ako ay nasaktan para kay Isla hindi lang dahil pinsan ko sya kundi dahil tinuring ko na din na kaibigan si Amethyst. Gusto ko namang intindihin ang dahilan ni Blue pero talagang nabu-bwisit din ako sakanya kahit na kung tutuusin ay wala naman syang kasalanan dahil madumi ang utak ng girlfriend nya, sinadya naming wag ipaalam sakanya kung nasaan si Isla kahit pa ilang beses na syang nakiusap sa amin kalaunan ay tumigil na sya sa pagtatanong siguro naiintindihan naman nya na gusto naming protektahan si Isla para hindi na sya lalong masaktan. Kapag pumapasok kami sa kwarto ni Isla saka kami tumatawag kay Tita Esther para makausap si Isla tuwing wala si Blue dito sa bahay bibili daw ng bagong phone si Isla pero hindi nya pa daw alam kung kailan dahil sa ngayon ay mas gusto nyang manatili lang sa bahay naiintindihan naman namin iyon ang mahalaga ay kahit papaano ay nakakausap namin sya. Paalis ako ng bahay ngayon dahil may Battle of the Bands sa school nila Rhythm at isa sa mga lumahok ay ang bada nilang 8teen Hundreds, graduating na si Rhythm ngayong taon at next year ay papasok na sya sa college balak nya daw kunin ay Civil Engineering. Pasakay na ako sa kotse ko nang matanaw ang sasakyan ni Blue sa labas ng bahay namin nandoon sa shotgun seat si Amethyst mukhang dadaan lang si Blue dito sa bahay, nang makita ako ni Amethyst ay lalabas sana ito ng sasakyan para puntahan ako kaya kaagad kong pinaandar ang makina ng sasakyan ko saka pinaharurot ito. Ayokong masira ang araw ko. Kung hindi lang talaga dahil kina Lola ay ako na mismo ang nagpalayas sa dalawang to, akala ba nila sa pagpunta nila dito araw-araw bawi na sila? Forgiven na? Ganun nalang yun. Minsan talaga naaabuso ang salitang pagkakaibigan eh it is supposed to be genuine hindi yung ang ayos mong tinanggap sa buhay at bahay mo yun pala parang agila kung makapag-bantay sa mga kilos mo. Isla didn’t deserve to be treated that way kaya kada tutungtong sila dito sa pamamahay nila Tita Eve ay lantaran kong pinaparamdam sa kanila na kasalanan nila kung bakit umalis si Isla, parte sila ng dahilan kung bakit sya nasasaktan ngayon pero sya padin yung lumayo para maging tahimik ang lahat. I just wonder what would happen when she suddenly comes back.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD