Isla’s POV
Noong mga unang buwan ko dito sa Calgary ay doon ako nagtrabaho sa isang branch ng grocery store nila Tita Esther, iyon na yata ang nakita kong pinakamalaking grocery store simula nung pumunta ako dito. After a month ay may naka-discover sa akin na isa palang may-ari ng isang sikat na modelling agency sobrang dami nang nagbago sa buhay ko dito sa Canada dinadagsa din ako ng offers mula sa ibat-ibang sikat na brands kagaya ng Gucci, Dior at Louis Vuitton. Dito lang ako around sa Calgary tumatanggap ng mga offers dahil madami namang malls ang nagsisipag bukasan nakakatuwa dahil lagi nilang kino-consider ang mga Pinoy. Dahil din sa kanila ay mas naging confident ako sa kulay ko kaya hindi ko na itinuloy ang balak kong pagpapa-puti
Ang bilis din pala ng tatlong taon noh? Kala ko nga wala akong makukuhang trabaho dito pero talagang mabuti ang Diyos! Bumibisita din naman dito sina Air at Rhythm and everyone in the family even Dad nalaman ko sa kanila na lagi pading pumupunta sa bahay ni Tita Eve si Blue at minsan ay sumasama din daw si Amethyst. Hindi ko naman masisisi sila Tita dahil syempre ang tagal din ng pinagsamahan namin. Pero kung tatanungin ako ay hindi ko na alam kung bukas padin pala ako sa pakikipag-kaibigan sa kanila dahil masyadong malalim ang sugat na iniwan nila sa pagkatao ko, si Sky naman ay makailang beses ko na ding sinubukan kalimutan kaso matindi ang isang yun dahil hanggang ngayon sya padin, sya palagi.
Naputol ang pagmumuni-muni ko nang pumasok si Tita Esther sa kwarto ko, “Neng, may bago kang magazine offer. Gusto mo bang kunin?” tanong sa akin ni Tita saka naupos sa kama katabi ko. “Hmm..Tita diba po patapos na din yung contract ko sa modelling agency? Gusto ko na po kasi sanang mag-quit eh I mean gusto ko na pong umuwi sa Pilipinas kung ayos lang po sainyo?” maingat na sabi ko, ngumiti naman sya at marahang kinuha ang mga kamay ko at hinaplos ang mga iyon, “Isla, alam mo namang susuportahan kita sa kung ano mang gusto mong gawin sa buhay hindi ba? Kaya mas importante sa akin kung saan ka mas magiging masaya at kumportable. Sa katunayan ay balak na din naming mag-retire ng Tito Levin mo dahil nakapag-pundar na kami ng isang masyon sa Pilipinas at may mga negosyo na din kami doon hinihintay ka lang talaga namin. Pero sigurado ka na ba? Handa ka nang bumalik doon?” masuyong tanong sakin ni Tita na mabilis kong tinanguan kaya naman kinausap nya ang iba part ng team ko para sa huling photoshoot na gagawin ko. “Ay teka, ano na nga palang balita sa Celeste?” tanong sa akin ni Tita bago lumabas sa kwarto ko, “Sinu-supervise po ni Rhythm malapit na daw pong matapos baka po pag-uwi natin don ay tapos na din iyon” nakangiting sabi ko sakanya.
Fast forward.
Nang mai-ayos na namin ni Tito at Tita ang lahat ng kakailanganin sa pag-uwi namin sa Pilipinas ay nagpaalam na kami sa management ng modelling agency na pinagtrabahuhan ko ganon din sa glam team at mga models na naging kaibigan ko na din nangako pa nga sila na dadalaw sa akin sa Pilipinas. Yun namang grocery store nila Tita ay iba na ang may-ari. Next week ay college graduation na ni Rhythm at balita ko c*m Laude daw sya walang kahit sino ang nakakaalam sa pag-uwi namin doon kami pansamantalang manunuluyan sa bahay ng isang kaibigan ni Tita Esther na nakatira sa Tagaytay. Para na din daw sa safety and privacy ko dahil recently ko lang nalaman na pati sa Pilipinas ay kilala ako bilang isang sikat na modelo. A day after namin umuwi sa Pilipinas ay sya namang grand concert ng banda ni Rhythm.
Fast forward.
Mga ilang oras na din simula nang lumapag ang eroplanong sinakyan namin at ngayon ay nandito na kami sa Batangas. Maganda ang panahon dito kaya since malapit sa dagat ang bahay ng kaibigan ni Tita Esther ay lumangoy muna ako.
Fast forward.
6pm na at nasa byahe na kami papunta sa Araneta Coliseum. I am sporting a white one strap crop top along with my black leather skirt with slit, a black Gucci purse and black ankle strap 3 inch heels. I dyed my hair with a mixture of medium champagne blonde and light pink.
Fast forward.
Nasa kalagitnaan na ng concert nang makarating kami. Masyadong busy ang mga tao sa paghihiyawan at pakikising-along kaya hindi kami nahirapang pumasok. Pumunta kami nila Tita sa pinakaharap na seat na pina-reserve nila Tita bago pa man kami makauwi at kung paano nila ginawa yon ay hindi ko alam. Nakikita ko naman si Rhythm sa video calls at nakita ko din sya last year kaso sabi nya ay magiging abala sya para sa graduation kaya hindi na muna sya makakabyahe papuntang Canada kaya ako nalang ang umuwi. Napakagwapo ni Rhythm, gwapong binata I wonder kung may girlfriend na sya. Nang magawi ang tingin nya sakin at nakita ko ang bahagya nyang pagkagulat ay kinindatan ko sya kaagad at nginitian. Marahil ay akala nya bunga lang ako ng imahinasyon nya dahil dumami na ang mga tao sa harap ko kaya hinila na ako ni Tito Levin paalis sa coliseum.
Fast forward.
Kinabukasan ay nakipagset ako ng meeting sa Dean ng university kung saan kami nag-aral ni Blue dahil dito din nag-aral at magtatapos si Rhythm. Nang makarating kami sa opisina ng Dean ay nakilala nya kaagad ako pero hindi bilang dating estudyante kundi bilang modelo, “Hi, you’re Celestine right? I am one of your fans!” masayang sabi nya sakin, “Yes I am Celestine pero pwede bang wag mo nang ipaalam sa iba? Uhm nandito lang naman kasi ako para sa pinsan ko eh uhm kay Rhythm I’m not sure kung kilala mo sya” nakangiting sabi ko sakanya saka sya pinaunalakan ng selfie kapalit ng pangako na saka na nya ito ipopost sa social media account nya, “Rhythm Jace Freeman? Hala magpinsan pala kayo jusko gaganda ng lahi nyo ano bang prayer format nyo pwede pa-share?” nagibibirong sabi nya saka sya natahimik nang marinig ang sinabi ni Dean Villaflor na papasukin na kami. Naunang pumasok si Tita Esther, “Good morning Mrs. Acosta, to what do I owe the pleasure?” tanong ni Dean Villaflor, “Good morning po Dean, kilala nyo pa po ba ako?” sabi ko sakanya kaya natawa ako nang mamilog ang mga mata nya at kaagd akong nilapitan para yakapin. Suki kami noon ni Blue ng opisina nya hindi dahil sa mga kalokohan kundi dahil sa mga kalokohan kundi dahil lagi kaming nasasali sa competitions before dahil consistent dean’s listers kami. “Napaka ganda mo talaga hija! Nang makita ko iyong commercial mo mula sa isang Canadian company ay ipinag-mayabang kita sa mga ka-barangay ko. Eh teka nasaan nga pala si Blue akala ko talaga magkakatuluyan kayong dalawa dahil noon pa man ay bagay na bagay kayo!” nakangiting sabi ni Mrs. Villaflor, “Ah hindi po magkaibigan lang po kami ni Blue ma’am at may long-time girlfriend po sya. Thank you po sa pag-suporta Ma’am isa po kayo sa mga dahilan kung bakit ko pinursue ang modelling career ko” sabi ko sakanya saka sya matamis na nginitian.
Napapayag namin si Mrs. Villaflor na payagang ako ang umakyat sa stage para kay Rhythm kasabay ng mga magulang nya bilang sorpresa ko sakanya.
Rhythm’s POV
Ngayon na ang araw ng graduation ko at isang linggo ko na ding iniisip kung tulog ba ako nung mga panahon na nakita ko si Ate Isla sa concert namin kasi nung last na nag-usap kami ay wala naman syang nabanggit sa amin na may balak syang umuwi ng Pinas ay ewan lutang nanaman ako buong araw kapag inisip ko pa ng inisip. Nakatanggap ako ng isang dog tag chain na may angel’s wings pendant. Bago kami pumunta sa university ay dumaan muna kami sa simbahan malapit doon since maaga pa naman at uubra pa kung aattend kami ng isang mass.
Fast forward.
Nandito na kami sa university at pagpasok namin sa auditorium ay nakita ko ang isang magandang babaeng ang pangalan ay Jazz Raynesha Campbell na syang girlfriend ko.
Fast forward.
Isa-isa nang tinatawag ang mga pangalan ng mga may highest honor. At ang huling tinawag.. Ang huling tinawag ay ako...ako.. Ako?????
“Freeman, Rhythm Jace Coleman, c*m Laude!” yun ang pagkakasabi ni Mrs. Villaflor kaya nang lingunin ko ang nga magulang ko ay nagkatinginan sila parang iiyak pa nga si Mommy eh hahaha. Sa kabila nang gulat ko ay lumakad na ako papuntang stage kasabay ng mga magulang ko ngunit bago pa ako makasampa sa unang baitang na hagdanan ay muling nagsalita si Mrs. Villaflor, “We have a special guest. A former student and one of Alberta Canada’s top model!” excited nyang sabi ngunit gayunpaman ay nagpatuloy kami nila Mommy sa pag-akyat ng stage. Maya-maya ay isang magandang babae ang umakyat sa entablado wearing a black schiffer slip midi dress along with her white strap sandals. She let her colorful hair down and that’s when it sinks in to me that the person standing infront of me is.. “Ate Isla!!!!” sigaw ko saka takbo palapit sakanya wala na akong pakialam kahit pa pagtinginan kami ngayon at kahit pa nalaglag ang toga ko, kaagad naman nyang sinalubong ang yakap ko saka hinagod ang likod ko, “Hi RJ, congratulations!” nakangiting sabi sa akin ni Ate nang kumalas ako mula sa pagkakayakap nya. “Go get your award, we’ll talk later” sabi nya sa akin saka ako kinindatan bago bumaba ng stage. Narinig ko pa ang hiyawan ng mga tao nang saglit na kumaway si Ate Isla sa kanila, nang lumapit na sya kina Ate Air ay agad din syang niyakap ng mga ito.
Fast forward.
Napili naming sa Celeste mag-celebrate ng graduation ko at since grand opening ngayon ay libre na daw lahat ni Ate Isla. nang dumating kami doon ay nauna na pala sa amin si Ate Isla dahil kausap nya ngayon ang Daddy nya pero mukhang hindi pa sila nakakapag-ikot sa loob. Ang Celeste ay Bar na pagmamay-ari ni Ate Isla. ngayon ko na din ipapakilala si Jazz sa buong pamilya namin. Kaya naman nang makumpleto kami ay hindi ko na sinayang ang pagkakataon.. “Uhm, everyone meet my girlfriend, Jazz. Jazz meet my parents, Evan and Edaline Freeman and my brothers Adam and Jahseh and of course my very beautiful Lola Espher, Tita Eve and her husband Tito Aldus, Tatay East and Nanay Tine, Tita Esther and Tito Levin and my cousins Ate Air and Ate Isla!” pagpapakilala ko sa kanilang lahat kaya napuno ng kantyawan ang buong lugar. I invited Kuya Blue, Ate Amethyst and Kuya Sky as well dahil syempre hindi ko naman alam na darating si Ate Isla pero kilala ko si Ate hindi naman sya iyong tipong eskandalosa ipaglalaban nya ang sarili nya with class.
Fast forward.
Nagkakasiyahan na ang lahat nang yayain kami ni Ate Isla na pumunta sa VIP Room since hindi nya pa ito nakikita sabi nya kasi sakin sa video call ay gusto daw nyang ma-surprise, at talaga ngang na-surprise sya dahil nandoon sina Kuya Blue, Ate Amethyst, Kuya Sky at si Bethany. Mukha namang wala lang kay Ate Isla ng nakita kaya hindi na din namin sila pinagtuunan ng pansin kaht pa bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat nang makita kung sino ang kasama namin. Papaalis na sana kami paa bumalik sa table kung nasaan ang pamilya namin nang biglang magsalita si Bethany, “Oh, napagod ka na bang lumayas kaya bumalik ka nanaman dito ngayon? Para ano, para manghingi nanaman ng pera kay Tito George? Ibang klase ka rin noh, naturingan kang Laude pero mukha yatang wala kang nararating sa buhay mo at hanggang ngayon ay pariwara ka parin. Siguro ay inakit mo lang ang mga professor mo noong college though I’m not surprised ikinakahiya ka siguro ng nanay mo kung nasaan man sya” sabi ni Bethany saka nakakalokong ngumisi tuloy-tuloy lang sya sa pagsasalita kahit pa inaawat na sya ni Kuya Sky.
“Intelligence and maturity are different things pero wala ka yata kahit isa man don. Hindi nasusukat ang katalinuhan sa mga awards, dahil ang katalinuhan ay nasa paraan ng pag-iisip. Sana kahit paminsan-minsan ay gamitin mo ang utak mo, iyon ay kung may utak ka pa. Ang bar kung nasaan ka ngayon at ang mismong sahig na tinutungtungan ng ng mga pata mo ngayon ay pagmamay-ari ko. Bunga ng pinaghirapan ko bilang isa sa mga kilalang modelo sa Canada, syempre hindi mo alam yun dahil bukod sa paglamon at pag-chismis ano pa nga bang alam mo? At kung nasaan man ang Nanay ko sigurado akong pinapalakpakan nya ako ngayon dahil hindi ako lumaking bobo kagaya mo!” matapang na sagot ni Ate Isla na hindi nawawala ang ngisi sa labi. “Paano mo nasasabi yan ngayon huh? Ano na bang napatunayan mo?!” nanggagalaiting sabi ng babae habang si Ate ay nakangisi padin, “Kasi..maganda ako” sabi ni Ate Isla kaya halos mapa-palakpak kami ni Ate Air at ni Jazz na tamang nood lang sa likod, “Maganda na kung maganda pero akin lang si Sky!” sagot uli ng babae kaya tinignan ni Ate si Kuya Sky saglit, “Edi sayo na hahahaha! Pakialam ko naman dyan pagbuhulin ko pa kayo eh sa ganda kong to?!” sabi ni Ate Isla sabay flip hair kaya natawa kami, paalis na ulit sana kami nang biglang tawagin ni Kuya Sky at Kuya Blue, “Ayan ah sana naman napag-praktisan nyo yan tatawagin nyo nalang ako hindi pa sabay ah! Nakakaloka Rhythm mag YouTube Premium na tayo para walang gantong interactions! Saka ko na kayo haharapin dahil nandito kami para mag-celebrate hindi para sa heart-to-heart talk ha? Adios amigo, amiga!” sabi sa kanila ng tumatawang si Ate Isla saka inakbayan si Ate Air at niyaya na kaming bumalik sa table namin.
Air’s POV
Days after ng graduation ni Rhythm ay nandito kami ngayon ni Isla sa tattoo parlor ng kaibigan ko napilit ko kasi si Isla na magpa-tattoo kami sa may baba ng collarbone at pangalan ng mga nanay namin syempre Clandestine sakin tapos Aethiopia yung kanya. Habang hinihintay namin ang tattoo artist na si Ven or si Venniesse ay saka naman dumating si Gok na naging bestfriend ko may dala syang 4 na twister fries at apat na coke float agad naman nyang inabot yun sakin habang si Isla naman ay nagpapalipat-lipat ng tingin sakin saka ako tinaasan ng kilay na ang ibig sabihin ay ‘Sino yan? Boylet mo?’. “Ah ano bes si Wax nga pala, sya yung nagging bestfriend ko nung mga panahon na rumarampa ka pa sa Canada. Wax,si Isla nga pala yung pinsan namin ni Rhythm na supermodel! Mabait yan hindi yan nangangagat” natatawang sabi ko pa pero napapansin kong iba yung tingin ni Isla ibig sabihin ay hindi sya naniniwala.
Maya-maya naman ay dumating na si Ven kaya pinauna ko na si Isla, hindi naman sya takot sa mga karayom dahil parang tropapips na sila kasi dati nung may sakit pa sya sa puso lagi syang iniinjectionan. Pagkatapos nyang matatattoan ay parang wala namang nangyare nakita ko pang inoobserbahan nya ang mga kilos ni Wax na pakain-kain lang ng twister fries sa gilid at nang lingunin nya si Isla at nakita ang talas ng tingin ng pinsan ko ay kaagad syang nabulunan kaya natawa ako at sinamaan ng tingin ni Ven dahil pasimula na sana sya sa pagta-tattoo.
Fast forward.
Isla’s POV
Mga ilang araw pagkatapos naming magpa-tattoo ni Air ay nagpaalam ako kina Tita, dad at kay Lola na uuwi muna ako sa isa ko pang tahanan.
Uuwi na ako sa Oceana.
Kung akala ng karamihan ay panganib lang ang dala ng ilalim ng karagatan para sakin naman ay pamilya dahil doon matatagpuan ang kaharian ng Oceana.
I am Isla Celestine, Queen of the Waves.
Nang nasa kalahati na ang lalim ng nasisisid ko ay sinalubong ako ng isang makulay na dolphin na nagpakilalang Sweet, sinabi ko sakanya na magpatawag kaagad ng meeting para makausap ko ang mga mamamayan at kinatawan ng palasyo.
Nang nasa entrada na ako ng palasyo ay nandoon ang mga kawal at mga myembro ng Council. Medyo naiilang ako pero hindi ko ipinahalata maya-maya ay may isang magandang sirena na may pilak na buhok at pink na buntot, “Uhm Good Morning po Your Highness, Ma’am, Queen Isla!” pagbati nya saka nag-courtesy,
“Merliah Magic Vergara po at your service!”kinakabahang sabi nya, natatawa ako dahil akala ko sobrang pormal ng mga merfolks pero kakaiba itong si Merliah sabi nya sya daw ang magiging secretary o kanang-kamay ko dito sa palasyo kaya napag-alaman ko na sya din ang nag-arrange ng meeting para sa umagang ito.
“Magandang umaga sainyong lahat at maraming salamat sa pagpapa-unlak ng imbitasyon ko para sa pagtitipon na ito. Nais kong malaman ang mga suliranin dito sa Oceana simula nang mawala ang ina ko na syang dating reyna na si Queen Aethiopia Celeste. Malaking bagay din kung makakapag-bigay kayo ng suhestiyon sa kung ano ang mas epektibong paraan ang dapat nating tahakin.” panimula ko, si Rustan na syang pinuno ng Council ang nagsalita, “Ginagawa pong tapunan ng basura itong dagat simula po nang mamatay si Queen Aethiopia at kaliwa’t-kanan din po ang mga kemikal na nanggagaling sa mga factories. Nakakaapekto na po ito sa kalusugan ng mga merfolks, sea creatures at ng buong karagatan” malungkot na sabi sa akin ni Rustan, “Ako na ang bahala sa pagpapalinis ng lahat ng water forms maging ang paligid nito. Bukod ho doon ay mayroon pa ho bang iba?” tanong ko sakanya at habang hinihintay ko ang sagot nya ay biglang sumingit si Tallulah,
“Hija, mawalang-galang na pero hindi ganoon kadali iyon. Sa paraan ng pag-iisip mo ay halatang bago ka lang sa posisyon mo hayaan mong kami ang kumilos at ang tanging gagawin mo lang ay mag-apruba para mapadali ang trabaho nating lahat” nakasimangot nyang sabi, “Alam ko hong bago lang ako sa pamumuno dito sa Oceana at hindi pa ako kasing epektibo ng pamumuno ng dating Reyna pero wala na ho kayong magagawa dahil nandito na ho ako at ginagampanan ang responsibilidad at karapatan ko. Alam ko ho ang ginagawa ko at gustuhin ko mang irespeto ang opinyon nyo ay hindi ko magagawa yon dahil una palang ay tinanggalan nyo na ho ako ng karapatan para gawin yun. Hindi ho ako basta dalaga lang, reyna ho ako ng Oceana. Sana ay irespeto nyo ho iyon sa ayaw nyo man ho at sa gusto.” seryosong sabi ko sa kanya na mukha namang napahiya at napayuko na lamang nang sawayin sya ng isa pang myembro ng Council na si Roselle. Ibinalik ko ang atensyon ko kay Rustan saka sinenyasan syang magpatuloy sa kanyang sinasabi, “Napapabalita din po na maraming deep sea mermaids ang nang-aabuso..” sabi nya saka ako bumulong ng, “Mukhang pati myembro ng Council ay mapang-abuso din” na tanging si Merliah lang ang nakarinig at natawa. Tinanguan ko lang si Rustan at hinayaang magpatuloy, “Marami din po sa mge merfolks ang nawalan ng tirahan, mayroon man po ang iba ngunit sira-sira na at isa pa ay wala pong eskwelahan para sa mga merfolks na gustong mag-aral..” sabi nya at bago pa ako makasagot ay sumingit naman si Virtucio, “Bakit pa pinoproblema mo yan Rustan? Hindi naman na nila kailangan mag-aral dahil wala naman silang posisyon dito sa palasyo” naka-ismid na sabi nya na kaagad kong tinaasan ng kilay, “Isa pang pang-mamaliit sa mga merfolks at sa mismong pinuno ng Council ay ako na mismo ang magpapa-talsik sainyo. Kanina pa sya naglalatag ng mga problema at mabuti pa nga sya ay alam nya kung ano ang mga importanteng pag-usapan. Wag mong minamaliit ang mga merfolks na syang mismong nagluklok sa posisyon mo ngayon. Lahat ay may patas na karapatan na makapag-aral at mangarap!” sabi ko sakanya at kahit na nag-iinit na ang ulo ko ay kinalma ko ang sarili ko saka marahang tinanguan si Rustan.
“Nawalan na po ng kakayahang gumamit ng mahika ang mga merfolks dahil sa matagal na panahong walang namumuno sa kaharian, marami pa ang hindi bihasa sa pag-gamit nito. Ang iba ay naging powerless mermaids na sa paglipas ng panahon..”malungkot na sabi ni Remedy, “Kung ganon ay ako ho mismo ang magtuturo sa kanila ng tamang paraan ng pag-gamit ng kanilang kapangyarihan” sabi ko sakanya at ngumiti naman sya ng matamis at parang maluluha pa, “Wala din pong kinakatakutan ang mga merfolks at hindi rin po napapatawan ng karampatang parusa ang mga nagkakasala” dagdag pa nya.
“Hindi na po problema iyon ng reyna, Remedy! Tayo mismo ang dapat na kumilos tungkol sa bagay na iyan!” bulyaw sakanya ni Napoleon, napayuko na lamang si Remedy sa narinig nyang iyon, “Kung kayo ho ang kikilos, bakit hanggang ngayon ay isa padin yan sa mga problema dito? At ano hong klaseng hustisya ang sinasabi nyo gayong kayo mismo ay hindi kinakatakutan ng mga merfolks?” sagot ko naman na nagpatigil sakanya. Matapos ang meeting na iyon ay sinabihan ko nalang sila na muli ko silang ipapatawag kapag na-plantsa ko na ang mga plano, huling umalis si Remedy kaya kaagad ko naman syang nilapitan, “Ang totoo ho ay maging ako ay hindi pa ganoon kabihasa sa pag-gamit ng sarili kong kapangyarihan, maari nyo ho ba akong turuan ng palihim? Dahil ayaw ko hong gawing bentahe iyon para malamangan nila ako.”sabi ko sakanya saka hinawakan ang mga kamay ko,
“Kamukhang-kamukha mo ang iyong ina, sa katunayan ay kaibigan ko ang iyong Lola Espher kaya masaya akong nandito ka na. Hija, ipangako mo sa akin na ibabalik mo ang katiwasayan at ganda ng Oceana ha? Nandito kami para sayo pero sana ay mag-iingat ka mula sa…”hindi na nya natuloy ang sasabihin kaya ako na ang nagsalita, “Mula ho kay Tallulah, Roselle at Napoleon. Wag po kayong mag-alala dahil gagawin ko po ang lahat sa abot ng makakaya ko ay poprotektahan ko din po kayo” nakangiting sabi ko sakanya. Napag-alaman ko din mula sakanya na apo nya si Merliah
Fast forward.