Isla’s POV
Tatlong subject lang ako ngayong araw at maaga din namang natapos ang mga ito nanghingi lang ng update yung prof namin sa dalawang subject tungkol sa thesis namin tapos yung isa naman binigyan kami ng heads-up tungkol sa isang activity ng Painting Club na gaganapin sa isang araw. Pagbo-botohan ng mga professors ang mga obra namin saka ibebenta sa isang art gallery and then yung proceeds ay mapupunta sa grupo ng mga kabataan na mahilig sa pagpipinta sa isang orphanage na matagal na ding tinutulungan ng university. Hindi na din masama at least nagawa mo na yung passion mo naging inspirasyon ka pa sa maraming bata.
Papunta na ako ngayon sa coffee shop, wala si Blue ngayon dahil kasalukuyan nyang ipina-pahinga ang paa nya dahil sa injury mula sa game kahapon ihahatid nya pa nga sana ako kanina pero sinuhulan ko nalang sya ng ferrero para manahimik na at magstay nalang sa bahay nila para din makapag-usap sila ng matagal ni Amethyst. Madalas kasi silang abala sa kanya-kanyang gawain sa school eh si Amethyst ay nasa internship sa isang tanyag na ospital sa Melbourne, Australia next year ay magtatapos na din sya habang kami naman ni Blue ay ga-graduate na this year. Nang makapag-order na ako ay umakyat ako sa second floor at naupo na sa paborito kong spot tuwing mag-isa lang ako dito, eto kasing coffee shop na to ay may book section kung saan makakabasa ka ng kung ano-ano. Naghahanap ako ng panibagong libro na babasahin hanggang sa mapadpad ang mga mata ko sa mga libro tungkol sa mermaids, ngayon ko lang napansin na may bago pala silang libro kaya iyon ang napili kong basahin nang bumalik ako sa kinauupuan ko habang hinihintay ang order ko. Maya-maya ay sumulpot na si Amarah dala ang order ko at nang makaalis sya ay saka ko lang napansin na hindi pala ako nag-iisa dito sa 2nd floor nagawi ang tingin ko sa isang pamilyar na lalake na nakaupo sa isang upuan malapit sa bintan, nakatagilid ang pwesto nya kagaya ng saakin kumbaga parang magkatapat lang kami yun nga lang separate tables kami kaya hindi nya ako napansin. Ah, naalala ko na kung san ko sya nakita! Sya yung lalakeng nakita ko nung practice game nila Blue nung nakaraan!
Let me describe him for you. Magka-height lang siguro kami, tapos maputi sya, disente ang pagkaka-ayos ng buhok at may pagka-singit. He is sporting a white long sleeve na bukas ang tatlong butones sa taas with design na nakatupi ang sleeves hanggang sa malapit sa siko, it was tucked in a black denim pants, an Sperry top sider, may hard hat sa gilid ng table nya. His eyebrows are furrowed as he stared at his laptop. Ang gwapo nya! Nagulat ako nang saglit syang mag-angat ng tingin kaya umiwas agad ako at nang makita ko sa iba na sya nakatingin ay muli ko syang pinagmasdan. Gwapo talaga sya pero lalo syang gumagwapo habang tinititigan!
Fast forward.
Pauwi na ako nang maalala kong tanungin si Amarah tungkol sa lalakeng nasa taas,
“Kilala mo ba yung lalake sa taas? Yung nagsosolo din?” tanong ko sakanya, ang kaninang gulat nyang mata ay napalitan ng pang-aasar, “Type mo ma’am? First time nya ata dito Ma’am eh ngayon ko lang din sya nakita dito sa cafe. Ganun pala mga type mo Ma’am noh yung itsura palang kaya ka nang buhayin hahaha, ano kunin ko na number nya mam?” pang-aasar sa akin ni Amarah, “Sinasabi mo dyan? Type agad? Di pwedeng concerned lang kasi mukhang iiyak na sya dun sa ginagawa nya nakakaloka ka!” sabi ko sakanya saka ako umirap na tinawanan nya lang naman, “Eto talagang si Ma’am di na mabiro pero bagay kayo nun Ma’am, jusko pag nagka-lovelife ka talagang magpapa-novena ako!” natatawa nyang sabi, “Nako ewan ko sayo baliw ka! Sige na pupunta pa ko sa mall eh bibili pa ko ng painting materials” pagpapaalam ko sakanya saka lumabas ng cafe para sumakay sa jeep papuntang mall.
Fast forward.
Hapon na nang makauwi ako nawili kasi ako sa kaka-tingin ng mga painting materials at mga sapatos sa Nike at Adidas. Inayos ko na kaagad ang mga materials ko sa kwarto pagkatapos ay bumaba na ako para kumain ng special champorado ni Lola Espher.
Sky’s POV
Nakaalis na yung babaeng kasama ko sa 2nd floor kanina. Ang ganda nya talaga. Ilang beses ko na din syang nakita pero palagi talaga syang maganda hindi nga lang nya kasama yung bestfriend nya ngayon, narinig ko din kanina mula sa isang staff na ka-close nya na Isla pala ang pangalan nya hindi ako sigurado kung may second name pa sya at kung ano ang surname nya. Nasa may hagdan ako kanina nang marinig ko ang naging usapan nila nung staff na ang pangalan ay Amarah, nagtatanong pala sya tungkol sakin siguro nawi-weirdohan o nasusungitan sakin. Natawa ako nung sabihin nyang baka daw maiyak na ako dahil sa ginagawa ko pero ang totoo nyan ay gumagawa ako ng report para sa board meeting namin bukas.
That girl is something. Her sun kissed skin looks good on her.