Blue’s POV
Nandito ako ngayon sa bahay namin nasa kwarto pa ako dahil pinag-uusapan namin ni Amethyst ang mga naging experience nya sa internship. Iba-ibang mentally challenged patients na syang na-encounter sa una daw ay talagang matatakot ka pero syempre hindi naman pwede ang ganon mga pasyente nya sila eh kailangan nila ng tulong at karagdagang pasensya at tiyaga. Mayroon daw isang pasyente sa isang psychiatric ward na napuntahan nya medyo hirap ang mga staff sa pagha-handle ng pasyente dahil hindi daw nito kinakain ang mga pagkain na isne-serve sakanya hindi rin nya iniinom ang mga pagkain nya medyo may pagka-violent din sya kaya tatlong nurse ang sabay-sabay na nag-aalaga sakanya. “Anong diagnosis mo sakanya, love?” tanong ko sa girlfriend ko, “Hindi pa kami pwede maging igay ng diagnosis, love kasi syempre wala pa naman kaming license to do that. But I think the patient is suffering from a paranoid schizophrenia, akala nya siguro lalasunin sya sa pamamagitan nung mga pagkain at inumin na ibinibigay sakanya. Hindi ko pa nababasa ang medical history ng pasyente kaya hindi ko pa masabi kung ano yung possible na naging cause ng sakit nya. “Ahh ganun pala yun doc este love. Galing-galing mo talaga kaya bagay na bagay tayo eh matalino at maganda ka habang gwapo at matalino at mabait naman ako” mayabang kong sabi sakanya kaya naman natawa sya kaagad.
Marami pa kaming napag-usapan pa kasama na don ang mga lugar na napuntahan nya sa Melbourne, hindi sya mahilig mag-upload sa social media accounts nya kaya sine-send nalang nya sakin tapos pag minsan ina-upload ko sa social media accounts ko sya lang kasi ang nagpapaganda ng accounts ko hindi din kasi ako pala-post nag-iingat ako baka madiscover ako ng mga TV networks.
“Ay oo nga pala love, diba may graduation ball kayo? May susuotin ka na?” tanong sakin ng girlfriend ko habang naglalagay sya ng mga bagong bili nyang damit sa loob ng closet nya, “Ah oo meron nga, love. May damit na ako nagpagawa na ako kaibigan ni Daddy by next week siguro mga Wednesday ready na yung damit eh Saturday pa naman yung ball.” sagot ko sakanya habang pinagmamasdan ko ang maganda nyang mukha. “Si Isla may susuotin na?” tanong ulit ni Amethyst,
“Ewan ko dun meron na ata bahala sya kaya na nya yun” sagot ko sakanya,
“Kamusta pala yung party ni Tito George? Nag-enjoy ba kayo ni Isla?” tanong nya ulit, “Nakalimutan ko pala magkwento sayo noh? Okay naman yung party medyo nagka-initan si Isla at Bethany pero hinayaan nalang namin kasi waste of time lang daw kung iisipin pa namin si Bethany hindi naman daw sya masyadong mahalaga sabi ni Isla. Tapos may pinakilala si Tito George kay Isla parang Sky ata pangalan ayun yung kinukwento ko sayo na naninitig kay Isla nung nakaraan? Ehh tapos nag-usap sila ni Isla hindi nga nila ako masyado napapansin eh puro pang-slambook naman mga tanong nya ewan ko ba hahaha.” natatawang kwento ko sakanya, “Oh ayan ah, hayaan mo na magka-lovelife si Isla malaki na sya kaya na nya sarili nya. Let her meet new people wag mo nang harangin hayaan mo nang ipack-up nya yung pagiging third wheel nya love, ilang taon na yung kaibigan mo” panga-ngaral nya sakin habang bahagya pang umiiling, “Hindi ko naman hinaharang love eh kaso syempre ayoko lang na mapunta sya sa taong hindi naman sya aalagaan” depensa ko sa sarili ko, “Haynako ewan ko sayo tigil mo ko! Hayaan mo syang magmahal at masaktan, bestfriend ka nya love and if you really care about her let her feel those feelings okay? Wag kang makulit!” sabi nya pa sakin na tinanguan ko nalang saka ako nagchange topic.
Pagkatapos ng pag-uusap namin na yun ay pumunta na ako sa garahe bitbit ang duffel bag ko dahil Friday ngayon ay doon ako matutulog kina Isla.
Fast forward.
Pagdating ko kina Isla ay pare-parehas silang nakasalampak sa sahig ginagawa ata nila yung project ni Rhythm nandito din si Aerithea ang number one enemy ko dito sa bahay nila sya din ang unang nakapansin sa akin, “Halaaaa may lumulutang na damit Isla!” sabi nya habang nakatingin sakin saka niyugyog si Isla na tinawanan lang naman sya, “Alam mo ikaw once in a blue moon ka nalang kung umuwi dito sa bahay ganyan ka pa! Dapat di ka na umuwi eh!” sagot ko sakanya na binelatan lang ako, “Ay Isla may dala akong mga chips dumaan kasi ako sa S&R kanina eh saka diba may mango graham pa tayo dyan? Meron ding matcha flavored cookies akong nabili” sabi ko kay Isla pero pati si Air ay napalingon mahilig kasi sa matcha ang isang yon. “Huy alam mo Blue, grabe welcome ka sa bahay namin anytime of the day and night. Kainin na natin yung cookies na dala mo kasi mga pagkain ngayon dapat kino-consume immediately” natawa nalang kami sa sinabi nyang yon saka nila niligpit ang mga ginamit nila para sa project ni Rhtythm at binuksan na ni Isla ang TV nila kung saan kami manonood ng netflix series or movies. Maya-maya ay nakisali na din sa amin sina Tita Eve at Tito Aldus habang si Lola Espher naman ay nagpaalam na matutulog na.
Pagkatapos ng mga series na napanood namin ay nagpasya na din kaming matulog late na din kasi eh mabuti nalang natural na sakin ang pagiging gwapo kaya hindi ko na kailangan ng tinatawag nilang beauty rest ganon din si Isla kadalasan kasi ay wala naman syang pakialam sa itsura nya palibhasa malakas ang genes ni Tita Ae halos carbon copy kasi silang mag-ina.
Isla’s POV
Maaga akong nagising kinabukasan dahil kukunin ko pa ang gown na ipinagawa ko doon sa shop ng kaibigan ni Tita Eda na kapatid ni Tita Eve at ni Mommy Ae. Tulog pa si Blue at Rhythm nang umalis ako sa bahay at siguradong pag-uwi ko ay tulog padin sila kaya hindi na ako nag-abala na gisingin pa sila. Si Air naman ay maagang umalis ng bahay dahil may pasok pa daw sya hindi ko na nga sya naabutan pagkagising ko eh. Usually kasi sa condo nya sya nags-stay kasi mas malapit yon sa TV network kung saan sya nagtatrabaho bilang news anchor, kapag naman patapos na ang linggo ay minsan nasa bahay sya or depende rin talaga sa sched nya. Ang alam ko uuwi si Rhythm sa Cavite mamaya miss na din daw nya ang mga kapatid nya na sina Jahseh at Adam. Mga anak sila ni Tita Eda at Tito Evan.
Fast forward.
Nang makuha ko na ang gown ko ay dumaan muna ako saglit sa Pancake House para bumili ng almusal namin, ayon kay Tita Eve ay umalis daw si Tito Aldus para sa isang business meeting pagkatapos ay mag golf session sya mamayang tanghali kaya daw baka hapon o gabi na ito makauwi. Nang papalabas na ako ng restaurant ay nakita ko sa may pinakadulong lamesa si Sky na ngayon naman ay nagbabasa ng dyaryo. Ang gwapo nya talaga! Bago pa sya makalingon ay lumabas na ako para sumakay ng jeep pauwi.
Ang bilis ng t***k ng puso ko partida hindi pa ako nagkakape.
Sky’s POV
Just when you thought you wouldn’t see each other again ay saka kayo pagtatagpuin ng pagkakataon. Naalala ko pa noong umuwi ako matapos ang party ni Tito George, ang totoo nyan wala naman talaga akong hilig magpunta sa mga party mas gugustuhin ko pang mag-bike buong araw kaya lang mapilit si Tatay panay din kasi ang pagmamalaki nya kay Tito George kaya pumayag na din ako. Nabanggit sa akin ni Tatay na may nag-iisang anak na babae si Tito pero hindi naman ako interesado dahil alam ko naman ang gusto nyang iparating pero nang makita ko sya doon ko nalaman na si coffee girl at ang anak ni Tito George ay iisa lang, sya si Isla. Kasama nya din ng gabing iyon ang bestfriend nya na sa pagkakatanda ko ay Blue ang pangalan, kaming dalawa ni Isla ang halos magkausap nang gabing iyon noong una sa tingin ko nabuburyo sya sa mga tanong ko dahil wala din naman akong maisip na ibang tanong. Pansin kong inoobserbahan nung si Blue ang kilos ko gayunpaman sa tingin ko wala naman syang gusto kay Isla.
Aaminin kong attracted ako kay Isla pero hindi pa ako handa para sa mga ganoong bagay marami pa akong gustong gawin sa buhay at hindi kasama sa priority ko ang pakikipag-relasyon at isa pa hindi naman ako yung tipo na pinopormahan ko kaagad yung babae kapag hindi ko naman sya ganon kakilala. It takes time. Matagal na simula noong last relationship ko highschool pa ako non hindi naman sa hindi pa ako nakaka-move on kundi ayoko pa talaga sa ngayon may mga bagay akong mas dapat unahin kaysa don darating din naman yung time na magse-settle down ako pero hindi yon mangyayare anytime soon. Kapag para sayo, para sayo.
Blue’s POV
Pagkagising ko ay nag-aayos na si Rhythm ng mga dadalhin nya pauwi sa Cavite, minsan kasi pag weekends ay umuuwi sya sa kanila. Bumangon na ako at niligpit ang hinigaan ko saka nag-sipilyo pagkatapos ay bumaba na din ako. Nadatnan ko sina Tita Eve at Lola Espher na nag-uusap sa sala. “Good morning po, Tita, Lola!” bati ko sa kanila saka kinusot ang mga mata ko, “Good morning din apo! Dumaan saglit sa mall yung kaibigan mo kasi kukunin daw nya yung gown na ipinagawa nya para sa party nyo mamayang gabi binilinan kami na wag ka nang gisingin dahil anong oras na din daw kayo natulog kagabi. Hindi na din nya kami pinagluto dahil bibili nalang daw sya ng almusal natin doon sa mall, wala din kasi ang Tito Aldus nyo at may importanteng lakad yata. Oh ayan na pala si Isla eh!” sabi ni Lola Espher saka itinuro ang kakarating lang na si Isla dala ang isang malaking paper bag na naglalaman ng pagkain na binili nya galing sa Pancake House sa kabilang kamay naman ay ang malaking bow na naglalaman ng gown nya pagkatapos ay naka-sukbit sakanya ang isang itim na shoulder bag. Kumuha na si Tita Eve ng mga kubyertos habang ako naman ay tinulungan si Isla sa mga bitbit nya.
“Kita mo yan ang dami-dami mong dala tapos nag-commute ka lang dapat kasi ginising mo ako eh baka mamaya napano ka pa nyan sa daan haynako Isla!” panenermon nya kaya naman sinubuan nya ako ng malaking hiwa ng pancake para daw manahimik na ako kaya nagtawanan sina Tita at Lola ganon din si Rhythm na kakababa lang. Pagkatapos naming mag-almusal ay nagsalita si Rhythm,
“Uwi po muna ako sa bahay dalawin ko lang po sina Mommy saka yung kambal balik nalang po ako sa Monday morning” pagpapaalam ni Rhythm, “Mag-commute ka nalang muna ngayon ha? Hindi ka kasi mahahatid ng Tito mo kasi umalis din sya eh” sabi naman sakanya ni Tita, “Ayos lang po Tita, sanay naman din po ako magcommute eh saka ayoko din pong maka-abala kay Tito” nahihiyang sagot ni Rhythm, “Kami nalang po ni Isla ang maghahatid kay Rhythm, mamayang gabi pa naman po yung graduation ball namin eh” singit ko sa usapan nila, “Aba eh sigurado ka ba dyan apo? Hindi ba makaka-abala si Rhythm sayo?” tanong ni Lola Espher, “Ayos lang naman po Lola wala naman din po akong gagawin” sagot ko. Ganun na nga ang nangyare, pagkahatid namin ni Isla kay Rhythm ay tumambay muna kami sa Evia chill-chill lang since maaga pa naman. “May kukwento ako sayo..” panimula ni Isla, nandito kami ngayon sa loob ng Starbucks, “Oh go, makikinig ako” sabi ko sakanya, “May crush ako..” nahihiya nyang sabi,
“Ah talaga? Sino? Siguraduhin mo lang na hindi fictional character yan Isla ah ayusin mo” pang-aasar ko sakanya, inirapan naman nya ko saka sumagot,
“Si ano.. Si Sky!” sagot naman nya, “Sabi ko na nga ba eh! Grabe ilang taon na tayong mag-bestfriend pero ngayon ko lang napatunayan na talagang nagkakagusto ka hahahaha kasi dati feeling ko wala ka laging pakialam eh” natatawang sabi ko pa sakanya, kumain muna sya ng cheesecake nya saka sumagot “Kala ko din wala akong pake pero iba si Sky eh. Ang gwapo nya tapos disente pa eh syempre diba before nagtry naman ako kaso kung hindi fuckboy nagkakagusto sakin minsan naman takot sa commitment hahaha. Wala gusto ko lang sya” pagkikibit-balikat nyang sagot, “Kanina crush ah ngayon gusto na. Delikado ka na, kaibigan! Gusto lang ah? Sige tignan naten” pang-aasar ko ulit sakanya “Bakit ba ngayon na nga lang ako nagkagusto eh epal ka talaga!” sagot nya sakin saka ako binelatan.
Fast forward.
Isla’s POV
Kakatapos lang akong ayusan hindi na nga sana ako magpapa-make up kaso mapilit sina Tita kaya wala na din akong nagawa. I am wearing a champagne ball gown with beadwork tapos pa-V yung cut sa likod hindi naman masyadong mababa ang neckline ko may slit den sa may left leg. Kinulot din ang buhok ko i am also wearing a silver stiletto and a silver purse. Black burberry suit paired with its black slacks and leather boots.
Pagkadating namin sa venue ay halatang pinagka-gastusan ito ng university. Silver and blue and motif ng event, medyo madami na ding tao pati mga professors ay nandito na din. Pumunta kami ni Blue sa table kung nasaan ang mga kaibigan namin. Masayang nagsimula ang event namin at heartwarming din ang speech ng Dean namin at ayon pa sa kanya mamaya daw i-aannounce kung sino ang gagraduate na may flying colors. Kalma lang naman kami ni Blue dahil hindi naman kami nag-eexpect ng kahit na ano basta eenjoyin lang namin ang gabi. Binabalikan lang namin ang mga naging pangyayari sa college life namin may mga pictures pa kami ni Blue meron ding ilan don na kasama namin si Amethyst at ang mga college friends namin inaasar ko nga si Blue nang makita ko ang ilang pictures na may ilang estudyante na nagpa-picture sakanya mapa-practice game man nila o final game. Sabi ko sakanya isusumbong ko sya kay Amethyst kaya ngayon ay halos umabot na ang nguso nya sa sahig.
Fast forward.
Nagsimula na ang sayawan.
Syempre first dance kami ni Blue dahil wala lang hahaha. Mamaya na daw nya isasayaw yung iba naming kaibigan kasi kasalukuyan pa nilang kasayaw ang mga boyfriend nila. Kung ano-ano na ang mga pinag-usapan namin ni Blue nang lumapit samin si Gomez kasunod nya sina Dela Vega, Sy at Reyes. Sabi ni Blue may gusto daw silang lahat sakin kaya tinignan ko muna sya kung mukha na basyang mangangagat nang mapansin kong okay lang naman sakanya ay isa-isa ko silang pinaunlakan ng sayaw. Humingi ng tawad si Gomez sakin talagang crush nya lang daw ako at inamin nya din na naaangasan sya kay Blue kaya ganon nalang sya mangulit habang ang iba naman ay nahihiya dahil alam ko na daw pala na may gusto sila sakin ang sabi ko naman ay hindi naman ako sigurado at isa pa wala din naman daw silang intensyon na manligaw sakin sinabi ko naman na naiintindihan ko naman yon at may iba na din akong nagugustuhan.
Naputol ang sayawan nang umakyat sa stage ang isa sa mga professor namin para i-anunsyo ang tungkol sa mga ga-graduate na may award. Tahimik kaming nakikinig ni Blue at paminsan-minsan ay pumapalakpak kapag naririnig namin ang pangalan ng mga kaibigan at kakilala namin na mabibigyan ng award. Ganon nalang din ang gulat namin ni Blue nang ang Dean na namin ang magsalita at sabihing, “Rozend Blue Adkins, BSBA - Management, Magna c*m Laude. Isla Celestine Greene, BSBA - Management, Summa c*m Laude!” hindi namin iyon inasahan ni Blue kahit pa seryoso naman kami sa pag-aaral ay may mga araw din na napapagod at tinatamad kami. Panay ang dating ng pagbati mula sa iba-ibang course at mga profesors namin. Kami din ni Blue ang tinanghal na couple of the night kahit hindi naman kami couple.
Blue’s POV
At ayun na nga double kill kaming dalawa ni Isla Celestine Mapagmahal! Laude kami parehas at couple of the night, san pa kayo? Hindi ko naman masasabing inexpect ko pero masasabi kong iba ang instinct naming mga gwapo, biro lang syempre pinaghirapan talaga namin ang mga award na binigay samin yun nga lang hindi naman namin akalain na sa dami ng mas deserving na maging Laude sa mga ka-blockmates namin ay kami pa ang nagtagumpay sa pag-abot sa mga titles na yun. Saglit kaming sumayaw ni Isla dahil ‘Couple of the Night’ daw kami kahit pa hindi naman talaga kami couple hahaha. Nagpipicturan kaming magbabarkada nang tawagin ni Dean ang isang special guest daw, eh late na ah? Bat di sya dumaan sa red carpet or kanina pa sya nandito? “Please all welcome, Engr. Frazzer Sky Dawson!” oo di kayo nagkamali ng binabasa sya nanaman! Iba talaga nagagawa ng connection sa mga panahon ngayon nang lingunin ko si Isla ay parang wala naman syang pakialam at nagfofocus lang sa kinakain nya palagay ko inaantok na sya kaya kain sya ng kain. “Huy yung crush mo oh!” sabi ko sakanya saka sya siniko ng bahagya, “Hayaan mo sya di naman ako mabubusog dyan. Bakit ba kasi wala silang kapeng sineserve dito? Kung alam ko lang sana binulsa ko na yung natitirang sachet ng 3-in-1 don sa stock ni Lola!” reklamo nya saka ngumuso, “Ikaw puro ka kape tapos kinabukasan ang hirap mo nanaman gisingin kinukupitan mo pa si Lola Espher!” sabi ko naman sakanya, “Di pa ba tayo pwedeng umuwi?” nakangusong tanong nya sakin at nang umiling ako ay uminom nalang sya ng tubig. Akmang kukuha pa ulit sya ng pagkain nang may lumapit sa amin, “May I have this dance?” tanong sa kanya ng lalakeng Sky ang pangalan, agad namang nilunok ni Isla ang natitirang tubig sa bibig nya saka marahang tumango kaya tinanguan ko nalang din ang lalake nang magawi ang tingin nya sakin.
Habang sumasayaw sila ay pinanonood ko sila i mean namin pala ni Amethyst dahil magkavideo call kami ngayon. Nang sabihin kong nandito yung crush ni Isla ay kaagad na tumawag ang girlfriend ko, “In all fairness, bagay sila love!” sabi nya sa kabilang linya habang patango-tango pa. Pinagmasdan ko sina Isla at Sky at hindi ko maitatangging tama si Amethyst. Nakapalibot ang magkabilang braso ni Isla sa leeg ni Sky na sa palagay ko ay ang lalake ang naglagay pagkatapos ay marahang nakahawak ang mga kamay ni Sky sa magkabilang bewang ni Isla konti nalang at mukha na silang magkayakap. Nakatitig lang sila sa mga mata ng isat-isa, walang nagsasalita pero paminsan-minsan ay nagngi-ngitian may isang beses pa nga na inginuso ni Sky ang gawi ko kaya natawa naman si Isla aba ah pinagchi-chismisan nyo na ako dyan! Natapos ang gabi na antok na antok si Isla gayunpaman ay masaya kami kasi nga laude kami parehas pero wala kaming balak sabihin yon sa pamilya namin para surprise sa mismong graduation day si Amethyst lang ang tanging nakakaalam. Hindi ko rin maexplain yung feeling kasi hindi naman namin to inaasahan ni Isla kasi kahit na seryoso kami sa pag-aaral minsan mas madalas pa kaming mag-chill kesa magreview kapag may exams. Kaya advice ko sa mga college students dyan choose your friends wisely hindi lang para may madali kang makopyahan o mahingian ng sagot, hindi kasi lahat ng kasama mo habang nag-uumpisa ay makakasama mo padin hanggang dulo kaya pag-isipan nyong mabuti mga desisyon nyo sa buhay. Dun tayo sa kaibigang hahayaan kang matuto at hindi ka kukunsintihin sa mga kalokohan at katamaran mo, dun tayo sa hihilahin ka pataas. Dun tayo sa subok na, sa The Generic’s Pharmacy! Oh baka akala nyo ako si Jericho Rosales ah, kahit nga sya mismo naguguluhan kasi minsan daw mas kamukha ko pa sya kesa sa sarili nya eh hays pogi problems nga naman ang dami kong kamukha ang hirap naman nito! Matutulog na ako dahil kahit gising ako naririnig ko yung bulyaw at nakikita ko din yung nandidiring mukha ni Isla kahit na gisng pa ako.