Isla’s POV
I just woke up from a good sleep when the smell of the fresh brewed coffee filled my nostrils, samahan mo pa ng kakaluto lang na pancake kaya kaagad na din akong bumangon kahit pa masyadong masarap matulog magdamag kaso naalala ko din na may pasok pa nga pala ako haynako akala ko pa naman kapag graduating ka na pwede ka na magrelax charot lang pala yun.
After brushing my teeth ay isinabit ko na sa tuktok ng ulo ko ang suklay ko and then headed downstairs afterwards. Dumiretso ako sa kusina kung saan nagkakasayahan ang lahat. By the way our household is composed of my grandma, an uncle and an aunt and my 2 cousins. I have been living here years ago after the huge fight I had with my dad and his live-in partner. Okay naman na kami ng dad ko ngayon pero masaya naman ang buhay ko dito kaya hindi na muna ako bumalik don bisi-bisita nalang and besides madalas din namang nandito si dad kaya nagkikita naman kami madalas and we are surprisingly much closer now compared before.
Saktong kadarating lang din ng bestfriend kong si Blue paniguradong makiki-almusal nanaman ang isang to. Hindi ko din alam kung kanino sya nanghiram ng kapal ng mukha pero ganyan na sya dati pa kaya nakasanayan na din naman isa pa kilala naman sya dito sa bahay parang anak na din sya ni Tita Eve at Tito Aldus minsan dito sya natutulog kapag weekends.
Nang matapos ang almusalan at pagpre-prepare ko ay pumasok na kami sa school.
As usual, we are greeted by the intriguing looks of our blockmates and schoolmates pero wala na din kaming pakialam hindi naman kasi importante samin ang opinyon nila eh basta alam namin ang totoo pati ng girlfriend ni Blue na si Amethyst. Oo guys, may girlfriend yung bestfriend ko may nagkamaling pumatol sakanya!
Nang matapos ang mga klase namin for today ay dumiretso na kami ni Blue sa favorite naming coffee shop malapit sa university. He ordered our favorite drink at kagaya ng dati ay pinagtitinginan nanaman sya ngayon ng mga babae dito sa shop minsan nga feeling ko kaya lang sila pumupunta dito para kay Blue eh mabuti na nga lang at nasa Melbourne ngayon si Amethyst kundi yari tong mga to.
Let me describe my bestfriend for you he’s tall pero di ako sure kung anong height nya siguro 6-footer sya habang ako naman ay 5”7 ata? Gwapo naman tong bestfriend ko bagay sakanya ang pagiging moreno nya. Wala na ako masyadong energy dahil drained na ako for today.
“May plano ka na ba after graduation?” tanong sakin ni Blue pagka-upo nya sa tapat ko, “Hmmm.. syempre maghahanap kaagad ng trabaho at mag-iipon gusto ko talaga kasing makarating sa Iceland eh hindi ko alam kung anong meron sa blue lagoon pero I always dream about it eh” kaswal kong sagot saka sumimsim ng kape mula sa cup ko, “If you don’t mind me asking, di mo ba ico-consider yung offer sayo ni Tito George na dun ka na magtrabaho sa kumpanya nyo? After all sayo naman talaga yun” tanong nya uli sakin saka seryoso akong tinignan habang naghihintay ng sagot ko, “Naiisip ko din naman yun syempre ayoko namang mapunta sa iba yung pinaghirapan ni Dad pero for now gusto ko muna mag-explore marami pa akong gustong matutunan bago ako magtrabaho dun samin pero darating din naman ako sa point na magse-settle ako dun no matter what it takes” sagot ko sakanya at napatango-tango naman sya, “Ikaw ba anong balak mo?” tanong ko pabalik sakanya, “Dun ako kay sa Engineering Company ni Dad baka sa management ako i-assign since hindi naman engineering ang tinapos ko. I really need to work hard to give Amethyst the future she deserves” pagkikibit-balikat na sagot nya naman, “Oo nga pala, hinihingi ni Gomez yung number mo sakin kanina pagkatapos ng game namin ang kulit din talaga ng isang yon eh noh?” naiiritang sabi nya sakin, “Gomez? Ahh yung creepy yon diba yung tourism student?” patango-tango kong sabi, “Kala mo kung sinong gwapo eh feeling nya lahat ng babae nagkakandarapa sakanya anong akala nya sa sarili nya di naman Blue pangalan nya!” nakangusong sabi nya, “Oh ayun, ang mayabang galit sa kapwa mayabang! Alam mo umuwi na nga tayo dami-dami mong sinasabi dyan!” sabi ko sakanya saka ko sya inirapan.
Nang nasa sasakyan na kami ay muli akong inusisa ni Blue, “Wala ka pang balak magboyfriend?” bigla nyang tanong sakin, “Wow ah makapag-salita kala mo di mo hinarang yung mga lalakeng gustong manligaw sakin ah. Inuwi mo pa nga yung mga chocolate eh tapos yung mga bulaklak pinamigay mo kina Tita kaya tuwang-tuwa sila sayo akala nila may flower farm ka na di nila alam di naman sayo galing yun hahaha!” natatawang sabi ko sakanya, “Hoy eh bakit sayang kaya bulaklak mahal na bentahan ng bulaklak ngayon saka hindi ka naman mahilig sa sweets kaya kinukuha ko nalang baka mamaya may gayuma pa yun niligtas lang kita syempre mabuti na yung sigurado tss ikaw talaga. Saka wala ka namang nagustuhan dun sa mga yon eh diba di ko nga alam kung anong tipo mo eh” naiiling nyang sabi. “Eh wala pa namang may seryosong intensyon eh baka sainyo palang ni Rhythm maihi na yun hahaha” sabi ko kaya nagtawanan nanaman kami.
Pagdating namin sa bahay ay kaagad akong sinalubong ni Arrow, he’s an alaskan malamute. I missed my baby.
After dinner ay nagdecide kami ni Blue na gumawa ng paborito naming mango graham since nag-crave kami at wala naman din kaming lakad bukas. Umakyat ako saglit sa kwarto para makapag-palit ng mas kumportableng damit kumuha na din ako ng extrang unan at comforter para kay Blue since may extra matress naman para kay Blue don sa kwarto ni Rhythm, nang matapos akong magbihis ay bababa na sana ako para bumalik sa kusina nang marinig ko ang pagtatalo ni Tita Eve at Tito Aldus sa kabilang kwarto, “Kelan nyo balak sabihin kay Isla ang katotohanan? Kapag sya na mismo ang may alam? Karapatan nyang malaman yung totoo dahil parte yun ng pagkatao nya!” pasigaw na sabi ni Tito Aldus, “Aldus, wala tayo sa posisyon para magsalita. Hindi tayo pwedeng makialam, hindi tayo pwedeng gumawa ng sarili nating hakbang lalo na kung magbubukas nanaman yon ng panibagong problema!” sagot naman ni Tita Eve, naguguluhan ako sa mga narinig ko pero sinabi ko na noon sa sarili ko na sa oras na malaman kong may itinatago sila sa akin ay iintindihin ko ang magiging dahilan nila. They’re my family after all.