Hindi ko ito puwedeng bitawan! Kaya naman kahit masakit ang aking braso, dahil mabigat din ito ay pinilit ko itong ingat upang makahawak sa malaking lubid na akong aking hawak-hawak. “Please! Pilitin mong humawak kahit sa dulo ng lubid,” nakikiusap na sabi ko sa babae. Mahaba ang lubid kaya puwede pa itong humawak. Nakita kong ina-ngat nito ang isang kamay at pilit na inabot ang dulong lubid. “Humawak ka ng mabuti at huwag kang bibitaw!” utos ko sa babae. Tumango naman ito sa akin pero nakikita ko sa mga mata nito ang takot. Maliksi ko namang iginalaw ang aking katawan. At pinilit kong abotin ang isang malaking sanga upang maka-akyat ako roon upang hilahin ko ang babae na nakahawak sa lubid. Nag-aalala rin ako na baka mangalay ito at makabitaw sa lubid. “Hihilahin ko ang lubid! Huwa

