PANGATLO

2211 Words
NAMUMULA sa sobrang inis ang mukha ni Sasha. Kahit labag sa loob niya ay sumama siya sa walanghiyang Daniel na ito. Ang lakas ng loob i-blackmail siya. Pero gusto niya malaman paano nito malaman ang tungkol sa bagay na iyon. Isa iyon sa pinakatatago niyang sekreto. Ang hindi malaman ng mama niya ang tungkol sa pagbabanda niya. She sighed heavily. "Paano mo nalaman?"  Pinagsalikop pa nito ang mga kamay sa ibabaw ng table. "Well I have my ways. I get you investigated."  Nanlaki ang mga mata niya. "Excuse me?"  Nagkibit-balikat ito. "According to my source, your brother died on a bar riot. Your mom lost a son because of it and you hid your identity in the bar. You join your brother band and build it again. So I therefore  conclude, hindi alam ng mama mo."  Nagtaas-baba ang dibdib niya sa inis. "Sino ka para panghimasukan ang buhay ko."  "I get what I want, Sasha. I want you to be my friend so I can have you." Malaki ang kumpeyansa na sabi nito.  Hindi makapaniwala na tinignan niya ito. "Anong tingin mo sa akin? Bagay? Hindi por que alam mo ang sekreto ko matatakot mo na ko."  "How about your mom?"  Nanliit na ang mga mata niya.  Tumayo ito at dumukwang sa kanya mula sa table. Lumapit ang mukha nito sa kanya sapat para marinig niya ang sasabihin nito. "Does it not bothered you?"  She stiffened. Pakiramdam niya ay may alam pa itong iba. "A-ano pang alam mo?" Halos pabulong na sabi niya.  "She's the mistress of Governor Jacinto in Batangas."  Halos kapusan siya ng hangin sa sinabi nito. Gusto niya sampalin ito pero alam niya na sa oras na gawin iyon ay baka magalit ito. Hindi niya ipapahamak ang nanay niya. Instead...  "She is not a mistress, Robredo. Hindi na nagsasama si Sir Greg at ang asawa niya."  "But they don't annulled, Sasha. They are still married so your mom is a mistress." Mahinang sabi ni Daniel sa kanya.  She gulped and control herself to shed a tears. Nakagat din niya ang ibabang labi. Alam niyang hindi perpekto ang pamilya niya. Pero sino ito para sabihan ng ganoong ang nanay niya. Mahal ng mama niya si Sir Greg at ganoon din ito sa mama niya. Mali siguro ang sitwasyon ng mga ito pero mahal nito ang isa't-isa. Isa pa gusto niya maging masaya ulit ang mama niya. Kaya hindi na siya tumutol mula kasi nang mawala ang kapatid ay halos nawalan na ito ng gana mabuhay. Ngayon, si Sir Greg ang nagbibigay ng lakas rito.  And if they love each other, sino siya para tumutol?  "Bastard." Wala sa loob na naiusal niya.  "I have been called worst than that, Sasha. Sanay na ko pero..." He trailed off and shrugged his shoulders. "Anyway, your secrets are safe as long as you're good to me."  "I hate you!" she muttered and closed her fist under the table. Kung hindi lang siya takot na baka ipagkalat nito ang nalaman sa kanya ay baka kanina pa niya sinaktan ito. She wants to punch him right at his face.  Ngumiti lang ito sa kanya. Samantalang hindi niya tinatantanan ito ng masamang tingin. Kung bubulagta nga lang ito ngayon ay baka nangyari na. "And one more thing, ipasok mo ko sa banda n'yo."  "No way!" She hissed. Nagkibit-balikat ito. "Okay, I'll have my ways again."  Hindi na niya napigilan at naihampas ang kamay sa table. Napatayo siya sa sobrang inis. Mukhang hindi ito nagulat sa reaksyon niya. Sumandal lang ito sa upuan at tinignan siya.   Nang mahimasmasan ay nilingon niya ang paligid. Nakaagaw na siya nang atensyon ng ibang tao roon.  Mabilis na bumalik siya sa pagkakaupo at mariin na tinignan ito. Ayaw niya pag-chismisan kaya pinilit niya kalmahin ang sarili.  "Sumosobra ka na, Daniel. Ano bang gusto mo sa'kin? Hindi ko naniniwalang friendship lang ang gusto mo." Mariin ang bawat salitang sabi niya.  "I told you, be your friend and be part of Red Tag."  She sighed and calmed her nerves. This time, she need to really calm down.  "Hindi ako ang magdedesisyon ng bagay na 'yan. Ask them kung magustuhan ka nila." Gigil na sabi niya.  Nang dumating ang order nito ay kumain ito na parang walang nangyari. Hindi niya ginalaw iyon dahil baka sumakit ang tiyan niya. Pera pa mandin ng hambog na ito ang pinambayad kanina. Nang hindi makatiis ay tumayo na siya. Dinampot na ang bag at akmang lalayasan ito nang magsalita ito.  "Hindi mo ginalaw ang food mo?"  Masama ang tingin na nilingon niya ito. "No thank you. Puwede na ba kong umalis?" Tila nagpapaalam pa siya sa lalaking ito.  Lumabi ito. "You're rude, kumakain pa ko tapos aalisan mo ko agad. What are we friends are right?"  "Wala ka naman ng sasabihin eh." Nagtitimpi ng sabi niya.  Matagal na tumitig ito sa kanya, kapagkuwan ay bumuntong-hininga. Pumayag din ito na umalis siya kaya mabilis na lumabas siya ng cafeteria. She hated Daniel for doing this to her. Pakiramdam niya ay di numero na ang bawat galaw niya. Mabilis na pumasok siya sa restroom at nagkulong sa isang cubicle. Ang kaninang mga pinipigilan na emosyon ay naiyak niya. God, she hate him so much. She hope Daniel Robredo rot in hell!  **** DANIEL stared at Sasha's back as she stormed out to the cafeteria. Pati siya ay nawalan ng gana nang makita ang pamumula ng mga mata nito. Alam niyang paiyak na ito pero pinipigilan lang. Hindi naman talaga niya balak ipagsabi ang mga nalaman. He was not that type of person, pero hindi niya alam kung paano kukunin ang atensyon nito. Masyado itong ilag sa kanya.  He sighed again at lumabas na ng cafeteria. Hinanap niya ang cellphone at di-nial ang number ni Dunhill. In all his friend, ito ang matino kausap pagdating sa mga seryosong bagay. Seryoso naman si Wade pero minsan ay hindi rin niya gusto ang tabas ng dila nito. Same with Kerkie. Hindi rin siya mabibigyan nito ng matinong advice. Dunhill is the best for it. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan nito kaya siguro ganoon din ito ka-seryoso. Hindi rin madali para dito malaman ang totoong pagkatao. He is the heir of multi-dollar group of companies based here in the Philippines. He has an empire to be exact, kaya nga malapit ang lolo nito sa pamilya niya. Halos lahat yata ng malalaking kompanya sa bansa ay shareholders ang pamilya nito. Milyones ang halaga ng ngiti nito.  "Let's talk, Dunhill. Kailangan ko ng matinong payo." sabi niya sa kaibigan at pumunta ng parking lot para kunin ang big bike niya. Kababalik lang nito mula sa States para patuloy na baguhin ang sarili. He is the exact epitome of ragged to riches type of. Kaya kahit nang una niyang makilala ito ilang taon na rin ang nakakalipas ay alam niyang sobra din ang pinagdaanan nito sa buhay. Close sila pero pansin niyang iba ang closeness nito kay Wade. Mukhang nauna pa ngang kaibigan nito si Wade kaysa sa kanya. Hindi niya alam ang eksaktong kuwento pero base sa lolo nito kailangan ni Dunhill ng matinding pasensiya. Hindi kasi ito tulad nina Wade at Kerkie, madalas itong seryoso at walang pakialam.  Pinarada niya ang sasakyan sa parking lot ng building nina Dunhill. Mabilis na pinuntahan niya ito sa penthouse nito. As usual, malinis din tulad ng unit ni Kerkie.  "Para saan naman, Daniel." ani ng kaibigan at inabot ang bote ng SanMig sa kanya. "I'm blackmailing someone to get what I want, am I too much?" Naitanong niya. He got Sasha investigated. Siguro nga wala siyang karapatan pero na-curious kasi siya kung bakit tila may dalawang pagkatao ito. Hindi naman nito gagawin iyon kung wala itong tinatago kaya inalam niya. Hindi lang niya akalain na malalaman din niya ang tungkol sa affair ng ina nito. Para sa kanya, kapag kabit, kabit talaga lalo na't buhay ang asawa noong lalaki. Hindi hiwalay na legal kaya nakasisira pa rin ng pamilya. Unlike Kerkie's Dad, atleast his wife died before remarrying Kerkie's stepmom. Wala nang masasagasan na pamilya.  He took a deep breath. He hates mistresses! Because his Dad had one while married to her mom. Katago-tago lang iyon sa ibang tao dahil sa imahe ng pamilya nila pero nabubulok ang relasyon ng mga ito.  Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. "You always do that, Daniel. Did your conscience hitting you now?"  Nagkibit-balikat siya. Sa bagay, ilang beses na nga ba siya gumawa ng bagay na minanipula niya ang mga gusto niya. Pero ni isa sa mga ito ay hindi siya nakonsensiya. "I don't know, pero hindi ako kumportable sa ginawa ko. Nakasakit ako." Umiling ito at may maliit na ngiti sa labi. Nagulat siya pero sinawalang-bahala na lang niya.  "Babae 'yan ano?"  "Am I stupid, ain't I?" Bumalik ang mukha nitong seryoso. "We did stupid things to get what we want, Daniel. Huwag ka magpapalinlang sa feelings mo. I've been there and it f**k me up." Minsan hindi niya maintindihan kung saan ito nanggagaling pero alam niyang nasaktan ito. Sa paraan nang pagtingin nito sa malayo ay ramdam niyang may lihim itong galit. He had enough in f**k up life already. Dunhill is so twisted.  "If hurting someone on the process is part of getting what you want. Kailangan mo lunukin ang konsensiya mo. Hindi ka tutulungan n'yan makuha ang gusto mo." He has a point. Well, Dunhill always has a point. Hindi talaga siya nagkamali na kausapin ito.  He sighed at tinungga ang binigay na SanMig nito. "First time ito huh?" imik nito ulit.  "Tao pa pala ko," natatawa niyang sabi. Minsan kasi wala siyang pakialam kung sino ang masasagasaan niya o masasaktan. As long as he get all what he wanted. Siya nga yata ang madalas mapagpaiyak ng babae sa kanila nina Wade at Kerkie.  "You're an asshole but still a good man, Daniel."  Manghang tinignan niya ito. "Is that a praise?" Nagkibit-balikat lang ito.  "When will you going back to States?" sa halip ay tanong na lang niya.  "Next week, alam mo naman ang matandang 'yon." Ang tinutukoy nito ay ang lolo nito. Siguro ay nape-pressured na ito sa mga naka-atang sa balikat nito. He got the named and power to conquer everything.  "You will inherited all of this. Gusto ng lolo mo masanay ka na para naman makapagpahinga na siya."  He sighed. "I'll get all the possible help I can get for you and the two."  Tinapik niya sa balikat ito.  "You always got us back, Dunhill. Kahit saan."  Tumango ito.  Tinungga niya ang iniinom at inisip kung ano pa ang gagawin. Nandoon naman na siya kaya lulubos-lubusin na niya. He will have the sports car of Andy by all means, including using Sasha. At magiging parte siya ng banda nito. Siguro nga bored lang siya pero it is his childhood dream to played guitar in front of the crowd.  ****** NANG makauwe ay dumeretso na si Sasha sa silid niya at dinukdok ang mukha sa unan. Ngayon lang siya nainis nang ganoon sa isang tao. Daniel was a despicable person. She hated him to the bone. Pero wala siyang choice sa ngayon. He know something about her and her mom. Kailangan niya protektahan ito.  Obviously, he threatened her. Ayaw niya malaman ng ina ang sekreto niya at ganoon rin ito. Hindi niya kayang makita na hamakin ito ng ibang tao. She called Noah. Hindi naman nagtagal at sinagot nito ang tawag niya. "Kuya Noah? Tingin mo puwede pa tayo magpasok ng isang miyembro?"  "Yes. May mai-rekomenda ka ba? You do the singing and drum, Sasha. It think that is too much for you. You like singing more than playing drums."  Tama ito.  She took a deep breath. Pakiramdam niya ay mas mai-stress siya sa lalaking iyon kaysa sa studies niya. "Oo sana. Sabihan kita kung kailan."  He chuckled on the other line. "Sure, bunso." "Salamat, kuya." Napabalikwas siya nang makita ang tawag ni Vivian. Nagpaalam na siya at sinagot naman ito. Hindi pala siya nakapagpaalam na umuwe na. "Sorry, Viv. Hindi kita masasamahan bilhan ng gift ang pinsan mo. Nasa bahay na ko ngayon."  Peste kasing Daniel iyon. Nakalimutan tuloy niya na kailangan samahan ang kaibigan. "Bawi ako next time. Promise." Nang maputol ang tawag ay lumabas siya ng kuwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Natigilan siya nang makita ang boyfriend ng mommy niya sa patio. Busy ito sa paghithit ng sigarilyo nito. Nagkatinginan sila. "Tito Greg, nandito po pala kayo. Si Mommy po?" Tanong niya para hindi maging bastos dito. Wala naman sana siyang balak pansin ito kung hindi lang siya nakita.  "Namalengke sandali. Maaga ka yata umuwe ngayon, Sasha?"  "Sumama po kasi ang pakiramdam ko." Sagot niya at dumeretso na sa kusina. Kumuha siya nang inumin.  "Dapat ay magpahinga ka."  Nagulat siya nang marinig ang boses nito. Binaba niya ang baso at nilingon ito. Nasa bungad ito ng pinto at tila pinagmamasdan ang mga kilos niya.  Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumportable dito.  "Sige po, babalik na ko sa kuwarto ko."  Dahil sa kipot ng daan ay nabangga niya ito sa braso. Nangilabot siya sa pagdaiti ng balat nito sa kanya. Nagmamadali na bumalik siya sa silid at ni-lock ang pinto.  She took a deep breath and looked at the ceiling. Sana ay bumalik na agad ang ina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD