Naghahanda ang lahat sa paparating na pagdiriwang na magaganap. kaarawan ng isang batang prinsesa na si Laurella Acoste. masayang-masaya at balisa ang lahat sa mga ginagawa. Naglalagay ng dekorasyon dito, naglalagay ng palamuti roon. May mga nagluluto, nag-aayos ng upuan at mesa. Mamayang gabi ito magsisimula. Sobrang saya ng lahat lalo na ang batang si laurella. Marahang sinusuklay ni hannah ang buhok ng anak habang silang dalawa ay nakaharap sa kulay dilaw na salamin. "mama! hindi na ako makapaghintay mamaya!" masayang sabi nito bago pumalakpak. Natawa si hannah. "maging ako rin, anak ko" nakangiting aniya habang marahang sinusuklay nito ang kulay kayumanggi'ng buhok ng anak. Matapos niyang suklayan ang anak ay tinali na niya ang buhok nito, pagkatapos ay humarap ito sa kan

