Chapter 5

1825 Words
Chapter 5 HINDING-hindi ako makikipag-date sa antipakong lalaking iyon! Oo nga't guwapo siya, matikas at may appeal. Nakakapanghina ng tuhod ang presensiya niya, pero hindi pa rin ako makikipag-date sa kanya nang ganun-ganun lang. Ano siya, sinusuwerte? He's not even my boyfriend. Nagpagulong-gulong ako sa kama. Hindi ko lubos maisip na ang isang tulad ko ay niyayang mag-date ng Dela Vega na iyon. Wala naman siyang mapapala sa 'kin. He cannot even brag about me as his date. I'm just plain girl and a nobody. Ano na lang ang sasabihin ng mga fangirls niya kung sakaling makita nila kaming magkasama? "Is that Sid of Zero Degree?" "Oh my God! Ang suwerte natin! Magpa-picture tayo, dali!" "Wait lang, sino 'yang kasama niya?" "Err-- I think she's his personal maid." "I agree. Look at her, she looks like a trash. Napaka-cheap tingnan ng itsura niya. Look at her dress, parang galing sa ukay. Ewww!" "NO WAY!" Ipinilig ko ang aking ulo. Bakit ko naman naisip iyon? There's no way I would let myself get humiliated just because of that arrogant. Guwapo na sana siya at magaling kumanta pero napaka-arogante niya. Akala niya ba kagaya ako ng mga babaeng parang binudburan ng asin sa tuwing nakikita siya? Puwes, siya ang una kong bubudburan ng asin! Pero paano kung sisingilin nga niya ang org ng talent fee niya? Napakawala niyang puso. Ang yaman naman niya para pakialaman pa ang ticket sales. Kaya siguro kahit ilang presidente na ang dumaan sa Pilipinas, hindi pa rin ito umuunlad, kasi 'yung mga tao mismo mga kurap. People always wanted the benefits out of everything. Nagngitngit ang kalooban ko. Sana pala tumanggi ako nang todo kanina. Tama si Marga. Maling mag-entertain ako ng ibang lalaki gayong may Ronald na ako. Bumuntonghininga ako. It's really hard to be me. Pinilit kong makatulog pero ayaw akong dalawin ng antok. Nakipagtitigan ako sa kisame. I hate this feeling. Pakiramdam ko kinukutya ako ng mga butiki nang palihim. My phone beeped. Kinuha ko iyon sa ibabaw ng lamesita. When I opened it, an unregistered number appeared. You don't have the option to say no. Be ready. See you tomorrow. Muntik ko nang maibato ang cellphone ko. Pakiramdam ko'y umakyat lahat ng dugo sa aking katawan papunta sa ulo ko. What on earth did he just say? At paano niya nalaman ang number ko? Pabagsak akong humiga pabalik sa kama habang hawak ang cellphone. Agad akong nagtipa ng reply. Be ready your face! Gigil kong pinindot ang send button. May ideya na ako kung kanino nanggaling ang mensahe ngunit ayaw ko lang tanggapin sa sarili ko. How I hate his guts. Sana ma-realize niya na hindi ako interesado sa kanya. Style niyang bulok! Hindi uubra sa'kin 'yon! I was halted when my phone rang. Naka-full volume pa naman kaya napapiksi ako sa gulat. An unregistered number is calling. Agad kong dinampot ang cellphone mula sa kama. "Paano mo nalaman ang number ko, ha? Puwede ba, tigilan mo ako? Hindi ako makikipag-date sa 'yo! Hindi kita bet!" singhal ko sa kanya. I heard him grunt from the other line. Kahit hindi niya ako nakikita ay kusang tumaas ang kilay ko. He probably did not expect a rejection from me. Believe me, an honest rejection is too way better than false promises. Dapat matuto siya kung saan siya lulugar. At hindi ko siya bibigyan ng lugar dito sa puso ko. "When I said I will collect half of the tickets sales, I mean it, my lady." Cool na cool pa siya habang sinasabi iyon. Ang kapal talaga ng mukha niya! "Go! Puntahan mo na si Elza ngayon din at singilin. Bahala ka sa buhay mo! Hindi ako makikipag-date sa'yo kahit kunin mo pa lahat ng kita, sa'yo na 'yon! Saksak mo sa baga mo!" Agad ko siyang binabaan ng tawag. Akala naman niya masisindak niya ako. Let's see if you can stand with your words, Dela Vega. Akala naman niya gano'n kadali ang gusto niyang mangyari. As if naman papayag si Elza. Muling nag-ring ang cellphone ko. Hindi ko iyon pinansin. Tumigil din naman iyon kaagad. Ngunit wala pang limang segundo ay muling nag-ring. Dinampot ko ang cellphone. "Ang tigas din talaga ng ulo mo, 'no? Hondi ka ba nakakakaintindi ng ayoko? O, gusto mo pang ingles?" "I don't take no for an answer, my lady." Kinilabutan ako. "Wala akong pakialam! I said, no! Take it or leave it---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi. "You wouldn't want to compromise your scholarship, right?" "W--what are you saying?" nauutal kong tugon. "Just say, yes, my lady. I'm not gonna sabotage your scholarship," tila naiinip niyang sagot. Nagpanting ang tainga ko. And I swear, gusto ko siyang balatan nang buhay! "Are you threatening me, Isidoro?!" gigil ko. Bigla siyang nanahimik sa kabilang linya. Wala na ba? Tiningnan ko ang screen ng cellphone, hindi pa naman napuputol ang tawag. "Hoy, Isidoro!" bulyaw ko. I heard his heavy breath. "I didn't know you'll sound that hot while screaming my full name, my lady." Ako naman ang biglang nanahimik. I can feel my cheeks burned red. Did I just call his name? Parang gusto ko na lang lumubog ngayon kahit hindi niya ako nakikita. Stupid, Serenity! "S--shut up! Will you?" Sa wakas ay nasabi ko. My heart beat fast when I heard him laughed from the other line. Kinapa ko ang aking dibdib. Bakit ang sarap sa pandinig ng halakhak niya? His image flashed my mind. Umiling-iling ako. This is not good for my heart. Pagkatapos ng ilang segundo ay tumigil din siya sa katatawa. Nakahinga ako nang maluwag. "Why were you stuttering? Do I have an effect on you, my lady? Well, I can't blame you. Don't worry, it's perfectly fine with me." "Don't flatter yourself too much!" "Do I?" "Yes, you do." Sumimangot ako. "Don't stop yourself, my lady. Doon din naman tayo patungo." "What are you talking about?" "Nothing. I'll see you tomorrow. Don't make any excuse, I have a copy of your schedule. No Saturday classes. Sleep now, my lady. Good night." "Ayoko nga kasi---" Napanganga ako nang maputol ang tawag. Bumuga ako nang malalim na hininga. Ilang segundo pa'y muling nag-ring ang cellphone ko. "Ang lakas din naman ng apog mo, 'no? Sinabi nang ayoko makipag-date sa 'yo! Hindi mo ba 'yon, narinig?" dire-diretso kong singhal sa kanya. I was almost catching my breath in annoyance. Ngunit biglang nayanig ang mundo ko nang marinig ang boses sa kabilang linya. "Mahal?" Nanlaki ang mga mata ko. Agad kong tiningnan ang screen. My gasp filled the room. "R--Ronald?" "Sinong kaaway mo? At bakit busy kanina ang numero mo?" "Ha?" Napuno ng kaba ang aking dibdib. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin ko. Nakagat ko ang aking pang-ibabang labi. "Kasi..." "May kausap ka ba?" "Ha? Ano kasi... ahm... Stalker yata 'yon, hindi ko rin kilala. Magpapalit na nga ako ng numero." Narinig ko ang pag-buntonghininga niya. "Is that so? Kung gano'n mag-iingat ka, 'wag kang masyadong lumabas sa apartment mo kung walang pumasok." Sumang-ayon ako sa kanya. Mabuti na lang at agad siyang naniwala sa sinabi ko. Ayaw ko ng ganitong pakiramdam. I wasn't like this before. I never lied to Ronald but... I sighed. Pagkatapos naming mag-usap ni Ronald ay nahiga na ako at pinilit ang sarili kong makatulog. ... HINDI pa man tumitilaok ang mga manok ay gising na ako kinabukasan. Balak kong lumayo muna ngayon para makaiwas kay Dela Vega. Ipapakita ko sa kanya na wala siyang mapapala sa 'kin. Naglinis muna ako ng apartment. Kasama ito sa binabayaran ng eskuwelahan. Mayroon akong monthly stipend kaya hindi na ako nanghihingi sa parents ko sa probinsya. Naligo ako pagkatapos kong maglinis. Nagsuot lang ako ng fitted jeans at plain V-neck na T-shirt. Hapit din ito sa katawan ko. Nag-abang ako ng dyip papuntang eskuwelahan. Kahit walang pasok ang mga undergraduate students ay bukas pa rin naman ang mga library. May mga pumapasok kasing nagma-masteral na mga estudyante tuwing Sabado. Eksaktong alas otso nang makarating ako ng eskuwelahan. Pagkapasok ko sa library ay pumuwesto ako sa pinakadulo at sumalampak sa sahig. Sinimulan kong basahin ang librong nakuha ko. May fiction books din kasing naka-display sa loob ng library. Mostly ay mga donation ng alumni na naging manunulat. When the Sky Cries by GreatFairy Napangiti ako nang mabasa ang pamagat ng libro. GreatFairy is one of my favorite writers. Hanggang ngayon pilit ko pa ring tinutuklas ang pinaghuhugutan niya ng kuwento. I leaned against the wall comfortably and started reading the book. Reading is travelling. Nahatak ako ng libro papasok kaya hindi ko napansin ang oras. I also turned off phone my phone so no one could disturb me especially that guy. It was past three in the afternoon when I felt my stomach craved for food. Saktong natapos ko ang 889-pages na libro. Nag-inat ako at tumayo. Ngumiti ako sa librarian. Marahil ay napansin niyang ibinalik ko ang libro sa shelf' Lumabas na ako ng library saka dire-diretsong lumabas ng university. Sumakay ako ng dyip at nagtungo sa mall. Pumasok ako sa McDonald's at umorder ng pagkain. I don't mind eating alone. Hindi naman kasi ako mapili, isa pa, 'pag ako gutom, walang makapipigil sa 'kin sa pagkain. Pagkatapos kong kumain ay nagtungo ako sa sinehan. Mabuti na lang pala at binigyan ako ni Elza ng 500 pesos worth of movie tickets. Bilang pasasalamat niya raw sa effort na ginawa ko para sa org. I chose to watch a romantic-comedy movie. Sa totoo lang, maganda rin iyong mapag-isa ka paminsan-minsan. Mas marami kang nagagawa. Hindi ko pa rin binubuksan ang phone ko. Pasado alas sais na nang matapos ang pelikula. I felt satisfied. I was laughing from the beginning of the movie until the end. Nagulat ako nang pagkalabas ko ng mall ay malakas pala ang buhos ng ulan. Mabuti na lang at sa mismong tapat ng mall dumadaan ang dyip papunta sa'min kaya hindi ako nabasa. Siguro naman ay natauhan na ang damuhong iyon pagkatapos ko siyang takasan sa date niya. Hindi ako natatakot sa kanya. I am confident na hindi mawawala ang scholarship ko, consistent ang mga grado ko sa bawat semester. "Sa tabi lang ho!" Pagkatigil ng dyip ay bumaba agad ako. Wala akong dalang payong kaya tatakbuhin ko na lang ang apartment. But I failed to do what I was supposed to do. Napanganga ako nang makitang may nakaparadang kotse sa tapat ng apartment. Tila sinagasaan ang puso ko nang mga oras na iyon. Nag-init ang mga sulok ng aking mga mata. Hindi ko man lang nagawang ibuka ang aking mga bibig. He was staring at me intently. Kahit basang-basa siya dulot ng ulan ay nakita ko pa rin ang pagliwanag ng kanyang mukha nang magtagpo ang aming mga mata. He was shaking while leaning against his car. He was holding a bunch of roses. "You're here..." Hindi ako sigurado kung tama ang pagkakarinig ko. "S--Sid..." I murmured. ... ©GREATFAIRY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD