CHAPTER 43 URZIEL POV Masaya ako sa tuwing kasama ko si Jo Ann. Pakiramdam ko sa tuwing kasama ko siya humihinto ang mundo namin na parang kami lang ang tao sa paligid. Hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing nag-aasaran kami at palitan ng mga salitang halos puro kalokohan lang. Habang nag-aasaran kami bigla na lamang tumunog ang cp niya. Akala ko sa pag-uusap nila ay normal lamang na kamustahan. Laking gulat ko ng bigla ko nalang narinig ang hagulgol ni Jo Ann na nahihirapan. Narinig ko pa ang kanilang pag-uusap dahil katabi ko lamang si Jo Ann. Nakikinig lamang ako sakanila pero unti-unting bumubuo ng plano sa aking isipan. “Karen, wag kang magsalita ng ganyan… wag mong ikumpara ang sarili mo sa iba. Kasi para sa akin, ikaw ang pinaka mahalagang tao sa buhay ko. Kahit anong sakit, k

