CHAPTER 20 THIRD PERSON POV Maaga nagising si Urziel kinabukasan. Kahit halos hindi siya nakatulog kagabi dahil sa walang humpay na “rounds” nila ni Jo Ann, ewan ba niya ang gaan ng pakiramdam niya ngayon. Parang iba ang enerhiya niya. Siguro dahil sa katabing tulog na babae na, kahit laspag kagabi, ang ganda pa rin tingnan habang nakayakap sa unan. Napangiti siya habang tinititigan si Jo Ann. Pawisan pa ang buhok nito, nakakunot ang ilong habang parang batang nananaginip, at minsan ay mumunting ungol ang lumalabas sa labi niya. “Tangina… ang cute pa rin kahit kagabi puro mura at reklamo lang ang alam,” bulong niya sa sarili bago siya dahan-dahang bumangon. Lumabas siya ng kwarto at diretso sa kusina. Nagdesisyon siyang magluto ng agahan. Habang nagpuputol siya ng bawang at itlog, hind

