CHAPTER 12 THIRD PERSON POV Sa loob lamang ng isang araw, hindi makapaniwala si Urziel na muling sumikat at bumalik sa glory days ang restaurant ni Urziel. Parang milagro. Mula sa halos walang customer ilang linggo lang ang nakalipas, ngayon ay dagsa na ang mga tao may pila sa labas, waiting list para sa VIP section, at halos lahat ng mesa puno. “Two hundred eighty thousand pesos, Sir,” sabi ng cashier habang ibinibigay kay Urziel ang summary report ng benta. “Hindi pa kasama d’yan ang mga advance booking para bukas.” Napangiti si Urziel, hindi lang dahil sa kita, kundi dahil alam niyang ang dahilan ng lahat ng ito ay ang babaeng ngayon ay nakatayo sa kusina, abala at nakangiti habang inuutusan ang mga kitchen staff. Si Jo Ann. Walang formal diploma. Walang culinary certificate. Pero

