CHAPTER 47 JO ANN POV Pagkababa namin ni Urziel sa Legazpi International Airport ramdam ko agad ang pananabik na muling makatuntong sa lugar kong saan ako lumaki. Sa wakas nandito na ako. "Karen at Tatay, andito na ako." bulong ko sa sarili. Malapit ko na kayo muli makita at mayakap. Miss na miss ko na po kayo. Magkahawak kamay kaming naglakad palabas sa airport. Dala niya ang ilang bagahe namin na sapat lang para manatili kami sa aming probinsya. Pagdating namin sa sakayan papuntang Bulan ay nag aalangan pa akong tingnan si Urziel. Hindi ko kasi alam kong okay lang sa kanya na sumakay kami sa ganitong pampasaherong sasakyan na maghahatid sa amin sa lugar kong na saan ang aming probinsya. "Mr. U, kasi ano, kasi..." "Babe, say it, ano ba 'yun?" tanong niya sa akin. "Sure ka ba na ok

