CHAPTER 35 Kaen POV Pagkatapos kong makita kung paano siya hinalikan ni Urziel kanina sa harap ko pa mismo, parang may sumabog na apoy sa dibdib ko. Ang sakit. Ang init. Ang selos. At ang galit. Kaya imbes na umuwi, dumiretso ako sa isang bar sa BGC paborito naming tambayan ni Fred. Pagpasok ko, agad akong sinalubong ng amoy ng alak, halakhakan, at tunog ng malakas na music. May mga nagkakantahan, may mga sumasayaw, at may mga halatang lasing na. Doon, sa pinakadulo ng VIP area, nakita ko si Fred nakasandal sa sofa, may dalawang babae na halos nakapatong na sa kanya. “Bro!” sigaw niya pagkakita sa akin, nakangisi habang nilalaro ang buhok ng isa sa mga babae. “Ayun! Akala ko hindi ka na pupunta. Come here, sit down, enjoy the night!” Lumapit ako, mabigat ang bawat hakbang. Walang sabi

