10: Elsa
-
Kinagabihan ay hindi ko alam kung paano pa ako makakatulog, sa mga nangyari at sinabi kanina ni Andrew ay naging paulit-ulit iyon sa utak ko. Tila ba sa nagdaang oras ay iyon at iyon na lang ang naririnig ko.
Wala ako sa sarili, maigi ko pang ina-analyze hanggang ngayon ang huling salitang binitawan niya. What does he mean by that? Ibig bang sabihin ay may parte pa rin sa puso ni Andrew ang umaasa na magkakabalikan kami?
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi kanina, namalayan ko na lang na natutulala ako. Hindi pa maiwasan na may umalpas sa puso na mumunting saya sa katotohanan na may pag-asa pa kahit papaano.
Ngunit kung ganoon nga, paano si Jinky? Sino sa amin ang mas nakaiintindi? Alam ko na malawak din ang pang-unawa ni Jinky, pero hanggang saan ang kaya niyang intindihin? Kung sabagay, hindi ko pa pala nasabi sa kaniya ang tungkol sa amin ni Andrew.
Huminga ako nang malalim, bago nagdilat ng mga mata. Bumungad sa akin ang coat ni Andrew na naka-hanger at nakasabit sa gilid ng sala, pinapatuyo ko iyon dahil medyo nabasa kanina ng ulan.
Wala sa sarili nang mapatitig ako roon, kapagkuwan ay napangiti. Hindi hamak na siya nga iyong lalaking minsan kong minahal noon, iyong lalaking caring at responsable na dahil kung bakit din ako nahulog sa kaniya noon.
Marami akong rason noong minahal ko si Andrew, bukod pa sa napakabuti niyang tao ay wala na akong mahihiling pa. Bukal sa puso rin akong tinanggap ng magulang nito, kamag-anak at mga kaibigan niya.
Wala akong masabi noon kung 'di pasasalamat na nakilala ko si Andrew. Minsan kong naramdaman na he's too much for me, saka ko natanto na iyong mga kulang sa pagkatao ko ay siya ang bumuo.
Simula nang magkamalay ako ay wala na akong nakagisnang magulang, wala akong naabutang ina at ama dahil maaga rin silang nawala sa buhay ko. Ang nagpalaki sa akin at tumayong magulang ko na rin ay si Nanay Hilda, ang bunsong kapatid ng biological mother ko.
Sa kadahilanan pang hindi sila magkaanak ng asawa niya ay wala akong naging kapatid, wala akong naturingang kalaro at kaibigan noon. Pinagkaitan ako ng pagmamahal sa totoo kong magulang, pero pinunan iyon sa pamamagitan ni Andrew.
Kaya isang beses ay nasabi kong hindi ko kayang mawala sa akin si Andrew, pakiramdam ko kasi ay ikamamatay ko. Ngunit nagkamali ako dahil habang nasa piling niya ako ay doon ko mas nararamdaman ang unti-unting paghihingalo ng buhay ko.
Iyon ang naging rason ko kung bakit mas pinili kong sumama sa iba at magpakalayu-layo habang ginagamot ang sarili. Ang dami nang nagawa ni Andrew, iyong tipong ayoko nang dagdagan pa ang iisipin at problema niya kung kaya ay nagdesisyon akong iwan siya.
Saka ko na-realize na ang laki ng naging pagkakamali ko sa desisyon kong iyon, ang tanga ko para hindi isipin ang magiging kahihinatnan naming dalawa. Literal na nabulag ako sa perang ipanggagamot sa akin.
Ang buhay dati ay hindi pa naman ganoong karangya, sapat nang masasabi kong nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Ganoon din ang pamilya ni Andrew, kaya naisip ko na gumamit ng ibang tao.
Napaismid ako sa mga alaalang nagsusumiksik sa utak ko. Ang ganid ko 'di ba? Ang kapal ng mukha ko, pero ganoon talaga. Lahat naman talaga ng pagsisisi ay palaging nasa huli— ganoon siya katangkad
Huminga ako nang malalim at saka muling pumikit, sa pagkakataong iyon ay tuluyan din akong nakatulog. Kinabukasan nang halos pupungas-pungas ako, nakaligo na ako at nakakain ay tamad na tamad pa rin ako.
Alas tres na yata ako nakatulog kagabi kung kaya ay damang-dama ko ang antok ngayon, sa biyahe pa patungo sa Dela Vega Publishing House ay nakatulog ako. Hindi ko na napansin ang oras, maging kung nasaan na ako.
Mabuti na lang din at nagawa kong magising bago pa man lumagpas ang bus na sinasakyan ko sa bus station. Nang makababa ay kaagad na humampas sa mukha ko ang malakas na hangin, sa magdamag na pag-ulan kagabi ay naging malamig ang simoy ng hangin.
Wala rin ang araw na dapat ay kanina pang kumakaway sa kalangitan, pati ang kalsada ay nananatiling basa. Naging kibit ang balikat ko, bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makapasok ako sa lobby ng pub house.
Dere-deretso ang paglalakad ko, hindi pa nagtagal nang makatuntong ako sa 10th floor at mabilis na nakapasok ng department. Naabutan ko pa Jinky sa station nito na siyang nagsisimula na sa kaniyang tambak na trabaho.
Nagawa ko pang hilain ang swivel chair na kinauupuan nito dahilan para magulantang ang mundo niya. Naging impit ang pagsigaw nito at halos ibato sa akin ang hawak niyang keyboard at mouse.
"Hello, ka-Marites ko, anong latest ngayon?" bungad ko, bago pa man ako nito ratratin ng mga mura niya.
Inis na binalingan ako nito nang padarag akong naupo sa pwesto ko. Well, magkatabi lang ang table namin ni Jinky, kaya minsan ay wala kaming natatapos na trabaho dahil mas marami pa kaming natapos na kwento.
"Ikaw, ang chika? Wala ka kahapon, balita ko pa ay magkasama kayo ni Andrew," ani Jinky na pinagtataasan pa ako ng kilay.
Kaagad akong nag-iwas ng tingin. "Ayun, wala akong choice kasi wala ka. Kaya ako ang isinama ng kumag na 'yon."
Kung nandito lang din naman si Jinky kahapon, hindi naman makikiming siya ang isasama ni Andrew. Hindi hamak na mas gusto niyang makasama si Jinky, kaysa sa akin na puno ng kamalasan.
Napalabi ako, kapagkuwan ay minabuting sinimulan ang ilang workpaper ko na hindi ko pa nagagalaw kahapon dahilan para madagdagan iyon ngayon. Halos mapuno ang table ko, kulang na lang ay itambak iyon sa pwesto ko.
Huminga ako nang malalim, isang lingon pa ang iginawad ko kay Jinky nang mapansin ang pananahimik nito. Roon ay bumungad sa akin ang paninitig niya na para bang tinatantya ang emosyon ko sa mukha.
Wala sa sarili nang mangunot ang noo ko. Teka, may dumi ba ako sa mukha? Umasim ang mukha ko, kalaunan nang umalpas ang mumunting ngisi sa labi ni Jinky at madaliang nag-iwas ng tingin.
"Gusto mo pa rin ba siya?" tanong nito habang inaabala ang kaniyang sarili sa ginagawa.
Sa narinig ay mas lalo lang din nagsalubong ang dalawang kilay ko. "Sino?"
"Si Andrew," maagap niyang sagot.
Kamuntikan na akong humagalpak ng tawa kung hindi lang namumutawi sa kabuuan ng department ang katahimikan para sa umagang iyon dahil kapag ganitong oras talaga ay kaniya-kaniya silang trabaho.
"Hindi ba nakaraan ay pinu-pursue mo siya? Ang sabi mo ay may gusto ka sa kaniya," dagdag ni Jinky nang hindi ako magsalita.
"Oo, sinabi ko nga."
Kasi iyon ang mas magandang sabihin para pagtakpan ko iyong totoo.
"Hanggang ngayon pa rin ba?" maang na pagtatanong nito, dahan-dahan nang muli niya akong nilingon habang ang pareho nitong mata ay kumikilatis din.
"Bakit mo ba itinatanong?" sambit ko dahil masyado akong naguguluhan ngayon kay Jinky. "Wait, gusto mo rin ba siya? Gusto mo si Drew?"
Sa sinabi ko ay mabilis pa sa kidlat na nag-iwas ito ng tingin, kaya natanto kong tama ako. Well, hindi naman na bago sa akin iyon. Bago pa man din niya masabi sa akin ito ngayon ay nauna ko nang malaman.
Babae ako, kaya ramdam ko kung ano iyong nararamdaman ng isang babae. Hindi na ako nagulat, hindi na ako nagtaka— mabait kasi si Andrew. Masasabi ko na hindi siya malayong magustuhan ng mga babae.
"Hindi ko alam kung pagtatawanan mo ba ako, but yes, I do like him, Elsa. I mean, noon pa yata?" alanganing saad nito.
Tumango-tango ako, saka pa mahinang natawa. Nagawa ko pang tampalin ang braso niya upang pahupain ang kung ano mang nararamdaman nitong tensyon. Siya namang baling niya sa akin habang maang akong tinitingnan.
"Ayos lang 'yon. Ang totoo niyan, hindi ko naman na gusto si Andrew at alam mo na si Marvin na ngayon ang pinagpapantasyahan ko," tumatawang paliwanag ko.
Wala sa sinabi ko ang totoo— may parte na bumabalik sa akin iyong pagkagusto ko kay Andrew. Kung sabagay, ang pagmamahal mo sa isang tao ay hindi naman nawawala dahil nariyan lang iyan sa puso mo.
At katulad ng nangyari kahapon, pinalaya ko na sa puso ko si Marvin. I'm always on the one sided love, pero mas hahangarin ko na lang na roon ako sa taong alam kong kahit papaano, kahit kaunti at kapiranggot ay may pag-asa ako.
Ngunit sa katotohanang may maiipit kapag pinilit ko pa ay mas gugustuhin ko na lang ang magparaya. Not Jinky, siya iyong stranger noon para sa akin na nagawa niya akong tanungin kung ayos lang ba ako.
Malaki iyong pagpapahalaga ko kay Jinky na ayaw ko siyang mawala sa akin, ilang taon din ang pinagsamahan namin through ups and down and that's enough for me— para tuluyan ko ring palayain si Andrew.
Ang tanging habol ko na lang naman na kay Drew ay ang presensya niya sa araw ng graduation ni Annalisa. Kahit iyon na lang, kahit kaligayahan na lang din ni Jinky at ng anak ko ang mangyari.
For sure, it's fine with me.
Huminga ako nang malalim, bago nakagat ang pang-ibabang labi. Tipid akong ngumiti habang maiging pinagmamasdan ang labis na pagkatuwa sa mukha ni Jinky. Naisip ko rin, minsan ko naman nang naranasan ang magmahal at mahalin.
So, baka pagkakataon na ito ni Jinky, to be loved by someone she love. Baka sila talaga ni Andrew ang para sa isa't-isa. Sabi nga ng karamihan; hindi lahat ng may anak at ikinasal ay nakatadhana.
Kaya marahil marami ang single parents, mga nagdi-divorce o nakikipag-annul dahil hindi nagwo-work iyong relasyon na mayroon sa dalawang tao. At iyon ang nangyari sa amin ni Andrew,
Let's face the truth, we can treasure memories but not the person. Let's just move on because in another time— we will found the one who always destine to us. Tama nga ang sinabi nila— pinagtapo ngunit hindi itinadhana.
Kung magkakaroon man din ako ng pagkakataong magmahal, sana ay hindi na si Andrew. Mapait akong napangiti, kapagkuwan ay nabalik din sa reyalidad nang tapikin ni Jinky ang balikat ko.
"That's good," nangingiti niyang banggit habang halos maningkit na ang dalawang mata nito sa labis niyang tuwa. "And thank you, Elsa— my bestfriend forever."
"Hoy, 'wag mo nga akong paiyakin," tumatawa kong palatak.
"Hala siya, pinapaiyak ba kita?" Nangunot ang noo nito, ganoon pa man ay ayaw paawat ang matamis nitong ngiti sa labi.
Mapakla pa akong natawa upang pagtakpan ang sinabi kong iyon. Saan nga ba ako naiiyak? Sa binitawan nitong salita, o sa katotohanang sa ilang beses akong nasaktan, si Andrew pa rin iyong dahilan.
"Ikaw kasi— bestfriend." Lumabi ako, mayamaya lang nang sabay kaming matawa sa kalokohan naming dalawa.
Hindi pa nagtagal nang mabilis lang na lumipas ang oras, sa ganap na alas dose ng tanghali ay oras naman para sa lunch break. Kaya kani-kanilang labas ng lunchbox ang ilan naming katrabaho na may mga baong pagkain.
Samantala ay maagap naman kaming tumayo ni Jinky habang bitbit ang kaniya-kaniyang wallet upang lumabas ng department. Sa elevetor area ay hindi na ako nagulat nang bumungad sa amin ang maraming tao.
Mabuti at nakasingit din kami kaagad sa isang punuuanb elevator, kaya madali rin kaming nakababa sa Cafeteria. Roon ay marami na rin ang tao, kaya minabuti naming pumila na muna sa cashier para makabili nang makakain.
Nang matapos pa ay inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng Cafeteria, hindi pa sinasadyang dumako ang atensyon ko kay Andrew na mag-isang kumakain sa lamesang good for four person. Hindi kami nito nakita, kaya hindi ko na rin siya pinansin.
Binalak kong maghanap ng ibang mauupuan, pero nagulat na lang ako nang halain ni Jinky ang braso ko. Sa kadahilanan pang buhat-buhat ko ang isang tray na laman ang pagkain namin ay nahirapan akong pumiglas.
Lalo pa nang makita kong papalapit ito sa kinaroroonan ni Andrew, sa katotohanan pang masyado akong guilty sa nararamdaman ko ay pinili ko na lang din ang maging casual. Ilang saglit pa nang huminto kami sa tapat nito.
"Andrew," pukaw ni Jinky, rason para mag-angat ito ng tingin sa amin.
Dere-deretso namang naupo si Jinky sa katapat nitong upuan dahilan para maiwan sa akin ang tingin ni Andrew, kaya mabilis din akong naupo sa tabi ni Jinky. Dahan-dahan ko pang inilapag ang tray sa lamesa.
"Andrew," muling pagtawag-pansin ni Jinky kay Andrew. "May sasabihin ako..."
Siya namang baling niya rito upang ibigay ang kaniyang atensyon. "Hmm? Ano 'yon?"
"Sinasagot na kita," derektang sabi ni Jinky kung saan magkasabay pang nalaglag ang panga namin ni Andrew. "Simula ngayon ay tayo na."