Nginitian lang ako ni Anna, saka siya dumeretso kay Andrew upang yakapin ito. Siya namang paghalik sa kaniya ni Andrew sa pisngi at noo nito dahilan para mamutawi ang mumunti niyang pagtawa sa kabuuan ng kwarto. Nang matapos sila ay maagap akong binalingan ni Anna bago ako hinalikan sa pisngi. "Good morning, Mama." Umawang ang labi ko, dahan-dahan pa ay nilingon ko si Andrew kung saan naabutan ko pa ang nangingiti niyang itsura habang pinagmamasdan kami ng anak niya. Papaanong nandito si Annalisa? "Anong ibig sabihin nito, Andrew?" takang tanong ko na hindi maalis sa akin ang pagkalito. "Well, simula ngayon ay dito na kayo titira ni Anna. Walang aalis hangga't hindi ko sinasabi, rito lang kayo," nakangiting pahayag niya, tila pa proud ito sa sinabi nito. "Ba—bakit?" Honestly, gusto k
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


