Amber’s POV Two months later “Good morning ma’am Amber!” Nakangiting bati sa akin ng mga nurse nang makita ang pagdaan ko sa kanilang station. Sa dalawang buwan na walang mintis na pagbisita ko sa asawa ko na ngayon ay nanantiling nasa ICU ay kilala na ako ng mga staff ng hospital. Nilingon ko sila at nginitian pabalik. “Good morning Nurse Joy! Nurse Ran! And Nurse Candy!” Bati ko habang tuloy-tuloy lamang ang mga hakbang patungo sa ICU. “Ang ganda niyo po talagang buntis ma’am Amber!” Nilingon ko sila. “Naks naman! Talaga? Hindi yan bola?” “Oo ma’am ikaw na yata pinakamagandang buntis!” “Salamat! Daan lang po ako.” Nakapaskil ang ngiti sa labi ko habang tinutungo ko ang ICU. Kinapa ko ang umbok ng aking tiyan at bumulong sa isapan. “Bibisita na naman tayo kay Daddy, baby!

