Amber’s POV Nakasalubong namin ang mga staff ng hospital, nagmamadali habang tulak-tulak ang isang stretcher pagkalabas na pagkalabas namin ng pintuan ng hospital suite ng asawa ko. Huminto kami ni Rafa. Lumapit ang mga ito at pinagtulungan nila akong buhatin at ingat na nilipat sa dala nilang stretcher. “Please be careful,” dining kong boses ng asawa ko. Ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang pag-abante namin. “You’ll be okay, baby, I’ll be just right by your side!” Malakas na saad ng asawa ko. Tinignan ko siya, sakay ang kanyang stretcher. Tulak-tulak na siya ngayon ni Rafa. Nakasunod siya sa stretcher na kinalululanan ko. Nginitian ko siya ngunit agad rin napawi ang ngiti ko ng bumundol ang sakit sa tiyan ko. Nakita ko ang sobrang pag-alala sa kanyang mukha. “Baby, are you

