Pakarating nila sa harapan ng academy na papasukan ni lovely, humarap ito sa kanyang kuya at tinitigan ng masinsinan. Tila nalulungkot ito.
"Kuya? Okay ka lang po ba?" Nagaalalang tanong nito.
Nagalak naman si theo dahil nagaalala sakanya ang taong mahal niya kahit na parang kuya lang ang turi niya sakanya.
"Yeah, I'm okay." Maikling sagot nito pero hindi niya tintitigan ang dalaga.
"Kuya, tumingin ka muna sakin." Pero parang wala itong narinig. Kaya sapilitan niya itong pinatingin sakanya.
"Look at me kuya, please." Nagmamakaawa na sabi ni lovely, napabugtong hininga muna ito bago tumingin sakanya.
"What?"
"Are you sure na okay ka lang kuya? Yung totoo?"
"Oo okay lang ako, ayoko lang na may aaligid sayo dyan sa academy." Sagot nito ngunit hindi nakatingin sakanya.
"Kuya. Wala naman aaligid sakin, depende nalang." Nakangiting sagot niya, kaya tumalim naman ang tingin ni theo sakanya.
"Don't you dare. We can talk after your class." Pahayag nito. Tumango nalang ito bilang pagsangayon sakanya.
"Okay sige. Labas na ako kuya." Palabas na sana ito pero pinigilan niya ito. Kaya napaharap naman si lovely sa binata na may pagtataka.
"Bakit kuya?" Nagtatakang tanong nito.
"Wala man lang bang kiss dyan bago ka lumabas ng kotse?"
Napatawa naman ang dalaga, akala nito kung anong kailangan niya. Kaya walang hiyaan nitong nilapitan ang binata at hinalikan sa magkabilang pisngi para mapanatag ito bago lumabas ng kotse na may ngiti sa kanyang mga labi.
Habang si theo naman ay napatulala dahil sa ginawa ni lovely, ilan minuto rin umalis na siya na may saya sa kanyang mukha na para bang hindi na ito maalis ng basta basta nalang.