---Third Person's POV---
Apat na araw ang lumipas, nakalabas na nga ang batang babae sa ospital. Together with her foster parents, Mr. Carlos Kirugawa and Mrs. Melisa Kirugawa. Isinama nila ang batang babae na kamakailan lang ay kinupkop nila sa kanilang tahanan sa Kita-Kyushu na matatagpuan sa Tokyo.
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na nga sila sa bahay na kung saan nakatira ang mag-asawa. Isang bahay na may disenyong modern-Japanese style. May kalakihan rin ang bahay. Malaki ang espasyo ng bakuran at may makikitang dojo sa likod. Hindi akalain ng batang babae na napunta siya sa mga taong pupuno sa mga pagkukulang niya. Kahit hindi man nila kayang ibalik ang kaniyang alaala, handa naman silang gumawa ng mga panibagong alaala para sa kaniya. Ang hirap kaya ng buhay na may amnesia.
Pagpasok nila sa bahay, bumungad sa kaniya ang payapa at masayang tahanan ng mag-asawa.
"Maligayang pagdating sa iyong bagong tahanan. Mula ngayon dito ka na titira kasama namin," bati ni Melisa sa batang babae.
"Dito na po talaga ako titira Kirugawa-san?", tanong niya sa mag-asawa. Kitang-kita sa kaniyang mga matang kasingkulay ng langit sa gabi ang pakiramdam na naninibago pa lang siya. Pero bakas pa rin sa kaniyang puso ang mga alaalang nawala nang dahil sa hindi pa natutukoy na trahedya.
" Wag mo na kaming tawaging Kirugawa-san. Mula ngayon, mama Mel at papa Carl na lang ang tawag mo sa amin." Sabi ni Carlos na bakas pa rin sa kaniya ang mga ngiti ang kagalakan na magkaroon ng anak kahit hindi man nila kadugo ang bata.
"Papa Carl... Mama Mel... Gusto ko po yun." Sagot naman ng batang babae habang inaayos ang kaniyang itim na buhok na hanggang balikat rin ang haba.
Pagkatapos ay ipinakita nila sa kaniya ang magiging kwarto niya sa pangalawang palapag ng bahay. Pagbukas ng pinto, bumungad sa mga mata ng bata ang isang simple pero magandang kwarto na naaayon rin sa mga hilig niya. Pinaghalong black, white, grey at sky blue ang kulay ng mga dingding ng kwarto. May nakalagay doon na isang computer unit, isang malaking kama na may kulay puting unan at grey na kumot. Sa gilid ay may malaking kabinet na kung saan ay panlagyan ng kaniyang mga gamit. May kulay sky blue na study table rin sa gilid ng computer unit at aircon. At may ilaw rin syempre sa kwarto na nakakabit sa kisame. At bintana na may nakalagay na kulay grey na kurtina. Sobrang saya ng batang babae nang makita niya ito. Bakas sa kaniyang mga mukha ang kagalakan sa buhay niya kahit may nakatagong kalungkutan sa puso niya.
"Nagustuhan mo ba? Kami ang nagdisenyo dyan." Wika ng masayang Melisa.
"Opo Mama Mel. Maraming salamat po!", sagot naman ng batang babae.
" Masaya kami para sayo. Kung may kailangan ka tawagan mo lang kami ha. Gagawa muna kami ng meryenda para sayo," sabi ni Carlos.
"O sige po," nakangiti niyang sabi.
Iniwan muna nila ang batang babae sa kwarto. Samantala, lumapit ang bata sa kama at humiga siya. Habang nakatingin sa kisame, napakarami pa ring mga katanungan ang bumabagabag sa isipan niya. Ito mismo ang ilan sa mga pangunahing katanungan niya.
Sino ba talaga ako? Saan ba ako nagmula? Nag-iisa na lang ba ako sa buhay?
At agad niyang ipinikit ang kaniyang mga mata.
*_7 years later...
------Kazuki-----
*riiiiiiinnnggg!!!*
Grabe nakakabingi naman ang ingay ng alarm clock. Magpatulog ka muna ng 5 minutes pwede. Sa sobrang ingay, agad kong pinatay ang alarm clock at bumangon. I stretch my arms and yawn.
Hay. Ang ganda ng gising ko. Pero... Gusto ko pang matulog.
Bumalik agad ako sa pagtulog. Nakakatamad kayang gumising ng maaga. Hanggang sa may narinig akong boses sa ibaba.
"Kazuki! Gising na! May pasok ka pa ngayon!"
Parang si Mama Mel yata ang tumawag sa'kin. O sige. May pasok na pala kami eh.
Sandali. Ano? Pasok?
Whaaaaaaa!!! Di ko na namalayan na first day of school ko ngayon! Naku! Di ko pala namalayan! Hay. O sige na nga babangon na ako.
Bumangon agad ako sabay lingon sa alarm clock. Naku. Maaga ngang manggising si mama Mel. 5:30 a.m pa nga. Kahit ang aga, mas mabuti pa yun para hindi ako mahuli. Nagmadali akong maligo sa bathroom ko at nagbihis ng school uniform. White school blouse na parang sa college ang collar inserted sa dark blue skirt, plus black na school blazer na may linings sa mga mangas at may school logo sa kanang dibdib. Pagkatapos yung itim na long socks na hanggang hita ang taas. Itinali ko na rin ang kulay grey na necktie. At sinuklayan ko rin ang aking maitim na buhok na umabot na sa bewang ang taas. Dati hanggang balikat lang. Tumingin agad ako sa salamin at napansin ko rin ang bangs ko na nasa gitna ng mga mata ko. Inayos ko ito ng konti at ayun presentable na ako.
Bumaba na rin ako para mag-agahan. Nandoon na sila Mama Mel at Papa Carl. Oo nga pala. I forgot to mention na may isa pa silang inampon na bata 7 years ago. Isang batang lalakeng nasa 13 years old ang edad. Miko ang pangalan niya. He has a color dark red hair na nagmatch sa kaniyang hazel brown eyes. 4'9 yung height niya. Samantalang ako nasa 5'7 ang height. Ang tangkad na diba? May pagkamakulit nga ang batang ito pero ok lang yun sa'kin. Mabait din naman siya.
"Kumusta ang mga gamit mo? Nakahanda na ba?", tanong ni Mama Mel.
"Opo mama." Magalang kong sagot.
Agad rin namang sumunod sa pagtatanong si Papa Carl.
"Siyanga pala. Ihahatid pa ba kita sa school mo?", tanong naman ni Papa Carl.
"Hindi na po. May bike naman po ako dyan." Sabi ko sa kaniya. Nga pala, nagtatrabaho si Papa Carl sa isang tech company na tanyag sa buong bansa. Balita ko napakamisteryoso ng boss nila. Hindi pa nga ako nakabisita dun eh.
"Di 'ba po may trabaho pa po kayo sa isang technology company ngayon papa?"
Baka makakalimutan na naman niya. Muntik pa naman siyang mahuli sa trabaho dahil hinatid niya ako noong nakaraang araw. Yung time na naflat yung gulong ng bisikleta ko.
"Oo nga pala. Muntik ko nang makalimutan."
Si Papa Carl talaga oh. Hay.
Kasunod din nun ang pagtanong ni Miko.
"Ate. Akala ko ba sasabay kayo ni Ate Izumi sa pagpunta niyo sa school." Sabi niya.
"Magkikita na lang kami doon sa school sabi niya." Sagot ko sa kaniya with matching ngiti.
Pagkatapos kong kumain, I checked again the bag and...
Napapansin kong may kulang na gamit sa bag ko. Teka sandali. .
Nasaan ang sketch pad ko????
"Mama Mel." Pagtawag ko kay Mama Mel.
"Bakit Kazuki?"
"Nakita niyo po ba ang sketch pad ko?", tanong ko sa kanya.
"Hindi. Tanungin mo si Papa Carl mo." Sagot ni Mama Mel.
"Hindi ko rin nakita ang sketch pad niya. Akala ko pa nasa bag mo na." Sagot naman ni Papa Carl. Saang lupalop ba ng bahay yun nagpunta? Baka may paa yun kaya lumayas sa bag ko.
I scan my things inside my bag at talagang wala doon ang sketch pad ko.
"Wala po eh. Teka. Di kaya..."
Parang alam ko na yata kung kanino yung malikot na kamay ang kumuha sa sketch pad ko.
I stared at Miko. Alam ko kasi na siya lang ang laging tumitingin sa sketch pad ko at magdrawing without my permission.
Napatingin rin sa'kin si Miko. Hay. May alibi na naman ang batang ito.
"Teka. Ate Kazuki naman. Nasa bag mo na kaya yun. Ang tanga mo kasi kung saan mo lang nilagay." Sabi ni Miko na kitang-kita sa mga mata niya na siya ang salarin.
"Ilabas mo na ang sketch pad ko Miko."
He's pissing me off already.
"W-W-Wala kaya yun sa'kin." Pautal niyang sabi.
"Hmmm. Ba't nauutal ka?"
At heto na naman ang alibi niya. Ang galing mo Miko.
"Ahhh... Sige. Aalis na din ako."
At sa wakas nakita ko yung sketch pad ko na hawak-hawak niya. Lagot ka sa'king bata ka.
"Bumalik ka dito Mikoooo!!!!!"
Ayun. Hinabol ko siya nang hinabol hanggang sa nakuha ko na nga ang sketch pad ko. Hay ang batang 'to talaga oh.
Ok. Isinuot ko na agad ang black school shoes bago lumabas. Lumabas na nga ako ng bahay at bigla akong tinawag ni mama Mel. At parang may nakalimutan pa yata akong dalhin.
"Kazuki! Ang kendo stick mo!", sigaw ni mama Mel sabay hawak niya sa kendo stick.
Naku! Buti na lang pinaalala ni Mama Mel yun. Ngayon ko lang namalayan na naiwan ko ang kendo stick ko sa loob ng bahay. Inakala ko pang bitbit ko iyon. Lumabas nga si mama at ibinigay sa'kin ang kendo stick.
"Salamat po mama!", pagpapasalamat ko sa kaniya na sinamahan ng mga ngiti.
"Mag-iingat ka lagi. At mag-aral ka ng mabuti." Mga paalala niya.
"Opo mama."
She hug me and then I ride on my bike to go to my destination. Siguro nga naguguluhan pa ako sa mga panaginip ko kagabi. Ang weird pa nga. Nga pala. Ilang buwan na akong nananaginip tungkol sa mga weird na bagay. Hindi pa ako sigurado kung galing ba yun sa nakaraan ko.
----*
Sa wakas nakarating na ako sa school. Ang Kudo University. Napakalawak ng espasyo ng school. Meron itong limang buildings. Isa sa mga building ay nasa sentro na kung saan matatagpuan ang school principal's office. Nasa ika-limang palapag pa naman yun. At apat sa mga ito ay tila nakapalibot sa main building. Bawat building ay may limang palapag. Kada palapag ay may apat itong mga classrooms na sobrang lawak din. Luckily, may escalator sa school na'to. Ang RK ng school noh? Tapos sa likuran ng dalawang building sa hilagang parte ng school ay matatagpuan ang pagkalaking school ground. Kung saan nagpapractice ang mga athletes gaya ng soccer, track and field, at iba pa. Marami rin silang mga sports facilities dito. Isama mo pa doon ang school dojo na singlaki ng basketball court. Ang cool diba? May school gymnasium nga pala sa likod na bahagi ng school garden.
At alam niyo kung ano ang pinakapabirito kong puntahan? Ang school garden na makikita sa kanang bahagi ng seniors building. Pwede akong makapagmuni-muni. At... Tungkol pa rin sa nangyari sa'kin 7 years ago.
7 years na ang lumipas pero hindi ko pa rin alam kung sino ako.
Pagkatapos kong iparking ang bike ko sa bike parking place ng Kudo University, nakita ko si Izumi na tumatakbo papunta sa'kin at...
Parang alam ko na naman ang mangyayari.
"Kaaaaaaazzzuuuuuuukkkkiiiiiiii!!!!!!!!!!", sigaw ni Izumi habang papalapit sa'kin.
"Izumi kumu--"
*Blaaaagggg!!!!*
Imbes na gusto ko siyang kumustahin bigla na lang niya akong sinunggaban at natumba. Aray! Ang sakit ng likod ko. Buti na lang hindi tumama ang ulo ko. Hoy Ashida Izumi dinaganan mo na naman ako!
"Aray! Ang sakit. Ang bigat mo naman Izumi.", sabi ko sa kaniya na may halong biro.
"Grabe si Kazuki oh." Sagot ni Izumi. She's already my best friend since the day na nagkakilala kami sa ospital. Grabe haba na ng buhok niya ah plus nakahigh pony tail pa. Isama mo pa doon ang paslash niyang bangs na pakanan. Pareho kami ng style sa pagsusuot ng uniform pero ang kaibahan lang ay kulay puti yung gamit niyang long socks. Mahilig siya sa kulay sky blue. She is also loyal and a friend who is ready to defend sa mga umaaway sa amin. Napakabait niya at friendly. At wala kaming itinatagong sekreto sa isa't isa.
"Nga pala. Ba't ang tagal mo?Hinihintay ka na namin ni Aria doon sa may bleachers."sabi niya. Eh paano ako makakarating sa tamang oras kung kinuha ng gwapo mong kapatid ang sketch pad mo?
"Si Miko kasi. Hinabol ko nang dahil sa pagkuha niya sa sketch pad ko." Pa-cold kong sabi. It's too early para pakulitin ako ng batang iyon.
"Hahaha! Hindi pa rin talaga nagbabago ang kapatid mo ano?", sabi ni Izumi sabay pagtawa niya nang malakas. Tama ka. Hanggang ngayon ganon pa rin siya.
"Sinabi mo pa." Sabi ko ssrcastically.
Napatawa na lang kami sa mga napag- usapan namin ngayong araw. Agad na kaming tumayo at kinuha ang mga bag namin sabay pagpag sa mga damit namin.
"Dahil nandito ka na, puntahan na natin sila Aria sa bleachers.", wika ng napakasiglang Izumi.
"Ok." Sabay ngiti ko.
Agad kaming pumunta sa school bleachers. Pagdating namin doon, ayun nga. Tumakbo din sila Aria papunta sa'kin.
"Kaaaazzzuuuukkiiii!!!!"
Yang babaeng papalapit pa lang dito na sobrang hyper ay ang kaibigan kong si Aria Fernandes. 16 years old. She has a long brick- red hair na hanggang dibdib ang level and a tea- colored eyes. 5'3 yung height niya. Mas matangkad siya kesa sa pinsan niyang si Rhea. At nakahalf ponytail yung hairstyle niya. Makulit pero matalino at mabait. Maliban lang sa pinsan niya. Hihihi.
On the other hand, Rhea Fernandes has a hazel brown hair na naka-french braid ang hairstyle. The eye color also fits with her hair. Parang kakulay ng tsokolate ang mga mata niya. 5'2 ang height niya. At hindi lang siya makulit. Maalalahanin din siya. Pero kay Aria... Basta yun na. Mas magkakasundo sila pagdating sa mga pusa. Mga cat lovers kasi yan eh.
"Aaaaarrrriiiiaaaaaaa!!!!!!", sabi ko naman habang tumakbo papalapit sa barkada.
Agad kaming nag-group hug. Hahahaha! Hindi na naman ako makakahinga kasi ang higpit ng pagkakayakap sa'kin ang barkada. Oras na naman para magkumustahan kami.
"Kumusta ka na?", sabi ni Aria na sinabayan niya ng ngiti.
"Ok lang gaya ng dati. Pero... Medyo weird pa rin ang mga panaginip ko." Sagot ko kay Aria.
Agad naman ring nagsalita si Rhea. Medyo nag-aalala pa nga.
"Naku Kazuki. Ilang araw ka na bang nagkaroon ng mag weird na panaginip?", pag-alala naman ni Rhea. 'Nga pala, lagi kong ikinukwento sa kanila ang mga ganong scenario sa buhay ko lalo na sa panaginip.
"Mga 7 months na yata.", I respond.
"Ano?! 7 month talaga?", wika naman ng isang babaeng katabi ni Rhea. Her name is Yoroka Makoto. 15 years old gaya ko. Bale next next week pa akong mag-sixteen. Siya naman this September. Yoroka has a long black hair na nakapigtails. At yung bangs niya halos matatabunan na ang mata. Ang cute nga niyang tignan eh. Medyo may pagkachildish siya pero pag inaway, naku lumayo na lang kayo sa kaniya. Parang sadista yan kapag magagalit. Caring din siya sa aming magkakaibigan.
"Oo." Matipid kong sagot.
Ayan na naman. Bigla na lang tumahimik ang paligid. At...
"Hay. Nakakabingi naman ang katahimikang ito. Buti pang pumunta na tayo sa mga school club organization booths. Magpapalista pa ako sa kendo, arts at tecno club." Sabi ko. Ako na lang ang sumira sa katahimikan. Hahaha!
"Hahahaha! Ang hilig mo talaga sa mga espada ano?" Sabi ni Izumi. Napansin na niya kasi ang pagkahilig ko sa mga espada noong mga bata pa kami. Lagi kaming pumupunta sa dojo at nagsasanay ng kendo. Ewan ko kung ipinagpatuloy pa ba ni Izumi ang pagkekendo niya.
"Ganon na nga. I didn't change at all," biro ko sa kaniya.
"Hay. Tara na nga." Sabi ni Aria.
So waley pala ang joke ko. Alam niyo bang nagjoke ako?
Pumunta na nga kami sa school gymnasium. Doon kasi gaganapin ang school club fair.
*___,
Pagkatapos kong magpalista sa techno at art club, dumiretso agad ako sa kendo club. At grabe. Ang haba pala ng pila sa kendo club. Marami kasing mga baguhan ngayong taon. At kasunod nun ang basketball club.
Kahit matagal na ako ng kendo artist nagpapalista pa rin ako. Syempre gusto ko pang i-extend ang kontrata ko sa kendo.
At habang nakatayo lang ako sa linya, bigla na lang may bumangga sa'kin. Hay. Ano bang problema nun?
Lumingon agad siya sa'kin sabay paghingi ng paumanhin.
"Sumimasen(sorry) miss. Hindi ko yun sinasadya.", paumanhin niya.
Lumingon rin ako sa kanya na medyo naiinis pero ilang sandali nun ay ngumiti na lang ako. Senyales na hindi naman niya sinasadya ang ginawa niya sa'kin kanina. Ganito nga siguro ang first day of school. May makikilala kang bagong tao. Ang lalaking bumangga sa'kin ay may kulay dark brown na buhok. With also his brown eye color na bumagay rin sa buhok niya. Medyo matangkad siya sa'kin. Kung tuusin nasa 5' 8 ang height niya. First impression ko maaalahanin siya. At... Ang guwapo naman ng kaharap ko. Hahahaha.
"O-Ok lang yun. Hindi mo naman yun sinasadya eh." Sagot ko sa kaniya. At isa pa, likas na sa'kin na magpatawad kahit hindi naman nila yun sinasadya. Diyos nga nagpapatawad. Paano pa kaya tayo na tao lang. We're not born perfect ika nga.
"Salamat. Siyanga pala.Ako si Jiroshin Nazura. Ikaw?" Pagpapakilala niya. Kasabay nun ang pakikipagkamay naming dalawa. At agad na rin akong magpakilala sa kaniya.
"Ako naman si Kazuki Kirugawa." Pagpapakilala ko.
"Hajime mashite.(Nice to meet you) Kirugawa-san." sabi niya.
"Ganon din ako. Masaya rin akong makilala ka, Jiroshin Nazura." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.
Dahil tapos na ang pagpapakilala namin, nag-usap naman kami tungkol sa kendo club. At sa tingin ko sasali siya.
"'Nga pala. Sasali ka din sa kendo club gaya ko?", tanong ni Jiroshin.
"Oo. Almost 7 years na nga akong sumali sa club na nito eh.", sagot ko sa kanya. At nagpatuloy nga ang usapan namin.
"Ang tagal na nun. Siguro marami ka na ring nasalihan na mga tournament."
"Oo since 3rd grade. Ikaw? Kelan ka nagsimulang magkendo?", tanong ko naman sa kaniya.
"Noong nasa 5th grade pa ako. At gaya mo may nasalihan na rin akong mga tournament," he replied sabay ngiti.
"So Kazuki. Magkita na lang tayo sa classroom pagkatapos nito.", sabi ni Jiroshin.
"Ok." Sabi ko at agad na akong pumunta sa registrator ng kendo club.
Pagkatapos nun, nakapagpalista na ako. At kaagad na akong pumunta sa classroom ko. Nasa class 1-A nga pala ako at nasa 10th grade na.
Pero habang naglalakad pa lang ako papunta sa destinasyon ko, parang lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko ngayon. Parang lagi naman eh.
Espada...
Game...
Hay. Ano bang klaseng panaginip iyon? At bakit lagi na lang yun bumabagabag sa isipan ko?