Chapter 3:The World of Swords and VRMMORPG

3178 Words
-----Kazuki----- Pagkatapos kong magparegister sa lahat ng mga school clubs na nasalihan ko, dumiretso agad ako sa classroom na matatagpuan sa 5th floor ng school building na makikita sa harapan ng senior's building. Sumakay ako sa escalator at nakarating na rin sa destinasyon ko. 10th grade class 1- A. Biro nila, basta may amnesia laging mapupunta sa special section kasi genius daw. Genius eh may amnesia nga diba? Pero yung biro na iyon ay nagmistulang totoo na pagdating sa sitwasyon ko. Hay! Dami ko nang iniisip. Ang classroom namin ay matatagpuan malapit sa escalator. Yun nga lang nasa 7 meters ang layo mula rito. Pumasok agad ako sa classroom at umupo sa likod na katabi nito ang bintana. Pinili ko talagang doon ako umupo para mapag-isipan ko ang mga pinapaginipan ko sa loob ng 7 months. Tumunganga lang ako sa bintana habang iniisip ko iyon. Ang weird talaga. 7 months ko nang nararanasan ang mga weirdong panaginip. Espada at isang laro na parang isang virtual reality. Bakit ba ako nanaginip ng mga ganoong bagay? Is it connected to my past? Hay. Ang dami lang siguro ng iniisip ko. Parang nake-carried away na naman ako sa nararamdaman ko nang dahil sa mga iniisip ko. I just want to have a clear thought now. At isa pa, mula rito makikita ko naman ang view ng school at ng siyudad. Kaya mas gusto kong umupo dito. *_____ Sa ngayon, nagsisimula na ang pagpapakilala ng mga kaklase ko. Hay. Ito ang pinakapaboritong parte ng mga estudyante tuwing sasapit ang unang araw sa eskwela. Introduce-Yourself-Session. Ganon naman talaga basta first day. "Blahblahblah... Thank you." Tapos nang magpapakilala ang kaklase kong lalake. At ako na nga ang susunod. Pumunta na ako sa harap. Yung feeling na nakatayo ka na sa harap ng klase tapos lahat ng kaklase mo'y nakatingin sayo. Grabe. Parang ikaw pa nga ang ginawa nilang star of attraction sa classroom. Nakakanerbyos diba? Ok. Kapalan ko muna ang mukha ko sa sitwasyong ito. Huminga nang malalim. Labanan muna yung shyness. At heto na. "Ako nga pala si Kazuki Kirugawa. 15 years of age. Mag-si-sixteen na ako next next week..." And blahblahblah for more information. Ipinapakilala ko nga ang sarili ko. Ilang minuto ang lumipas, tapos na rin akong magpakilala at umupo na ulit ako sa puwesto ko. Napansin kong may isang estudyanteng panay ang pagtingin sa'kin. Pero hindi ko lang naman yun pinansin. Ano bang problema nito? Ngayon lang ba siya nakakakita ng estudyanteng nagpapakilala sa harap? O baka ninenerbyos kasi siya na ang susunod? Pagkatapos ng 3 subject periods, pumunta agad ako sa cafeteria na matatagpuan sa ground floor ng building. Kada building nga pala may cafeteria. Kaya hindi na sila mahihirapang pumunta sa ibang building para bumili. Ilang segundo lang ay nakarating na ako sa cafeteria para magrecess. Kanina pa kasi ako nagugutom pagkatapos kong sumabak sa introduce yourself session sa classroom. At saktong naabutan ko pang bilihin ang mga paborito ko. Choco blueberry cake plus ham sandwich na nirequest ko pang lagyan ng hot sauce. Samahan mo pa yan ng milkshake na may berry bits. Yun lang sapat na. Kasama ang mga kaibigan ko sa cafeteria. Na mga kaklase ko rin. Sa klase, nasa 42 ang population namin. Hindi ko rin inakalang kaklase ko rin yung nakilala ko sa loob ng school gymnasium sa kendo club. Pagkatapos naming bumili ng mga pagkain, agad kaming pumunta sa pwesto namin sa may eating area. Nakalimutan ko tuloy kung anong tawag nun. Habang kumakain, nagsisimula na naman akong makaamoy ng pagtatalo sa magpinsan. Hay. Hanggang dito pa naman? "Uy Rhea pahingi naman ng yakisoba bread oh. Naubusan na kasi sila ng stock kaya hindi ako nakabili," wika ni Aria na tila nagpu-puppy eyes na habang nakikiusap kay Rhea na bigyan siya ng yakisoba bread. Ay mali! Hindi pala puppy eyes kundi cat eyes. Inilayo agad ni Rhea ang kinakain niyang yakisoba bread kay Aria. At doon nagsimula ang kanilang pagtatalo. Na inunahan naman ni Rhea. "Alam mo Aria, napaka-gluttonous mo. May binili ka na ngang tuna sandwich manghihingi ka pa sa iba. Makuntento ka naman sa kinakain mo wag kang choosy." Sabi ni Rhea na may halong pang-aasar. At dahil binitawan ni Rhea ang mga salitang ito, ayun tuloy nagkapikunan na ang dalawa. "Wow ha. Sinabihan mo pa talaga akong matakaw. Tumahimik ka nga dyan Rhea! Ikaw nga ang umagaw sa yakisoba bread ko kaya napilitan akong bumili ng tuna sandwich. Panghuli na iyon tapos kinuha mo pa. Mang-aagaw ka!" Sagot naman ni Aria na napipikon na. Wow huh. Parang nasa drama lang nang sinabi niya yun. Ano ito? Food third party? Nag-aagawan nang dahil sa isang yakisoba bread? Eh pwede naman kayong magshare eh. Ay oo nga pala. Baka pati yun di niyo inapply. "Sorry Aria. Finder's keepers. Kung sino ang naunang nakabili siya ang panalo. Slowpoke mo kasi." Sabi naman ni Rhea. "Nakakainis ka na Rhea! Balang araw babawiin ko rin sayo ang pinakamamahal kong yakisoba bread! Uunahan na kita!" Sabi naman ni Aria. "Tignan lang natin," sagot naman ni Rhea with matching smirk. At napansin ko na talagang nanggigigil na si Aria ah. Sabihin na lang natin na nagkaroon ng electric current na dumaloy sa mga mata nila. Hay. Kung dinala ko lang sana yung alaga nilang pusa na si Mimi para tumahimik silang dalawa. Nang dahil lang sa yakisoba bread ay nagmimistula nang drama ang napanood ko. Hoy! Nasa cafeteria tayo. Wala tayo sa school theater. "Nagtatalo lang kayo nang dahil sa isang yakisoba bread? Hay. What a dork." Mahinang sabi ni Yoroka habang kumakain ng cheesecake. May serious side rin siya maliban sa pagiging childish niya. Lalabas lang ang childish side niya kapag tungkol sa cake ang usapan. "Sinabi mo pa Yoroka." Dagdag naman ni Izumi habang umiinom ng iced tea. At ako naman ay tahimik na kumakain ng ham sandwich. Gusto ko lang namang magkaroon ng peaceful mind habang kumakain. Lalo na't iniisip ko na naman ang mga panaginip ko. Sino naman kaya ang mananaginip ng mga bagay gaya nun? Virtual Reality plus mga espada? Hay. At ayun tuloy. Nang dahil sa pagiging tahimik ko, napansin tuloy ni Izumi. Alam niya kasi agad kapag nasa stage ako ng katahimikan, kakausapin niya ako kung may problema ba akong iniisip. "Uy Kazuki. Ba't ang tahimik mo 'ata? Iniisip mo na naman ang mga panaginip mo noh? Alam mo nakakasama ang sobrang pag-iisip." Pag-alala ni Izumi. "Parang ganon na nga siguro." Sagot ko. Nang dahil sa sobrang curiosity ng mga kaibigan ko, napatanong agad sila sa mga panaginip ko. "Teka. Sabihin mo kaya sa amin kung ano ang panaginip mo. Ano ba iyon?" Tanong naman ni Yoroka na nagsilbi ring open question sa mga sasabihin kong sagot. Pati rin ako sobrang nacurious sa mga panaginip ko. Baka may alam sila sa mga bagay na sasabihin ko. "Ang panaginip ko kasi... Mga espada at isang laro na parang virtual reality." Sabi ko sa kanila. At pagkatapos kong bitawan ang salitang virtual reality, laking gulat ko na may alam pala sila sa bagay na iyon. "V-Virtual reality? Espada? Uy Kazuki! Yung binanggit mong virtual reality, napaisip ako tuloy sa game na nilalaro namin. At yan ang pinakasikat na laro ngayon. Yung mga VRMMORPG." Sabi ni Aria na naging hyper ulit matapos niyang ma-disappoint sa yakisoba bread. "Ano? Isang VRMMORPG? Isang pinakasikat na game?" Tanong ko sa kanila. "Oo! Yung nilalaro namin ngayon. Isa sa pinakaastig na laro sa lahat. At balita ko may game na babagay sayo nang mabanggit mo ang salitang espada. Gusto mo rin bang maglaro ng isang VRMMORPG?" Sabi naman ni Rhea na nanumbalik rin sa pagiging hyper. "Kung pwede lang. Eh wala akong mga gamit para maglaro ng mga ganon eh." Sabi ko. May computer unit ako sa bahay pero walang VRMMORPG set. Paano ako makakalaro run? Kung pwede lang sana... "Oo nga pala. Sana yan na ang susi para may maalala ka na Kazuki." Wika ni Izumi sabay tapik niya sa balikat ko. "Sana nga." Matipid kong sagot. Isang VRMMORPG huh. Ba't naman iyon sinabi ni Izumi na maging parte ng nakaraan ko ang bagay na iyon? Hay. Wala naman sigurong masama kung susubukan kong hanapan ng sagot ang sinasabi nilang VRMMORPG. ----Jiroshin---- Sumapit na nga ang hapon. At 4:45 pm na ang oras. Saktong oras na ng dismissal. At meron nga pala akong dadaluhang pagpupulong sa club na sinalihan ko bago ako umuwi sa bahay. Nasa school dojo ako ngayon kasama ang ibang kendo club members. May mangyayari kasing pagtitipon dito kaya pinatawag kami. Mga baguhan man o mga miyembrong matagal nang sumali sa club nandito. Kasali na rin dito yung nakilala ko kamakailan lang. Yung babaeng may maitim at mahabang buhok na hanggang bewang ang taas. Medyo mas mataas nga lang ako ng konti sa kaniya. May mga mata siyang kasingkulay ng langit sa gabi na tinamaan ng liwanag sa buwan na bumagay sa buhok niya. Halata na sa kaniya na mahilig siya sa black at bumagay naman yun sa mala snow white niyang kutis. At siya yung nakabangga ko kanina kasi sa sobrang pagmamadali kong makapunta sa registry. Hindi lang yan. Napaka-friendly niya. Teka. Ano nga ulit ang pangalan niya?Ka-zu-ki Kirugawa ba yun? Ah. Kazuki nga. Pagkatapos ng 15 minutes, natapos na rin ang pagpupulong ng club. Karamihan sa mga miyembro ng club ay lumabas na sa dojo at nagsiuwian na. Habang ako naman ay abala sa pagliligpit ng mga gamit sa dojo. Isinilid ko ang ibang kendo stick sa stock room at isinara ang pinto. Ilang minuto ang lumipas, bigla na lang akong may narinig na isang boses na tumawag sa'kin. "Uh...Jiroshin?" Sabi niya. Agad akong lumingon sa likod at nakita ko ang isang taong nakilala ko kaninang umaga. Si Kazuki. "Oh. Nandyan ka pala Kazuki. May kailangan ka ba?" Sabi ko sa kaniya na sinamahan ko ng masayang ngiti. "May itatanong sana ako sayo. Kung pwede lang." Sabi niya. Medyo nahihiya nga lang siya. "Oo naman. Ano ba iyon?" I respond. "Eh kasi... Ano ba yang VRMMORPG?" Kazuki asked with matching curiosity. Sandali. Bakit ba siya nagtatanong sa VRMMORPG? Eh yan ang pinakasikat na laro ngayon. Siguro naninibago siya. Agad ko naman sinagot ang kaniyang katanungan. "Isang laro yan Kazuki. Isa sa pinakasikat na laro. Na kapag nakapasok ka sa mundong iyan, parang totoo ang nasa paligid mo. At hindi lang yan. Napakaastig ng mundong iyon." "Talaga?", masiglang sabi ni Kazuki. "Eh paano ka naman makakapunta sa mundong iyon? O sa larong iyon?" Dagdag pa niyang katanungan. "Sa pamamagitan ng nervegear." Sagot ko. "N-Nervegear?" "Oo." Sabi ko sa kaniya sabay ngiti. Sandali lang. Bakit nga ba sobrang curious niya sa VRMMORPG? Siguro baguhan pa lang siya. "Hindi ka pa ba nakakalaro ng VRMMORPG kahit isa?", tanong ko sa kaniya. "Hindi ko alam." Matipid niyang sagot sabay yuko ng ulo. Sandali nga ulit. Imbes na isasagot niya ang mga katagang "hindi pa", bakit sinabi niyang hindi ko alam? May amnesia siguro siya. O hindi na niya naaalala kung kelan siya nakapaglaro ng isang VRMMORPG. Mas mabuti pa sigurong magkwento na lang ako sa kaniya tungkol sa bagay na iyon. Agad kong sinira ang nakakabinging katahimikan sa paligid. "Ok. Ikukuwento ko na lang sayo ang iba pang nalalaman ko sa mundong VR bukas. Medyo malapit nang magdilim. Ok lang ba iyon sayo?", sabi ko sa kaniya. "Oo naman." Sagot ni Kazuki kasabay ang pagngiti niya. Ang cute pala niyang ngumiti noh. Sumabay na rin kaming lumabas sa campus. Pumunta agad kami sa may parking area ng mga bisikleta. Kinuha na nga ni Kazuki ang kaniyang bisikleta at nakahanda na siyang umalis sa Kudo University. Pero bago pa kaming magkahiwalay, nag-usap muna kami ng konti. "So Kazuki. Nagbibisikleta ka rin pala pauwi sa inyo?", tanong ko sa kaniya. "Oo naman. Medyo malayo kasi ang bahay namin sa school. Kaya heto nagbibisikleta." Sagot niya. "Ganon din ako." Matipid kong sagot. "So bukas na lang ulit?" "O sige ba. Magkwento ka bukas tungkol sa VRMMORPG. Kita na lang tayo bukas Jiroshin." Nakangiti niyang sabi. Agad siyang sumakay sa kaniyang bisikleta at umalis papunta sa kaniyang destinasyon. Masaya akong makilala ka sa araw na ito, Kazuki Kirugawa. Kita na lang tayo bukas. Pero maiba tayo sa usapan. Bakit ba siya sobrang curious sa VRMMORPG? Siguro hindi pa nga siya nakakalaro. Ganyan talaga kapag baguhan ka pa. ------Kazuki----- It's already 5:20 nang makauwi na ako sa bahay. Tapos na ang first day of school ko. At pagod na rin akong nakauwi. Yung feeling na hindi lang sa pagbibisikleta, paglilinis sa dojo at sa mga activities sa school ka lang napapagod, pati na rin pala sa pagbaba mo mula 5th floor hanggang ground floor ng school? Eh kasi naman kahit escalator ang gamit ng school tapos ikaw nagmamadaling bumaba patungo sa dojo para hindi mahuli sa meeting. At hindi mo na hinintay na aabot pa sa dulo yung tinatapakan mo sa escalator kaya ayun patakbong bumaba. At medyo mabagal din ang takbo ng escalator. Kapagod nga eh! Sumakit na yata ang mga paa ko. 4 minutes later, nagbihis agad ako ng damit pambahay. Plain black sando at shorts ang sinuot ko at agad na rin akong bumaba papuntang dining room. Tinulungan ko rin si Mama Mel na magluto ng hapunan. 'Nga pala, ako yung assistant chef niya. Hahaha. Nagluto kami ni mama Mel ng curry at tempura para sa hapunan. At sinamahan pa namin ito ng gulay para mas balanse ang pagkain na ihahain sa mesa. Habang sila papa Carl at Miko naman ay naghihintay na sa dining area. Ilang minuto ang lumipas ay inilagay na namin ang mga pagkain sa mesa. Mukhang nakahanda na sila para kumain ah. Lalong-lalo na si Miko. Parang vacuum pa naman itong kumain. Daig pa niya ang magpinsang sila Rhea at Aria. Pero bago kami kumain, syempre magpapasalamat muna kami. "Itadakimasu!" Forward>>>> "Grabe! Nabusog talaga ako sa kinain nating hapunan. Ang galing niyo talagang magluto ate Kazu." Sabi ni Miko habang hinihimas niya ang kaniyang tyan. Yan talaga ang lagi niyang expression kapag busog. Parang lazy mode. "Syempre kami pa ni mama Mel. Mga cooks ng masayang bahay na'to." Sabi ko. "Eh muntik mo na kayang maubos ang curry kanina. Tapos hindi mo ginalaw ang gulay sa isang bowl. Kumain ka kasi ng gulay wag lang laging karne o curry." Pabirong sabi ni papa Carl. May sense of humor rin pala siya. Ngayon ko lang nalaman. Hahaha. "Kumain kaya ako kanina ng gulay. Yung carrots at broccoli pa nga yung kinain ko eh." Sagot naman ni Miko kay papa Carl. Kung makikita mo lang ang ekspresyon ng mukha ni Miko, tiyak na matatawa ka. In denial pa nga eh. "Eh pinasa mo lang sa'kin yung carrots at broccoli kanina. Kaya ako na lang ang kumain nun." Sabi ko naman kay Miko na medyo in denial pa rin hanggang ngayon. "Ate Kazuki naman oh! Bakit mo naman sinabi yan? Gulay lover kaya ako." Pabirong sabi niya. "Gulay lover pero inilipat yung gulay sa bowl ko. Huli ka na sa akto." Pacold kong sabi habang umiinom ng iced tea. "Eh choosy kasi ako pagdating sa gulay. Kaya wag ka nang aangal pa." Napatawa na lang sila mama Mel at papa Carl sa asaran naming magkapatid. Hay. Nagsisimula na naman yung childish thingy niya. Ibang klase rin palang magkaroon ng ganitong klaseng kapatid ano? Kahit hindi mo siya kadugo, mahal mo pa rin siya at itinuring mong tunay na kapatid. Bigla kong naalala na nagtatrabaho pala si papa Carl sa isang tech company. Siguro may alam siya tungkol sa sinasabing VRMMORPG. Sa sobrang curious ko, napatanong na lang ako kay papa Carl. "Uh papa Carl. May itatanong lang sana ako." "Ano yun Kazu?" Sabi niya. "May alam po ba kayo tungkol sa VRMMORPG?", tanong ko sa kaniya. Agad siyang ngumiti sa'kin at sinagot ang tanong ko. " Oo naman syempre. Bakit mo ba naitanong yun?" Parang nahihiya akong sabihin ang bagay na ito sa kanila. Baka kasi hindi nila maiintindihan ang gusto kong sabihin. "Eh kasi papa Carl... Uhm... Nacurious kasi ako sa VRMMORPG eh kaya napatanong ako. At parang gusto kong subukan." Sabi ko sa kaniya. Ngumiti agad siya sa'kin at may sinabi siyang isang bagay na mas lalo akong nacurious. "Ganyan talaga kapag curious ka sa isang bagay. Gusto mo bang maglaro ng isang VRMMORPG?", tanong niya. Ano bang isasagot ko? Oo o hindi? Hay! Mas lalo akong nacurious nang maitanong niya yun. "Parang ganon na nga po papa Carl." Sabi ko sa kaniya. "Don't worry. May surprise kami sa birthday mo next next week." Sabi niya. Isang sorpresa daw sa nalalapit na kaarawan ko sabi niya. Sandali. Tama ba yung naririnig ko? Ano naman kaya ang pinagsasabi niyang sorpresa? Talagang mas nacurious na ako lalo sa bagay na iyon ah. Kutob ko kasi, parang nakakonekta yan sa mga nawawalang puzzle ng aking nakaraan. Nandyan ba talaga ang mga kasagutan sa mga alaala ko? Pero sa totoo lang, mas lalo na akong nalilito. *_____ Isang batang babae ang nakita kong naglalakad sa isang dalampasigan. Umiiyak ito at nag-iisa. May isinisigaw siya pero hindi ko marinig kung ano ang gusto niyang sabihin. Isang batang babaeng nakasuot ng kulay puting bestida at knee socks na kulay itim. Buhok niya'y hanggang balikat lang ang taas. Mga matang puno ng luha. Luha ng kalungkutan. Habang nakatingin ako sa kaniya, bigla na lang nagbago ang kaniyang anyo. Ang isang batang babaeng nakasuot lang ng damit na medyo sira-sira ay napalitan ng damit pandigma. Hindi lang isang mandirigma. Kundi isang mandirigmang may pakpak ng anghel. She's wearing a night sky outfit with the shining breastplate. May headband siyang suot na nagniningning gaya ng mga butuin. May suot din siyang itim na cloak na may hood. At dalawang espada sa gilid. Sandali. Espada? Tama ba yang nakita ko? Nagulat na lang ako nang tumingin siya sa'kin at nakangiti. At ako nama'y gustong malaman kung sino ang batang ito. "Sino ka?", tanong ko sa batang babae. Pero nang matapos kong itanong ang bagay na iyon, ngumiti lang siya at may binanggit siyang mga salitang dadagdag sa mga katanungan ko. Espada.... VRMMORPG... Swordsgirl... At bigla na naman siyang naglaho. "Sandali! Wag mo akong iwan! Ano ba yung gusto mong sabihin sa'kin?" Patakbo kong hinanap ang batang babae pero kahit isang bakas niya'y walang nakita. Hanggang sa may isang malakas na alon ang lumamon sa'kin at dinala ako sa malalim na bahagi. Ito ba? Ito na ba ang katapusan ng paghahanap ko ng mga kasagutan kung sino ako? O baka naman... Ito na ang magiging simula ng isang paglalakbay. *____ Nagising na lang ako bigla na sobrang pawis na pawis. Siguro may napanaginipan na naman ako. Isa na namang weirdong panaginip. Tumingin agad ako sa alarm clock at napag-alaman kong 12:15 am pa pala. Nagising na naman sa hating gabi nang dahil sa panaginip. Minsan pa nga madaling araw. Ano na naman bang klaseng panaginip yun? Espada, VRMMORPG, at ngayon naman Swordsgirl? May koneksyon ba yan sa mga alaala ko? At sino ba yung batang babae na nakita ko sa dalampasigan? Ang dami na talagang misteryo sa buhay ko. Paano ko naman ito malulutas?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD