----Kazuki---
It's almost 2 weeks na ang lumipas nang magsimula ang first day of school. Hay. Ano nga pala ang petsa ngayon? Tumingin agad ako sa smartphone at sinuri kung anong petsa na.
June 16, 2042
Bigla kong naalala na birthday ko na pala. Ang bilis talaga ng panahon. Paggising mo lang dumating na agad ang special day mo.
Teka sandali. Ba't walang bumabati sa'kin? Kahit mga kaibigan ko hindi ako binati. Hoy! Nakalimutan niyo ata na birthday ko ngayon. Hay. Di ko tuloy namalayan na sobrang bilis pala ng oras. Sa isang iglap lang 16 ka na. At oo. I'm 16 na.
Maiba nga tayo sa usapan.
Last 2 weeks, yung panaginip ko sobrang weird na naman. Hay. Sino naman kaya yung nakita kong bata sa dalampasigan na nagpalit anyo mula sa isang kawawa hanggang sa naging mandirigma? At yung batang iyon, parang ako. Kamukha ko talaga eh. At isa pa sinuot pa niya ang paborito kong kulay. At may mga salita pa siyang binitawan na hindi ko naman naiintindihan. Hay! Pati ako nawewerduhan na rin sa sarili ko.
Ano nga ulit ang mga pinagsasabi nun? Espada, VRMMORPG, at swordsgirl.
Teka. Ano? Swordsgirl?
Seryoso? Nabanggit sa panaginip ko ang salitang swordsgirl? Eh diba dapat swordsman? Oo nga pala. Babae pala ako. Hahahaha. Ang weido talaga ng buhay kong may amnesia. Lagi na lang nananaginip ng mga weirdong bagay.
*_____
Sumapit na rin ang isa sa mga paborito kong subject. Maliban lang sa math, arts at science, may isa pa na mas epic. Ang recess.
Nasa school cafeteria ako sa mga oras na ito na kasama si Jiroshin at pinag-uusapan namin ngayon ang tungkol sa VRMMORPG. It is almost 2 weeks na rin nang mapag-usapan namin ang tungkol dito. At isa pa lagi kasing nasa panaginip ko yan eh. At hanggang ngayon hindi ko pa rin mawala sa isipan ko ang panaginip ko.
At una nagtanong si Jiroshin tungkol dito.
"Naglalaro ka pala ng VRMMORPG?"
"Hindi pa. Diba curious nga ako sa VRMMORPG?" Pacold kong sabi. Hay. Mukhang si Jiroshin na naman yata ang nakalimot.
"Parang nakalimutan mo na yata na sinabi ko yan sayo last last week." Dugtong ko. Napatawa na lang si Jiroshin sa mga nasabi ko at napa-face palm pa sa mga sinabi niya.
"Oo nga pala. 2 weeks na tayong nag-uusap tungkol doon. " Sabi naman ni Jiroshin sabay tanggal ng kaniyang kamay sa mukha. Baka ikaw yata ang may amnesia sa sitwasyong ito eh.
At isa pa, pati ako napatawa na rin sa awkward moment niya. Ok balik na tayo sa usapan.
"Ok balik tayo sa pinag-uusapan natin. Ang VRMMORPG ay isang uri ng laro na kung saan nakaprogram ito sa mundong virtual reality. Kumbaga, sa isang game program na iyon ay makakapasok ka sa loob ng isang laro. At isa pa, kapag naka-log-in ka doon para ka talagang nasa kabilang mundo. Lahat ng nasa paligid mo ay parang totoo. Parang nakatakas ka sa realidad." Sabi ni Jiroshin. Hmmm... Virtual reality huh?
"Ganon ba? Sa pagkakaalala ko, ang ibig sabihin ng VRMMORPG ay Virtual Reality Massively Multiplayer Online Role Playing Game." Sabi ko naman sa kaniya. Medyo nacucurious pa rin ako sa mga sinasabi niya. Kahit 2 weeks na ang lumipas nang ikinuwento niya ito sa'kin. At isa pa 2 weeks ko na siya naging kaibigan.
"Tama ka doon Kazuki. Bale, galing sa salitang virtual reality, lahat ng makikita mo sa paligid ng laro ay parang totoo. Virtually. At isa pa, lahat ng bagay na nangyayari lang sa imahinasyon mo ay magkakatotoo sa mundong iyon." Dagdag pa niya.
"Whoa. Ang cool naman nun." Sabi ko na parang mas nagiging gigil sa paglalaro ng VRMMORPG.
"Oo. Sobrang cool talaga." Sabi niya.
Sa kabila ng purong topic sa VRMMORPG, bigla na lang may pumasok sa isipan ko na nais kong itatanong sa kaniya.
"'Nga pala Jiro. Marami bang magagaling na players ang nasa mundo ng VRMMORPG?"
"Oo. Napakarami nila. Pero alam mo ba, may isang pinakamagaling na player doon sa VR na isang swordsman at napagdaanan na niya ang lahat ng mga levels ng game. Isa siya sa mga legendary hero ng VRMMORPG." Sabi niya.
Isa sa mga legendary hero ng VRMMORPG? Meron din palang ganon? Ang astig. Halos nacucurious tuloy ako.
"Talaga?" Matipid kong sabi kay Jiroshin habang umiinom ng tubig.
"Oo." Matipid niyang sagot at pagkatapos kumain siya ng sandwich. Pero sa kabila ng mga sinabi niya, bigla na lang nag-iba ang takbo ng kwento.
"Isa nga siyang legendary sword player ng VR. Isa sa mga malalakas na swordsman. Ngunit sa kabila ng mga pinagdaanan niya ay may nakatago palang kalungkutan sa puso niya." Sabi ni Jiroshin na medyo nasa mababang tono. Teka. Tama ba yung narinig ko? Isang swordsman na may tinatagong kalungkutan? Bakit?Siguro may pinagdadaanan yung malaking pagsubok sa buhay niya.
"Bakit naman?" Tanong ko naman kay Jiroshin.
Uminom muna siya ng tubig at ipinahayag ang dahilan kung bakit naging malungkot ang sitwasyon ng sinasabing legendary VRMMORPG hero.
"Ganito kasi yun. Ayon sa napag-alaman kong impormasyon, may tatlo siyang anak. Dalawa ang babae at isa naman ay lalaki. At isa pa, ang pangalawang anak niya ay isang swordsgirl at ang pinakabatang player. Gaya ng mag-asawa, nahahasa rin ng magkakapatid ang kanilang galing sa paggamit ng espada. O sa madaling salita, naging mga magagaling silang sword players. Masaya silang namuhay noon kasama ang kaniyang buong pamilya. Ngunit..." Sabi ni Jiroshin na medyo naiintriga ako sa kung ano ang nangyari.
"Naging masaya sila pero anong nangyari?" Tanong ko.
He clear his throat first at agad siyang nagsalita sa kasunod na pangyayari.
"Sa kasamaang palad, nawala na lang ang lahat nang dahil sa isang hindi pa tukoy na trahedya. Ang kaniyang pangalawang anak ay nawala. Hindi pa nila natutukoy kung nasaan na ang bata ngayon. Labis na naghihinagpis ang kaniyang pamilya sa pagkawala niya. Kaya yun ang dahilan kung bakit hindi na siya nagpapakita sa VR sa loob ng 4 years. At hanggang ngayon pinaghahanap pa ang bata. Sa ibang mundo nga lang siya naghahanap. Pero yung tanging nasa isipan nila ngayon ay baka namatay siya sa trahedya. Pero yung swordsman, gagawa at gagawa siya ng paraan para makita niya ang nawawala niyang anak." Wika ni Jiroshin kasabay ng pag-crossarms niya. Nang marinig ko ang kwento na yan, parang nalulungkot din ako sa nangyari.
May mga taong sa unang tingin pa lang ay malakas pero sa likod nito ay may dinadala pala siyang matinding hinagpis sa kaniyang puso na mismong kahinaan nito.
"Nakakalungkot naman." Sabi ko sa mahinang tono.
"Ganon na nga. Kaya hanggang ngayon, kahit isang anino niya hindi pa rin nakikita. Sobrang saklap talaga ng pangyayari." Sabi naman ni Jiroshin.
Sa totoo lang napakahirap naman ng sitwasyon niya. Yung mga sinabi niya sa'kin ngayon, talagang nakakalungot talaga ng pinagdaanan niya.
"Grabe. Siguro hindi pa rin yun nakakamove-on sa anak niya ngayon. At hinding-hindi siya susuko hangga't makikita niya ang kaniyang nawawalang anak. " Dugtong ko.
"Ganon nga ang isang magulang. Dahil mahal nila ang kanilang mga anak, hinding-hindi sila titigil hangga't hindi nila makikita ang hinahanap nila." Sabi ni Jiroshin. May punto nga siya. Gagawin at gagawin nila ang lahat para mahanap nila ang nawawala nilang anak.
"Oo nga may punto ka." Sabi ko.
I sigh and drink water in the bottle. Hay. May ganon palang klaseng magulang noh. Napaisip tuloy ako kung nasaan na ang sinasabi niyang nawawalang bata. Hay. Ang dami ko na naman iniisip. Curiousity pa more.
Ilang minuto lang ang lumipas ay natapos na rin kaming magrecess. Palabas na kami nun sa cafeteria at nag-uusap pa rin kami.
"Sana makakalaro ka na ng VRMMORPG. Masaya yun." Sabi ni Jiroshin sabay ngiti.
"Sana nga." Matipid kong sagot at ngumiti na rin ako.
Mas mabuti nang ganito lang ang takbo ng araw ko ngayon. Sa totoo lang, first time kong magcelebrate ng birthday na walang bumabati sa'kin. Sa kabila ng pag-uusap namin, bigla na lang akong nabigla sa mga sinabi niya.
"Kazuki, birthday mo ngayon diba?" Tanong ni Jiroshin.
Teka. Bakit ba siya nagtatanong sa kaarawan ko?
"O-Oo." Pautal kong sagot.
Ngumiti siya sa'kin at sinabi yung mga salitang kanina ko pa dapat marinig.
"Happy birthday." Pagbati niya.
T-Teka. Parang may napapansin ako nang masabi niya yun. Nag-bu-blush ba ako dahil lang sa pagbati niya sa'kin ng happy birthday? Bakit? First time ka bang binati ng isang lalaki sa kaarawan mo? Hay! Iba ka rin Kazuki ano?
"Salamat." Sabi ko sa kaniya sabay ngiti. Buti pa si Jiroshin bumati. Siguro yung iba medyo busy kaya hindi pa nila ako binati.
Pagkatapos naming mag-usap, dumiretso agad ako sa locker at kumuha ng libro. Magsisimula na rin kasi mamaya ang lesson namin tungkol sa Asian history. Pagkatapos, isinara ko agad ang pinituan ng locker ko.
Lalakad na sana ako papunta ng classroom nang may biglang bumangga sa'kin. Isang babae na may kulay red na buhok at naka-long bob style. May brown eyes siya at mas matangkad ako sa kaniya ng 4 inches.
Yung pagbangga niya, parang sinadya niya talaga eh.
"Umalis ka nga sa dadaanan ko pwede?!" Sabi niya.
Ano ba ang problema ng babaeng ito? Sa kaniya ba ang hallway na'to? Eh bakit niya ako pinapaalis sa dadaanan ko papuntang klasrum?
Ako na lang ang humingi ng paumanhin sa sitwasyong ito. Kahit siya naman ang bumangga sa'kin.
"Pasensya na. Hindi ko--"
Hindi niya ako pinatapos magsalita. Wow ha. Humingi na nga ako ng paumanhin ah.
"No apologies. Isa pa.Wag ka ngang lumapit kay Jiroshin. Feeling close." Sabi niya. Sandali. Kaano-ano mo ba si Jiroshin? Pagmamay-ari mo ba siya? Hay. Wag ka ngang mag-aasume miss.
"At ano naman ang problema mo? Porke't kaibigan ko siya--" At hindi na naman niya ako pinatapos magsalita. Good job miss na hindi ko kilala kung sino ka. You're starting to piss me off.
"Dahil mahilig kang umagaw ng atensyon sa kanya. Nasayangan lang ako ng pagkakataon na magpapansin sa kanya pero ikaw ang nilapitan niya. Tell me. Nilalandi mo ba siya?" Dagdag pa niya.
Teka sandali. Tama ba yung narinig ko? Ako? Malandi? Ano bang pumasok sa kokote ng bakang (stupid) ito? At matanong ko lang, kelan ka ba huling uminom ng maintenance mong gamot?
"Parang may konting hindi pagkakaunawaan yata tayo sa sitwasyong ito miss. He's just my friend. At anong karapatan mong magalit sa'kin?" Sabi ko sa kaniya sa mahina pero cold na boses.
At bigla na lang niya akong tinulak. Grabe na siya ah. You're pissing me off. Oo nga. Baliw na nga ang isang ito.
She stared at me furiously sabay pagtuturo niya. Sandali. Yan ba ang resulta kapag hindi ka nakakainom ng gamot? Nakakatakot na yan ah. O baka naman sinasapian siya ng kalandian?
"Wag ka ngang lumapit sa kanya sa susunod!" Sabi niya.
I shook my head at that time na parang matatakpan na ang mukha ko. Sasampalin niya sana ako nang walang dahilan. Pero sinangga ko ang aking kamay na nangangahulugang pinigilan ko ang pagsampal niya sa'kin and I stared at her seriously. A stare na parang gusto kong bumunot ng katana para putulin ko ang kabaliwan niya.
"Pwede ba. If you're having a stupid and nonsense problem with me, huwag mo nang lakihan. Kapag ginalit mo ako, hinding-hindi mo talaga yun magugustuhan. At isa pa, maling tao ang binabangga mo. So please. Anong gusto mo? Distansya o disgrasya?" Sabi ko sa mala-mafia na boses. Cold pero nakakatakot. Inalis niya agad ang kaniyang kamay at napatingin sa'kin na tila natatakot. Kanina ang tapang mo. Pero bakit ngayon napipipi ka na sa pagsasalita? Cat got your tongue miss?
At ayun. Lumayo na lang siya sa akin at umalis na lang. Hay. May gana pa siyang magtapang-tapangan huh? Para bang may sense yung dahilan mo para awayin ako. At isa pa. Ganon nga ba talaga ako magalit? Kasi naman. Lalapit siya sa'kin para awayin ako nang walang dahilan.
At ano bang meron kay Jiroshin huh? Paki-explain nga.
*_____
Sumapit na ang hapon at oras na nga ng uwian namin. Pagpunta ko pa lang sa may parking area ng mga bisikleta, hinanap ko agad sila Izumi. Ngunit hindi ko sila makita. Kahit isang anino lang nila wala talaga. Ang galing niyo girls. Iniwan niyo na naman ako. Sa bagay sanay na akong mag-isa at iwanan sa tabi. Biro lang.
Sa di kalayuan, nakita ko si Jiroshin na papunta sa kinatatayuan ko na dala ang kaniyang bisikleta. Hay. Buti naman may kasama na ako. Hindi na ako nag-iisa.
"Kazuki ikaw pala," sabi ni Jiroshin.
"Oh Jiro. Buti naman nakita kita." Sabi ko sa kaniya.
Tinanong ko na agad sa kanya kung nakita ba niya ang mga kaibigan ko. Lalo na yung Izumi na iyon. At isa pa magkaklase kami kaya kilala rin niya ang mga kaibigan kong ubod ng kakulitan.
"Jiroshin. Nakita mo ba sila Izumi?" Tanong ko sa kaniya.
"Pasensya na pero hindi ko sila nakita eh." Sagot naman ni Jiroshin. Nang dahil doon, parang naging malungkot ako tuloy. Kinalimutan na talaga nila ang kaarawan ko at nauna pa silang umuwi. Ang galing niyo. Hay.
"Talaga? O sige salamat. Uuwi na ako." Mahina kong sabi.
Sumakay na ako sa bisikleta ko at nakahanda nang magpedal pauwi sa amin. Pero bigla na lang akong pinigilan ni Jiroshin.
"Teka sandali Kazuki. Sumabay ka na lang sa'kin papauwi. Ayos lang ba iyon sayo?" Sabi niya.
"Oo ayos lang sa'kin. Sabay na lang tayong umuwi." Sabi ko sa kaniya.
Sumakay na kami sa mga bisikleta namin at nagpedal nang mabilis para pumunta sa destinasyon namin. Ngayon ko rin napansin na sobrang bait pala ni Jiroshin. At talagang siya pa ang bumati sa'kin huh.
Siguro yun din ang dahilan kung bakit ako inaway ng babaeng hindi nakainom ng maintenance.
Forward>>>
Ilang minuto ang lumipas ay nakarating na kami sa bahay. Teka sandali. Akala ko ba umuwi na rin si Jiroshin. Hindi ko namalayan na sumama pala siya sa'kin sa bahay. At sabay na rin kaming bumaba sa mga bisikleta namin at inilagay sa gilid ng bahay.
Teka? Ano bang plano ng batang ito? At anong dahilan kung bakit siya sumama sa bahay?
"Teka sandali. Papasok ka ba sa bahay ko?" Tanong ko sa kaniya na medyo nagdududa.
"Oo. May inutos kasi ang mama mo eh. Kaya sinamahan kita pauwi sa inyo." Sabi ni Jiroshin na parang napakamot kunwari sa batok.
"Talaga?" Sabi ko. I'm not sure what are you planning guys. Parang may nararamdaman kasi akong kakaiba eh.
"Oo nga. Pumasok na tayo sa loob." Sabi naman ni Jiroshin. Pakiramdam ko yata parang may pinaplano kayo sa'kin. At kasabwat pa si Jiroshin dito huh. Hoy inosente siya bakit niyo siya idadamay?
Pumasok kaming dalawa sa bahay. At napansin naming sobrang tahimik naman dito.
At sandali nga. Ba't ang dilim dito? Siguro wala pa sila. O umalis dahil ayaw nilang bumati sa'kin. Hay. Sanay na ako.
"Ang dilim naman dito. At walang tao? Nasaan sila?" Sabi ko.
"Buksan mo na lang kaya ang ilaw para makasigurado ka." Sabi naman ni Jiroshin na agad ngumiti. Parang nagdududa na ako dyan ah.
Nang binuksan ko na ang ilaw...
*Pop!*
"HAPPY BIRTHDAY KAZUKI!!!"
Ito ba ay... Isang surprise? Teka sandali. Parang alam ko na kung bakit hindi niyo ako binati kanina. Hahaha! Nasorpresa ako sa ginawa niyo.
"Surprise ate Kazuki! Happy birthday!" Bati ni Miko.
At sumunod na nga ang mga kaibigan ko sa pagbati sa'kin. Grabe kayo. Akala ko snobbish kayong mga kaibigan.
"Happy birthday friend!" Bati nina Rhea at Aria.
"Otanjobi omedeto Kazuki!" Bati naman ni Yoroka.
And most of all, ang greeting ni Izumi.
"Happy birthday sa aking pinakamamahal na kendo artist, plus genius, plus palaban, plus lady who loves black, plus maganda gaya ko, and most of all, ang best friend ko! Wish ko para sayo ay sana makakaalala ka na."
Bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Mga luha ng kagalakan. Nung una, akala ko kinalimutan niyo na ang kaarawan ko. Pero gumawa talaga kayo ng effort para isorpresa niyo ako. Nakakataba naman ng puso.
"Salamat sa inyo guys! Akala ko kanina kinalimutan niyo na ang araw na ito. Pero gumawa talaga kayo ng surprise para sa'kin. Muntik pa naman akong magtampo. Mahal ko talaga kayo." Sabi ko sa kanila habang pinahid ko ang luha ko sa panyo. Talagang nasorpresa ako sa ginawa niyo.
"Hindi talaga namin yun makakalimutan noh. Siyempre, unang-una mahal ka namin. At ayaw namin na magiging malungkot ang araw na'to para sayo. Kaya ayun. Nagplano kami na pasayahin ka. Pasensya na kung muntikan ka nang magtampo." Sabi ng masiglang Izumi.
"Ayos lang yun. Ang mahalaga pinasaya niyo ngayon ang araw ko." Sabi ko na medyo naluluha pa rin.
Salamat talaga sa inyo minasan. Nasorpresa talaga ako.
Ilang sandali nun ay may kinuha sina papa Carl at mama Mel. And I'm pretty curious kung ano yun.
"Ok. Hindi lang yan Kazuki. May isa pa kaming sorpresa. May regalo kami sa iyo." Wika ni mama Mel na may kasamang ngiti.
Nakita ko nga ang isang malaking kahon. Nakabalot sa isang kulay gray na gift wrapper na may silver ribbon. Hmmm. Ano naman kaya ang laman nito? Ibinigay nila iyon sa'kin at binuksan ko.
At nang makita ko ang laman ng regalong iyon, mas lalo pa akong nasorpresa.
Isang complete set ng mga gamit para sa paglalaro ng VRMMO game?
"Wow. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon. Isang set ng VRMMORPG game console?" Masigla kong sabi. Eeh! Hindi ako makapaniwala.
"As I promise for you Kazuki. Yan ang sinasabi naming special surprise para sayo." Sabi naman ni papa Carl sabay ngiti.
"Talagaaaa! Salamat po papa Carl! Mama Mel! At sa inyong lahat! Lubos niyo akong pinasaya ngayong araw. Arigatou gozaimasu!" Masigla kong sabi.
Sa sobrang tuwa ko, napayakap ako tuloy sa kanilang lahat. Sino naman ang matutuwa nang sobra sa natanggap na regalo sa birthday niya?
Teka nga maiba nga tayo. Sino naman kaya ang mastermind sa planong ito?
"Maiba nga tayo. Talagang kayo ang nagplano nito noh? Sinong mastermind sa likod nito?" Tanong ko sabay lagay ng mga kamay ko sa bewang.
"Sila mama at papa mo yun. Damay lang kami rito. Sa madaling salita, mga kasabwat lang kami. " Sabi naman ng nakangiting Izumi habang napakamot sa batok.
At napansin ko lang ha. Bakit niyo dinamay si Jiroshin sa sorpresang ito? Inosente kasi siya eh.
"Naging mga kasabwat kayo nina mama Mel at papa Carl na kasama si Jiroshin?" Sabi ko ulit.
"Oo naman." Pangiting sabi ni Jiroshin.
Kung ganon, nasurprise talaga ako sa mga pinaggagagawa niyo.
Binaling ko ulit ang aking atensyon sa kahon na kung saan nakasilid ang complete set of VRMMORPG console. Inilabas ko muna ang mga gamit sa kahon. At teka. Napansin ko yata ang bagay na ito. Silver gray in color na parang may screen sa harap nito na hanggang eye level. At kulay black ang screen nito. Ano ba itong parang malaking singsing sa ulo?
"Ano ba ito?" Tanong ko kina mama Mel at pala Carl.
"Yan ang NerveSphere." Sagot ni mama Mel.
NerveSphere huh. Sa pagkakarinig ko kasi sa pag-uusap namin ni Jiroshin ay NerveGear. Parang mali yata ang nasabi niyang pangalawang salitang nakasunod sa nerve.
"Akala ko NerveGear ito. Pero ang cool." Sabi ko.
"Talagang cool ate Kazuki! Ang swerte mo nga kasi latest model yang hawak mo." Wika ni Miko. As in? Latest model? Mas lalo tuloy akong nacurious kung ano ang magagawa nito.
Nga pala. May nakalimutan yata ako.
"Sabi kasi sa'kin ni Jiroshin NerveGear daw 'to." Sabi ko.
"Pasensya na Kazuki. Nakalimutan ko kasi ang tamang term eh." Sabi naman ni Jiroshin na napakamot tuloy sa batok. At medyo nahihiya sa mga sinabi niya noong nagkwento siya sa'kin tungkol doon.
"Ok lang yun." Sabi ko sabay ngiti.
"Uy! Si Kazuki oh." Paasar na sabi ni Yoroka.
"Ano?" Sabi ko. May problema ba Yoroka? Baka hindi pa sapat yung cake na nasa mesa para sayo.
"Wala. Hihihihi." Sabi niya at agad sumugod sa cake. Hay. Nagsisimula na naman ang childish side siya nang dahil sa cake.
Hahahaha! Ano na naman kaya ang iniisip ng batang ito? Ok. Cake lang ang katapat sa kaniya. At sa ngayon, parang excited na akong gamitin ito para makapaglaro ng isang VRMMORPG.
"Ok. Mamaya na muna ang mga kulitan na yan. Kumain na tayo doon sa dining room. Nauna na nga si Yoroka doon oh." Sabi ni mama Mel at pumunta na nga siya sa dining room.
"O sige po." Sabi ko at agad na rin kaming sumunod sa dining room.
Ang akala ko ay kinalimutan nila ang araw na ito. Pero yun pala binigyan pala nila ako ng sorpresa. Salamat talaga sa inyo. At ayos itong natanggap ko sa kaarawan ko.Sana ang NerveSphere na'to, matutulungan akong maalala ang nakaraan ko.
----Someone's POV---
Happy birthday ate...
Kung buhay ka pa ngayon, sana hindi naging malungkot ang araw na ito...
Pero naniniwala pa rin ako na nakaligtas ka sa trahedyang iyon...