-----Kazuki----
7:30 pm
Pagkatapos ng selebrasyon, umuwi na nga ang mga kaibigan ko sa mga bahay nila. At tinulungan ko si mama Mel para magligpit sa mga pinagkainan. Tumulong na rin sila papa Carl at Miko. May konting pagtatalo nga lang nang dahil sa mga pinggan pero inaksyunan naman agad. Si Miko na ang naghuhugas.
Tinapos ko na rin ang mga gawain sa bahay bago ako pumunta sa kwarto ko. At isa pa excited na ako na pasukin ang mundo ng VR.
Forward>>>>
Nasa kwarto na ako ngayon at inayos ang mga gamit ko. Settle na ang lahat para simulan ko na ang pagpasok sa mundo ng VRMMORPG. Kung pwede lang sana nandoon ang mga alaala ko, gagawin ko talaga ang lahat para makaalala ako.
Kinuha ko ang NerveSphere at tinignan ito. Pinagmasdan ko ang bagay na siyang magdadala sa'kin da isang kakaibang mundo. Ang mundo ng mga mandirigma na kung saan sinabi ng misteryosong bata na kailangan kong puntahan.
"Sana matulungan mo ako sa misyon ko. Please. Ikaw lang ang pag-asa ko para masagot ang lahat ng tanong ko tungkol sa nakaraan ko. At pati na rin sa panaginip ko. Kung totoo nga ba ang lahat ng iyon. " Bulong ko sa aking NerveSphere.
Tanging hiling ko lang sa kaarawan ko, bago ako pumunta sa mundo ng VR, gusto ko lang sanang sabihin na...
Gusto kong mahanap ang mga kasagutan sa mga nawawalang bahagi ng alaala ko sa nakaraan. At kung sino ba talaga ako.
Isinuot ko agad ang bagay na iyon at humiga sa kama.
Ito na ang simula ng misyon ko. Hanapin ang mga kasagutan sa nakaraan ko.
At first, I'm taking a deep breath. I relax and close my eyes to this real world. And then. . .
Sinabi ko agad ang mga salitang magpapapasok sa'kin sa mundong iyon.
"INITIATE LINK!"
*____
Flashes of black, white, light green and blue colors and technology designs ang nagflash sa mga mata ko. Para akong hinigop ng isang black hole papunta sa isang lugar. At kinalauna'y may nagflash na mga salita sa harap ko.
Welcome to Fairy Guardians Online!
Fairy Guardians Online. Ito pala ang game na pinasok ko ngayon. At sa totoo lang nakakapanibago.
Ayon sa napag-alaman kong impormasyon, ang Fairy Guardians Online ay hango sa isang kwento ng apat na guardians. At hindi lang yan. May kwento rin dito na tungkol sa isang matinding labanan. Labanan ng teritoryo ng liwanag at dilim o kapangyarihang mamuno sa mundo ng Fairy Guardians o kung tawagin sa ibang pangalan, ang Elementharia.
Ang apat na guardians ay magkakapatid. At sila rin ang mga tagapagbantay ng iba't ibang elemental territories.
Pero maiba tayo.
Napunta na lang ako sa isang misteryosong silid. Isang madilim na silid na biglang nagkaroon ng liwanag na kulay blue at violet na linya sa paligid.
Ang weird. Hindi lang weird. Sobrang weird yung nakikita ko ngayon.
Biglang may lumabas na parang keyboard sa harap ko. Parang nasa isang secret agent thingy. Ano kaya ang gagawin ko rito? And suddenly, I heard a monotone speaking on what will I gonna do next.
Please type your name, age and gender.
Wow! Talaga? Pero sa game na'to, codename o avatar name lang ang magagamit ko. Parang itatago mo ang tunay mong pangalan. O kung sino ka talaga sa tunay na mundo. Pero bihira lang ang gumagamit ng mga tunay na pangalan sa game. So I decided na yung pangalan sa panaginip ko ang gagamitin ko. Ewan ko lang kung yun ba talaga ang pangalan na nagflash sa panaginip ko.
Name: Kira
Age: 16
Gender: Female
At pagkatapos nun, bigla na lang nagflash ang iba't ibang fairy races.
Choose your fairy race
Ang dami ng mga fairies na nakaflash sa harap ko. Ang mga fairies na ito ay base din sa kanilang elemental type. Nalilito din ako kung anong element ang pipiliin ko. Water or wind? Hay. Wind na lang.
Windian (Wind Fairy)
At bigla na lang ding lumabas ang isa pang setting.
Do you want to change the color?
Ayos. Pwede kong palitan ang kulay. White nga yung fairy na napili ko at gumagamit ng hangin. So I decided to change it to my favorite color.
"Change to black." Sabi ko sa systems.
Black wings, black outfit, black eyes and black hair. Ayos na siguro ito. At pinili ko rin ang classification na swordsman. May anim na klase kasi ito. Mage, healer, beast tamer, knight, archer at swordsman.
At bigla na lang may nagflash ulit sa harap ko na nagsasabing agreement sa napili kong avatar.
Save changes?
[O] [X]
At pinindot ko yung parang circle na kulay blue. At sa wakas natapos na rin ang pag-organise ng avatar ko. And the system's monotone speaks again.
Thank You. You may now log in the game.
Pagkatapos niyang sabihin iyon, bigla na lang akong nilamon ng isang misteryosong liwanag. Saan na naman kaya ako dadalhin ng systems? Sana doon sa isang lugar na medyo payapa.
*_____
When I open my eyes, nakita ko ang kagandahan ng langit. Mga bituing nagniningning at samahan mo pa ng buwan na sobrang liwanag. At ang mga magagandang tanawin. Wow. Ang cool nito. Pero teka. Parang may nakalimutan yata ako.
Napapansin ko kasing bumubulusok ako pababa. Teka. Nasaan na naman ba ako? Parang pakiramdam ko nasa ere ako.
At sandali. In speaking of ere...
Whaaaaaaa! Nahuhulog ako! Tulong! Nakalimutan kong i-activate ang mga pakpak ko!
At makalipas ang 3 seconds...
*bbllaaaaggg!!!*
Uuurrrggghhh!! Ang sakit! At ang lakas pa ng impact ng pagkabagsak ko. Pero buti na lang sa puno ako bumagsak.
Pagkatapos ay nahulog ulit ako sa puno at ang ulo ko naman ay tumama ang lupa. Argh! Ang sakit. Dobleng sakit! Dobleng impact.
Pero teka. Napansin ko lang na hindi ko nararamdaman ang sakit. Kahit ang lakas pa ng impact ng pagkabagsak ko. Oo nga pala. Ayon sa nalaman ko, may pain absorber na nakaset sa game. Parang 40% lang ang mararamdaman mo sa tunay mong katawan. Ang cool. Sana may pain absorber din ang puso ko para hindi ko na mararamdaman ang sakit.
At totoo nga. Totoo nga ang sinabi ni Jiroshin. Para ngang totoo ang nasa paligid ko ngayon. Ang mga puno, halaman, mga alitaptap, lahat ng nakapaligid sa akin ngayon talagang totoo. Ang mundo ng Elementharia. Nakarating na rin ako sa wakas. O sa madaling salita, ang mundo ng VRMMORPG.
"Hay. Ito na ang sinasabi nilang virtual world. Lahat ng bagay na nasa paligid ko, talagang totoo. Maligayang pagdating sa mundong ito Kazuki." Sabi ko sa sarili ko.
Grabe. Napakaganda talaga ng VR na ito. Hindi pa rin ako makapaniwalang nakarating na ako sa mundong ito.
Napatingin ulit ako sa langit. Ang napakarami ngang bituin. Hahaha! At may balak talaga akong mag-connect-the-dots para makagawa ng constellation. Ang astig naman nito.
Bumangon agad ako sa binagsakan ko at tumayo. Una akong tumingin sa sarili ko. A wind fairy swordsgirl who wears a black outfit with turtle neck that fits my body that also matches with a night sky colored short na may sinapawan ng long black skirt na nakakabit sa belt with an x design sa harap. Parang pambabang kapa lang ika nga. Samahan mo pa ng long thigh black socks at boots. And additional black shining breastplate. May long fitted sleeve din akong suot sa magkabilang braso na may curve sa ibabaw. At gloves na nakalabas ang mga daliri. At may beginner's sword pa ako sa kaliwang bewang.
At napansin ko yata na may hair clip ako sa kanang parte ng buhok ko na nasa gilid ng kanang mata ko. Pero nakababa pa rin yung bangs na tila nasa gitna. At yung length ng buhok ko lumagpas na sa bewang.
Tumingin at pinagmasdan ko ulit ang paligid. Ang ganda nga talaga. Pero may katanungan na namang bumabagabag sa isipan ko.
Sa pamamagitan ba ng mundong ito, mahahanap ko na kaya ang mga kasagutan? Sana nga.
I swipe my right hand in the air. At may biglang lumabas na parang settings o window ng game. Nandoon nga ang log out. And I check my personal abilities, stats and etc.
Teka. Ano bang mga bagay na nakaflash sa window ko? Ba't ang daming mga question marks at mga letter x? Is this a bug?
Gosh. Baka may gumamit na sa avatar na'to dati. O baka inagaw ko lang ang account nito.
I check my friends list. At kasunod nito ang pagcheck sa mga items ko sa game. Still question marks. Scroll lang ako ng scroll nang dahil sa curiosity ko. Baka may mahahanap akong impormasyon dito.
Hanggang sa may nakita akong letter "r". Hmm. Ano na naman ba ito? Isa na namang bug? O baka naman hindi.
I press the button at may isang maliit na sapphire na hugis oval ang lumitaw sa harap ko. At hinawakan ko iyon nang bigla na lang itong nagliwanag sa harap ko.
Grabe! Nakakasilaw naman ng liwanag na ito.
Hanggang sa may lumitaw na batang lalaki sa harap ko. A boy with a brick red hair and hazel brown eyes. Nakasuot siya ng red long sleeved shirt with trousers. Ang cute ng batang ito.
Teka. Isang bata? Lumabas sa isang maliit na hiyas? Ang weird nga. Nananaginip ba ako?
At ang mas ikinagulat ko ay nagsalita ang bata. Na parang nasa expression na namimiss niya ang isang tao. O diwata.
"Ate Kira? Ikaw ba yan?" Tanong ng bata.
Teka sandali. Kilala niya ako? Paano nangyari yun? At sino naman siya?
Napatingin lang ako sa kanya na parang may pagkagulat at pagtataka. Bakit ba niya ako kilala eh ngayon lang ako nakapasok sa virtual na mundo. At ngayon ko lang siya nakita.
"Teka. Paano mo ako nakilala?" Tanong ko sa kaniya na may halong kalituhan.
"Hay ate Kira. Wag ka ngang magbiro nang ganyan. Ako 'to. Si Riku." Sabi naman niya. Nakangiti pa nga siya.
"Riku? Ang pangalan mo ay Riku?" Sabi ko naman sa kaniya.
Riku. Sa totoo lang wala akong matandaan na may nakilala akong bata sa mundong ito. Ngayon lang kasi akong pumasok sa mundo ng VR.
"Oo ate Kira. Ako si Riku." Sabi ni Riku.
Wait. Hindi ko siya kilala. O nakalimutan ko kung sino siya. Diba lahat ng alaala ko nabura?
"Pasensya na. Hindi talaga kita kilala." Sabi ko sa mahinang tono.
Ang mga ngiting nakaguhit sa kaniyang mukha ay bigla na lang napalitan ng kalungkutan. Napayuko ang ulo niya. Bigla niya akong niyakap nang mahigpit. At pinipilit pa niya akong pinapaalala tungkol sa kaniya.
"Ate Kira! Ako nga ito! Si Riku. Yung batang iniligtas mo sa dark forest dati 7 years ago. Naging best friends tayo. Please! Alalahanin mo." Sabi ni Riku. Kasabay din nun ang pagtulo ng kaniyang virtual tears mula sa kaniyang mga mata. Napansin ko na sa isang patak ng luha niya, talagang totoong luha iyon at nararamdaman ko ang kaniyang pangungulila sa tao niya.
Pagkatapos, kinausap ko siya tungkol sa aking sitwayon at pinahid ko ang mga luha niya.
"Riku. Pasensya na talaga kung hindi talaga kita makikilala. Paggising ko na lang kasi, hindi ko na alam kung sino ako. At sa totoo lang ngayon lang kita nakilala." Sabi ko sa kaniya.
"Pero ate Kira... Bakit naman yun nangyari sayo? Bakit nabura ang mga alaala mo?" Sabi ni Riku na tila nag-aalala sa sitwasyon ko.
At ang tanging isinagot ko lang sa kaniya ay...
"Hindi ko alam."
Napayuko na lang si Riku sa narinig niya at nagkaroon ng konting katahimikan sa paligid. Sa totoo lang naaawa rin ako sa kaniya. Kahit isa siyang AI nararamdaman ko ang pangungulila niya.
Pero, kung nakikilala niya ako, baka may alam siya tungkol sa'kin. Kaya nakaisip ako ng ideya.
"Uh Riku. Kung hindi ko pa naalala ang lahat, pwede mo bang ikuwento ang pinagsamahan natin sa mundong ito para kung sakaling may maaalala ako?" Sabi ko sa kaniya sabay ngiti.
Riku lift his head at agad tumingin sa'kin. At yung kalungkutan niya ay napalitan ng ngiti at sigla.
"Oo naman. Para sayo ate Kira. I will tell you everything. Yung mga pinagsamahan natin dati. Sana maalala mo na yun." Sagot naman ng masiglang Riku.
Ngumiti agad siya at saka I hinimas ang ulo niya. Hahaha! Ang cute pala ng batang ito lalo na kung nakangiti. Dahil dun ay napangiti din ako sa kanya.
Habang nagso-scroll ako sa aking window, napatingin si Riku dito at may sinabi siya.
"Ate Kira. Kailangan mong i-reset at burahin ang mga yan sa window's data mo."
"Eh teka. Bakit naman Riku?" Tanong ko sa kaniya na medyo nalilito.
"May laman kasi yang mga bug informations. At ang iba dyan ay mga data na nanggaling sa dating game na hindi nagamit at pinasukan na ng system bugs. Kailangan mong burahin yan kung ayaw mong paghinalaan ka ng systems na isang player bug at burahin ka." Sabi ni Riku.
Kaya sinunod ko na lang ang mga sinabi niya. I deleted those bugs and reset. Sa bagay may punto siya. Kapapasok mo pa lang sa game na ito tapos idedelete ka na lang bigla. Unfair yun.
I sighed in relief sa ginawa ko.
"Hay. Ayan tapos na."
At nawala na nga ang mga bugs na iyon sa account ko. Hay. Curious pa naman ako dun sa mga bagay na iyon.
At sandali. Maiba nga tayo. Magtanong ko lang. Kung nanggaling siya sa isang misteryosong hiyas sa mga items ko. Ano bang role niya sa game?
"Riku. Ano ba yung role mo sa game?" Tanong ko sa kaniya.
"Teka. Ako ang private pixie mo ate Kira." Sabi niya.
"P-P-Private pixie??"
Tama ba iyong narinig ko? Private pixie? O navigational pixie? Ano naman yun?
Pagkatapos niyang sabihin yun, bigla na lang siyang nagpalit ng anyo at naging maliit na fairy. Ay mali. Pixie pala. Hay.
Nag-iba nga lang ang disenyo ng suot niya. Napansin ko rin na naging maliit siya at nagkaroon ng kulay scarlet na mga pakpak.
"Ang cute mo naman kapag naging pixie." Sabi ko sabay paghimas ko sa kaniyang ulo nang dahan-dahan sa pamamagitan ng hintuturo ko.
"Ikaw talaga ate oh. Tigilan mo nga yan. Nakikiliti na ako sa ginagawa mo eh." Sabi naman ni Riku na medyo nagblush nga lang ng konti. Hay. Nangigigil talaga ako sa kacutan mo.
Hahahaha. Tama na nga ang mga bolahan. Oras na para magtanong kung ano ang meron dito. At isa na doon ang tungkol sa mga pakpak ko.
Speaking of mga pakpak, hindi ko alam kung paano gagamitin o pagagalawin ito para makalipad ako. Mabuti pang itanong ko na lang sa kanya.
"Riku may itatanong sana ako sayo." Sabi ko sa kaniya.
"Ano yun ate Kira?" Sagot naman ni Riku na lumilipad sa harap ko.
"Diba ang mga fairies dito ay may pakpak?" Tanong ko. Hay. Ito na ang isa sa mga pinaka-nonsense na tanong ko sa kaniya.
"Obvious naman ate Kira. Anong silbi ng flying skills mo kung wala kang mga pakpak." Sabi ni Riku sabay tawa. Yan na nga ba ang sakit ko kapag tinamaan ng amnesia.
Bakit ko pa kasi tinanong yun eh?
"Bakit mo nga pala yan itinanong yan ate Kira?" Tanong naman ni Riku habang napakamot sa ulo.
Nahihiya akong sabihin ito pero kailangan kong sabihin eh.
"Eh kasi... Uhm... Hindi ko kasi alam kung paano gamitin ang mga pakpak na ito para makalipad." I replied in a sheepish tone.
Bigla na lang nagulat si Riku at napa-facepalm sa mga sinabi ko.
"Hala! Ano?! Tama ba yung narinig ko?! Hindi ka na marunong gumamit ng mga pakpak na yan?! Nakalimutan mo na sigurong gamitin ang flying skills mong pang- proffesional sa game na'to! Dati na nasa ALO ka marunong kang lumipad. Eh ngayon nakalimutan mo na?" Wika ng naka-facepalm na private pixie. Riku parang OA ka na. At bigla na lang akong napa-facepalm sa mga sinabi niya. At parang may nakalimutan yata siya.
"Riku. Diba nabura ang mga alaala ko? At isa pa parang medyo OA na ang mga reaksyon mo huh." Sabi ko in a cold tone.
"Oo nga pala. Sorry. Medyo nadala lang ako sa reaksyon ko." Sabi ni Riku. At napakamot tuloy sa ulo nang dahil sa mga sinabi niya.
Sandali. Maiba nga tayo. Paano ba lumipad sa mundong ito?
"Paano ba gamitin ang mga pakpak na ito para makalipad?" Tanong ko sa kaniya.
Pumunta agad si Riku sa likod ko at sinabi ang mga tips sa paglipad.
"Gaya pa rin ng dati ate Kiruna. Palabasin mo muna ang mga pakpak mo" Sabi ni Riku.
And so I did his first command. Pinalabas ko ang mga pakpak ko that is black as the color of the night sky na nagniningning kapag nasisinagan ng buwan. Hahaha. Kelangan talagang banggitin ang kulay.
"Tapos?" Sabi ko.
"Pagalawin mo. Isipin mong bahagi ito ng katawan mo. Parang nakakabit sa spinal chord mo." Sabi naman niya.
Ginawa ko yung sinabi niya. I really imagined that my wings are connected to my nerves. Iniisip ko na kaya kong galawin ang mga pakpak ko.
At bigla ko na lang naramdaman na gumalaw ng konti ang mga pakpak ko.
"Medyo naigagalaw ko na." Sabi ko.
"Ulitin mo pa ate." Sabi ni Riku-sensei. Tama ang narinig niyo. O nabasa. Riku-sensei. Siya kasi ang nagturo sa'kin sa basic skills ng paglipad eh.
2 minutes later...
Aaaarrrggghhh. Sige pa. Dapat makakalipad na ako. I already feel that my wings are moving and ready to flap like a butterfly. Kainis! Matagal pa ba ito?
"Ok pwede na ate Kiruna!" Sigaw ni Riku.
"Teka ano?!" Pagulat kong sabi.
Naramdaman ko na lang na tinulak niya ako sa likod at lumipad nang mataas na hindi pa talaga marunong with matching sigaw. Baka! Para akong naglolokong jet plane rito sa itaas!!
"Whaaaaaa!!! RIIIIKUUUU!!! Tulungan mo ako ritoooooo!!! Tasuketeeee!!!" Malakas kong sigaw habang naglolokong lumilipad sa ere.
"Naku! Ate Kira!!!" Sabi ni Riku.
Baka! Ayoko na! Gusto ko nang lumapag sa lupa! Tulungan niyo ako!