CHAPTER 1

2205 Words
[John Axle's P.O.V.] Dahan-dahan kong ipinarada ang sasakyan ko sa harap ng school ng S.P.I.A. hindi ko na magawang ipasok pa sa loob ng school dahil nakaharang na ang mga estudyanteng nakabantay sa labas upang makita ako. "Kyaahh! John Axle." Sigaw ng mga babae sa labas. "Look that crazy girl kuya John Axle. She doesn't aware na may something  sa ilong niya. So eww!" Sabay irap ni Fritzie habang nasa loob kami ng kotse. Magkasabay kasi kaming pumasok dalawa ni Fritzie Hanna dahil hindi pa siya pinapayagang mag dala ng kotse dahil wala pa itong disi-otso. Hindi kasi pumapayag si Mommy at Daddy na mag drive kung hindi ka pa disit-otso kaya naman madalas sumasabay sa'kin ang kapatid kong si Fritzie. Tiningnan ko iyon at napangiwi ako nang makita ko ang tinutukoy ni Fritzie. "Kasing dumi ng mukha niya ang nasa ilong niya." Sabi ko. "True, so sagasaan mo na ang babaing 'yan dahil baka dumikit pa sa kotse mo ang something sa ilong niya. Go! Sagasaan mo na." "Sure!" Pinaandar ko ang makina ng kotse upang magsilayo sila ng kaunti. Hindi ko naman sasagasaan tulad ng sinabi ni Fritzie. Pagbukas ko ng pintuan ng kotse ko agad na nagsitakbuhan ang mga estudyante palapit sa'min ni Fritzie. "Fritzie! Ang ganda mo." Narinig kong sigaw ng lalaki kay Fritzie. Nang tingnan ko si Fritzie. Ang tamis ng ngiti niya na parang kanina lang ay inis na inis sa mga ito. "Hi, every one." Mahinhing sambit ni Fritzie pagkatapos kumaway pa ito at ngumiti. Sumimangot ako sa kanya. "Arte mo." Sabi ko sa kanya. Matamis niya akong nginitian. "Of course, maganda ako kaya dapat akong mag-inarte." Umiling-iling ako. Sino nga ba ang hindi maniniwala na masama ugali nitong bunsong kapatid ko. Natural na sa kanya ang mahinhing boses. Ang maamo niyang mukha at dimples na bumagay sa kanya dahil kahit tingnan ka lang niya para na siyang nakangiti dahil sa dimples niya. Kaya kahit numero uno siyang maldita sa school na ito hindi halata dahil maamo niyang itsura. "John Axle." Nakapameywang na lumapit si Fritzie sa tabi ko habang hinihintay ang tumawag sa'kin. "Ang bebe mo kuya John Axle." Pang-asar na sabi ni Fritzie sa'kin. Sumimangot ako. "Wag mong sirain ang araw ko Fristzie. Let's go!" Pagkatapos nauna akong naglakad kay Fritzie. "Wait kuya!" Habol na sabi ni Fritzie. "John Axle!" Muling tawag sa'kin ng babae. Hindi ko siya pinansin kung kaya't hinabol niya ako hanggang sa maabutan niya ako. "Ang bilis mong maglakad." Habol hininga niyang sabi. Mabilis kong pinagmasdan siya.  Nakasuot siya ng uniform ng pang tourism ngunit ang pagkakatahi ng palda niya ay saklaw sa standard uniform ng school. Sinadya niyang paiklian ang uniform niya. Ang kapal din ng make up niya akala mo ay nagtatrabaho sa mga mall. "Do i look hot and sexy?" Nakangiting sabi niya. Napansin siguro niyang nakatingin ako sa kanya. "Annabelle, youre very ambitious. Hindi lang makapaniwala si kuya na may panget na nilalang na nakapasok sa school namin." Pang-asar na sabad ni  Fritzie. "My name is Shekainah not Annabelle." Lalapit pa sana ito kay Fritzie ngunit nagsalita si Fritzie. "Subukan mong lumagpas ng isang dipa sa'kin mabubura yang make up mo. I'm sorry, but you look Annabelle. Ayaw mo no'n famous ka." Pailalim na tumingin si Fritzie kay Shekainah. "Famous devil and ugly creepy women." Sabay tawa ng malakas ni Fritzie. Bumuntong-hininga ako. Nag-umpisa namang mambully si Fritzie. Palagi na lang itong may inaaway sa tuwing kasama ko ito at si Shekainah ang paborito niyang awayin. Kung sabagay, kapag kasama ko si Fritzie. Isang dipa ang layo nila sa amin. Dahil ayaw ni Fritzie na may lumalapit sa kanya ng higit isang dipa kung hindi naman kayo close. "Bye! Annabelle." Sabay tawa ng malakas ni Fritzie. Taas noong naglakad si Fritzie habang nagngitngit sa galit si Shekainah. Si Fritzie talaga napaka maldita hindi na ako magtataka kung kanino siya nagmana. "Wag mong sabihin na nalulungkot ka dahil hindi kayo nag-usap ni Annabelle kuya." Sabi pa niya. "Pwede ba Fritzie. Pag ako nainis sa'yo sasabihin ko kay Mommy ilipat ka ng ibang school. Masyado mong inaapi ang mga tao rito." "Mabait na nga ako sa kanila dahil kinakausap ko na sila." "Bahala ka nga!" Inis kong sabi sa kanya. "Pikon si kuya John Axle." Sabay tawa niya ng malakas. Pasalamat talaga si Fritzie at nasa school kaming dalawa kung hindi baka nag-away naman kami. Madalas akong napipikon sa kanya dahil nakakaasar siya palagi. Noong mga bata pa kami palaging ako ang nag papasensiya dahil sabi ni mommy ako ang matanda. Kaya kahit gusto ko na siyang sapakin pinipigilan ko sarili ko. Kaya naman lumaking spoiled at maldita si Fritzie. Palibhasa kasi paborito siya ni Daddy. Sinalubong ako ng kaibigan kong Kiel nang papasok ako sa loob ng Classroom namin.  Si Kiel Goyanes ang nag-iisa kong kaibigan sa school. Siya lang ang palagi kong kasama dahil hindi ko gustong makipag-usap sa ibang tao. Madalas kaming napapaaway ni Keil. Siya ang partner in crime ko. "Dude!" Sabay tapik niya sa'kin sa balikat. "Anong hangin ang pumasok sa isip mo at pumasok ka ng maaga?" Sabi ko sa kanya. Dire-diretso akong umupo sa pwesto ko habang nakatingin sa amin ang mga kaklase namin. "Umupo si Keil at itinaas ang paa." Wala pa naman ang professor namin kaya wala pang maninita sa'min. "May bago kasing estudyanteng bagong transfer Cazxiopeah ang pangalan niya." Itinapat pa niya ang  bibig niya sa tenga ko at bumulong. "Balita ko galing siyang catholic school. Makinis, maputi, matangkad, maganda at higit sa lahat virgin." Ngumisi pa ito. Matalim ko siyang tiningnan. "Ul*l! Wag mo nga akong idamay sa kalokohan mo. Isipin mo nandito tayo para mag-aral hindi para maghanap ng ka-fling." Nakangisi siya sa'kin at sabay na pinataas ang kilay niya. "Sigurado ka ba diyan Dude?" Sabi ni Keil. "Mag-aral ka ng mabuti hindi puro babae nasa isip mo kaya tayo napapaaway." Sabi. "Tanggapin mo na ang mga panget galit sa mga gwapo kaya lagi tayo napapaaway kasi gwapo tayo." Tumingin siya sa mga kaklase namin. "Di ba classmate." Sabay kindat niya sa mga ito. Nagtitili naman ang mga babae na parang hihimatayin na. Ito ang isa sa mga ayoko sa mga babae ngayon. Hindi uso sa kanila ang salitang pakipot kapag may gusto sila. Ipapakita nilang gusto nila at sila mismo ang lalapit kaya naman madalas may nasisigawan akong mga babae sa school dahil sa pagiging easy to get nila. Minsan lumalapit sila sa'min na sinasadyang tanggalin butones malapit sa dibdib nila upang masilayan namin. Madalas pa nga ay sadya nilang dinidikit sa'min ang maumbok nilang dibdib upang makuha nila ang atensiyon namin ni Keil. Kaya minsan kapag gusto naming mag libang may nag-ooffer ng one night stand sa'min na estudyante. "John Axle!" Kumunot-noo ako nang makilala ko ang tumatawag sa'kin. "Pss. Sinusundan talaga niya ako." "Wow! Ulam." Pabirong sabi ni Keil sa'kin. Nakaupo pa rin kami at naghihintay na dumating ang professor namin. "G*g*!" Sambit ko sa kanya. Taas noo kasing naglalakad palapit sa'min si Shekainah. Hindi namin siya kaklase dahil tourism ito. Ngunit ang lakas ng loob nitong pumasok sa classroom namin kahit na nga matalim na ang tingin sa kanya ng mga kaklase kong babae. "Here!" Inabot nito ang kulay short brown envelop. "What's this?" Hindi ko pinagkaabalahang buksan kung anong nilalaman ng loob. "Negative ako sa HIV test result at wala rin akong nakakahawak sakit." Narinig ko ang bulong-bulungan sa loob ng classroom namin. Nang tingnan ko naman si Keil. Pinipigilan nitong wag tumawa. Ito kasi ang requirements ko sa mga babaing may gusto sakin medical exam result at HIV test result. Sa panahon ngayon kailangang safe pa rin habang nag-eenjoy. "So what?" Sagot ko. "That is mean i'm safe and capable to have s*x with you." Lakas loob nitong sabi. "Are you insane?" "Of course not.  I like you and i'll do everything just to be with you in bed. Tumayo ako at dahan-dahan kong pinunit sa harapan niya ang envelop na naglalaman ng medical at HIV test result niya. "I'm sorry, but i don't like you." Seryoso ko siyang tinitigan. "Why did you that?! Youre fuckin arrogant." Galit na sabi ni Shekainah. "Wala ka ngang sakit pero hindi ko gustong makipag s*x sa iyo." "Youre not a saint, don't be so conceited, palay na lumalapit sa iyo. Ayaw mo pa." Umiling ako. "How pathetic." Sabay talikod ko sa kanya. "Where are you going?" Ani Shekainah. "Anywhere away from you." Sabi ko. Lumabas ako palabas ng classroom. Sumunod naman sa'kin si Keil. Mas gugustuhin kong wag na lang pumasok sa first subject namin kaysa manatali roon na kasama si Shekainah. Ayoko sa babaing easy to get dahil mas gusto kong na-challenge ang pagiging lalaki ko. Gusto kong pinapahirapan ako ng taong gusto ko sa panliligaw hindi iyong ibibigay lang sa'kin. "Tok! Tok!" Kumatok muna ako sa office ni kuya John Ace bago kami pumasok sa loob. Tuwing lunes at martes nandito siya sa school upang asikasuhin ang school. Siya na kasi ang namamahal ng school dahil si Daddy at Mommy ay nasa bahay na lang. Kay Kuya John Ace, ate Jhoace at Kuya Shawn na pinamahala nila Daddy ay Mommy ang mga negosyo namin at isa sa hawak ni kuya John Ace ay ang S.P.IA. Nakakunot-noo si kuya John Ace habang nakatingin sa'min na papalapit sa kanya. Humiga ako sa mahabang sofa samantalang si Kiel. Dumiretso sa computer para mag-online game. "Nag ditch naman kayong dalawa?" Tanong niya sa'min. "May babae kasing sunod nang sunod kay John Axle. Kuya J.A." sabad ni Kiel. Dahil matagal na silang magkaibigan tinatawag niya rin na kuya si Kuya J.A. "Totoo ba iyon John Ace?" Tumingin ako sa kanya. "Minsan nakakainis na maging gwapo. Hinahabol ng mga babae." Sabi ko. "Ha-ha-ha! Talent mong magyabang Dude sa harapan ng kuya John Ace mo. Mas magandang lalaki naman si Kuya John Ace sa'yo." Sabad ni Kiel. "Sipsip ka talaga kay kuya." "Noong ka-edad ko kayo hindi ako basta-basta nakikipag-usap sa mga babae. Madalas nagbibigay sila sa'kin ng medical exam result nila bago ko sila halikan or maka-one night stand." "Si John Axle ang matindi may kasama pang HIV test result bago siya pumayag ng one night stand." Sabay tawa ni Kiel. Matalim kong tinitigan si Kiel. Nakakabadtrip binuking na niya ako kay kuya John Ace. Humalakhak ng tawa si Kuya John Ace. "Masyado ka pa lang maselan John Axle. Tinalo mo pa ako sa pagiging mapili." "Kuya J.A. nag-iingat lang ako marami ng tao ang carrier ng aids. Kaya mas magandang gamitin ang pagiging gwapo sa safe na paraan." Nagkibit-balikat si Kuya John Ace. "Well, tama nga 'yang naisip mo pero sana dumating ang oras na makahanap ka ng babae na magpapatino sa'yo. Third year college ka na wala ka pa rin seryosong girlfriend." "Wag mo akong intindihin kuya John Ace. Sadya lang talagang hindi ko sinunod ang edad niyo sa pag-aasawa." "Kuya John Ace. Ayaw niya pa kasi marami pang lutong pinoy ang libreng nakalatag sa harap niya. Gusto niya munang tikman lahat bago siya magsesryoso." Sabay tawa ni Kiel. "F*ck you!" Sabay bato ko ng sapatos ko sa kanya dahil sa badtrip. Kanina pa niya ako inaasar. Humalakhak si Kiel. "Wag kang pikon Dude." Nag peace sign pa ito. "Anyway, John Axle. Pupunta ng probinsiya sila Mommy at Daddy sa sunday sasama ka ba?" Mariin ang naging pag tanggi ko. "Ayoko! Si Fritzie na lang isama nila." "Sige, sasabihin ko kay Daddy at Mommy." "Thanks kuya." Sabi ko. Naglagay ako ng headset sa tainga habang nakapikit. Hanggang sa tuluyan akong nakatulog ng mahaba. Hindi ko na napasukan ang tatlong subject namin. Kaya naman pag-uwi namin sa mansiyon bidang-bida naman si Fritzie kay Mommy at Daddy upang isumbong ako na hindi ako pumasok sa ibang subjects ko. Sinermunan tuloy ako nila Mommy at Daddy nang gabing iyon. Ako naman ang mali at si Fritzie naman ang bida. Nakakainis na talaga ang bunso kong kapatid. "Good night kuya. Magbanlaw ka sinabon ka nila Mommy at Daddy." Nakangisi pa ito na parang demonyita. Tinitigan ko siya ng masama. "Bukas ikaw naman ang sasabunin nila." Sabi ko. Nameywang siya sa'kin. "Wala kang masusumbong sa kanila." Paninigurado pa nito. "Talaga?" Kinuha ko ang cellphone ko at pinakita ko sa kanya ang isang video kung saan may binubully siyang estudyante sa school. "Paano mo nakuha 'yan? Wala namang Cctv camera do'n." Namumutlang sabi Fritzie. Ngumiti ako dahil nagtagumpay akong maasar siya. "Walang cctv camera pero maraming estudyante ang may camera. Galingan mo little sister sa pagiging best actress bukas kay Daddy at Mommy." Sabay talikod ko at nagtungo ako sa kwarto ko. "Kuya! Wag mo akong isumbong please. Aalisan ako ng allowance." Pakiusap niya sa'kin. "Good night bunso." Pang-asar ko sa kanya pagkatapos tumawa ako ng malakas. "Kuya naman!" Habol pa nito. Pasipol-sipol ako pa ako. Siguradong takot na takot na iyon si Fritzie. Sila Mommy at Daddy kasi ang nangununang ipatupad sa school ang cyber bullying. Matagal na itong batas ngunit marami pa rin na estudyante sa iba't-ibang school ang nambubully. Kaya ang ginawa nila Mommy at Daddy sa S.P.I.A ang sinumang makakakita ng taong bibubully. Bibigyan nila ng award. Kaya hindi naging mahirap sa'kin ang makahanap ng video na ginawang pambu-bully ni Fritzie. Siguradong malaking punishment ang mangyayari sa kanya bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD