Tamir bro, wag ka naman ganyan, mag-pinsan tayo dito, parang wala tayong pinagsamahan sa ginagawa mo sa akin ngayon," sambit ni Hades na kaagad itong napahimas sa kanyang labi saka ito pinunasan ang dugo nasa kanyang bibig nang pumutok ito na magkasunod na sinuntok ni kuya Tamir. "Tama ka Hades, mag-pinsan tayo, magkadugo tayo, hindi ko 'yon nakalimutan, pero kapatid ko din si Isa, Hades, at pinsan mo siya. Puwede bang tapusin na natin ang gulong ito sa ating pamilya, tanggapin na lang natin ang katotohanan na si Isa ay kabilang na sa pamilyang ito. Humingi na lang kayo nang tawad sa kanya para matapos ang gulong ito. Mahirap ba 'yon gawin ang sinasabi ko, Hades? "Lo. Magkapamilya tayo dito, hindi dapat tayo ang mag-aaway dahil sa pagkakamali noon. Puwede bang ayusin at itama ang mga pa

